CHAPTER 10

3.7K 100 1
                                    

Chapter 10

"RIVER!" Masayang niyakap siya ng kanyang ina nang mabungaran siya nito sa pinto matapos niyang mag-buzzer ng ilang beses.

Nagtaka pa siya ng tawagin siya nitong 'River'. Ganoon yata nito na-miss ang kanyang kakambal. Na maging siya ay hindi man lang nito nakilala bilang Raffa.

Hindi ba nagtaka ang mga ito sa matagal-tagal niyang pagkawala?

"Mom, it's me... Raffa." Pagtatama niya.

Nangunot ang noo nito. "Halika nga muna sa loob. Siguradong matutuwa si Raffa kapag nakita ka niya dito. Sayang nga at kaaalis niya lang." Sinipat-sipat nito ang kanyang likuran.

Napalingon din siya sa direksyong tinitingnan nito. "Mom, ano'ng sinisilip mo?"

"Nasaan ang mga maleta mo?"

Her forehead wrinkled. "I'm not River! At ano ho ba'ng sinasabi ni'yo na matutuwa si Raffa? I'm Raffa!" She exclaimed.

Napa-praning na yata ang kanyang ina.

"Huwag mo nga akong niloloko." Pagseseryoso nito.

Natigilan siya. "Is River here?"

Sinapo nito ang noo. Tila naiirita na. "What's happening to you?"

Naiiritang umupo siya sa salas. Realization hit her. Nandito na si River...

GELLA

"WHERE is Raffa?!" Sigaw ni Gella kay Carlos na naiwan sa labas ng white room. Nakatulog ito sa pagbabantay kay Raffa dahil ito muna ang humalili kay Xylo.

"Sigurado ho ako, Ma'am na nandiyan lang siya kanina." Pagpapaliwanag ni Carlos.

"Ano'ng nandiyan? Puro unan na kinorteng tao ang nandiyan, o! Naisahan ka na!"

Natigilan ito nang makita sa ibabaw ng kama ang mga unan na pinagpatung-patong.

"Hanapin mo, dali!" Inis na itinulak ito ni Gella.

Tumalima ito.

"Oh, damn!" Nagdesisyon siyang tawagan si River upang ipaalam ang nangyari.

Masama ito...

RIVER

"MOMMY!" Tuwang niyakap siya ng anim na taong gulang na bibong-bibo at mestizang batang babae.

Sabik na niyakap niya rin ito. Pinaliguan ng halik ang buong mukha nito. "Missed me?"

"Of course, Mom. What took you so long? I've been wanting to see you."

"I'm sorry, baby. I was busy working. But now, I'm already here. We could play around." Binuhat niya ito at muling hinalikan.

"Really? How about we eat outside? I think I like ice cream." Suhestiyon nito na kaagad niyang pinayagan.

Tiningnan niya si Julie na natutuwang napabuntong-hininga. Ito lang at si Gella ang nakakaalam na may anim na taong gulang na siyang anak.

Na-miss niyang makipag-bonding sa anak na matagal-tagal na niyang hindi nakakasama at nakakausap. At the age of six, she understood how busy her mother was. She thanked Vida for that.

"Mommy, do you think my father loves me too?" She asked while eating her favorite ice cream.

She caressed her little face at marahang pinunasan ang gilid ng bibig nitong nabahiran ng ice cream.

Twin Switch [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon