CHAPTER XVIII DATE WITH HUBBY

Start from the beginning
                                    

"tara kim date tayo."

Wala naisipan ko lang na yayain syang mag date. Aba! Dapat lang naman na mag date na kami kasi sobrang ka epalan ang ginawa ni Jansen sa buhay namin ni Kim, panahon naman na ako na ang magpasikat at magpakilig sa kanya.

KIM'S POV

"tara kim date tayo"

Ayos din to si Andrew parang nagyaya lang na bumili kami ng candy sa kanto. Wala man lang kaayos ayos! Pero syempre gusto ko rin naman no. Haha Syempre konting pakipot muna ang gagawin ko.

Hinampas ko si Andrew sa balikat pero sa hindi sinasadyang pagkakataon eh natamaan ko pati yung mata nya.

"aray naman Kim! Wala naman akong ginagawang masama sayo eh"

Hawak hawak ni Andrew yung mata nya. Hala sorry naman! Eh sya naman kasi ang may kasalanan eh! Ang hilig hilig nyang mang asar!

"ikaw naman kasi eh! Ang hulig mong mang asar!"

"wow! Ako pa ngayon ang may kasalanan ha! Kiss mo yung mata ko para mawala yung sakit, pag ako nabulag sige ka."

"alam mo ang OA mo andrew! Natamaan lang kita mabubulag ka na?!"

"ikiss mo na lang kasi eh! Ang dami mo pang inaarte."

Eh di ikiss! Tinanggal ni Andrew yung kamay nya sa may mata nya tapos. Ngumiti sya ng nakakaloko. Nako, alam ko namang palabas nya lang to. Pero syempre sasakyan ko na lang ang mga trip ng taong to. Ng manahimik na sya. Kasi alam ko hindi nya talaga ako tatantanan.

Ilalapit ko na sana yung nguso ko sa mata nya ng bigla Syang kumilos at hinalikan ako sa lips!

O.O- ako.

Okay. Hinalikan nya ako sa lips, OMG OMG! Mag ha-hyperventilate ako! Waaaah! Naghalo halo na tuloy yung nararamdaman ko ngayon. Inis, kilig at saya. Naiinis ako kasi naisahan nya ako. Kilig at saya kasi kahit na naisahan nya ako binigyan nya ko ng feeling na hindi ko maipaliwanag. Yung pakiramdam na palaging bago. Parang mga pang out of this world. Saludo na talaga ako kay Andrew! Sya lang ang nakakapag bigay sakin ng ganyang feeling!

"bwisit ka talaga andrew! Wala ka talagang magawa sa buhay mo! Bubulagin na lang talaga kita!"

Pinaghahampas ko sya sa balikat. Pero ang lokong si Andrew tawa pa rin ng tawa! Nag eenjoy lang sya sa pang iinis sakin! Samantalang ako naisahan nanaman nya! argghh!!!

"aray! Bigla nanamang sumakit yung mata ko!"

"naku, andrew manahimik ka na di na uubra sakin yang mga gimick mo! Style mo bulok!"

"hindi na yata ako makakakita...."

Nakatakip pa rin yung kamayni Andrew sa kaliwa nyang mata. Habang todo arte na masakit ang mata. Masanayna kayo dyan! Mahilig talaga yang magsakitsakitan kaya dapat binibigyan yan ng gamot gamutan para mag galing galingan sya.

"tantanan mo ako Andrew. Kung mabulag man yang isa mong mata wag kang mag-alala may isa ka pa namang mata eh."

"promise.. Hindi na yata ako makakakita.....

Ng hihigit pa sayo"

Sabay kindat sakin ni andrew. Oh no! Ano ba to.grabe ka na Andrew ha! Sobra ka na kung magpakilig sakin! Hindi na ako natutuwa. Hahaha. Grabe kung ganito ba naman ang lalaking makakasama ko habang buhay eh okay na okay na! Magiging choosy pa ba ako?! Sige na! Me already! Promise. Hindi na talaga ako titingin sa iba dahil katulad ni Andrew, hindi na rin ako makakakita ng hihigit pa sa kanya, magpakilig pa lang Winner na winner na!

"wifeeeeeey!!!!!!"

bigla na lang akong niyakap ni Andrew. Parang sira talaga sya noh? Sisigaw tapos biglang yayakap. Syempre, aarte pa ba ako? Eh di yumakap na rin ako! Hmm.. Ang sarap makulong sa mga bisig ni Hubby. At.. Ang bango bango pa nya. Hihihi.

"hubby, wag na tayong lumayo pa, dito na lang tayo mag date."

"huh? Sure ka? Dito lang tayo sa bahay na to? Eh parang napakasimple naman nun"

Tanong sakin ni Hubby.

"oo naman, okay lang sakin kasi kahit saan naman tayo mag date basta ikaw ang kasama ko eh nagiging special na."

Oha! Akala mo andrew bebe ikaw lang ah! Syempre hindi ako papatalo no!

ANDREW's POV

"oo naman, okay lang sakin kasi kahit saan naman tayo mag date basta ikaw ang kasama ko eh nagiging special na"

Ay oh! Kim wag ganyan.. Kinikilig ako eh. Haha. Gravity! Kaya din pala ni Kim na pakiligin ako.

Sa bahay nga lang kami nag date ni Kim. Tama sya, kahit sa bahay lang kami nag date eh super special na. Okay din pala to kasi hindi ako napagastos. Haha de joke lang. Nagbake kami ni Kim ng cake, syempre naka ilang ulit kami kasi magaling kaming magbake. Ilang beses kaming nagkamali. Tapos sobrang kalat ng buong kitchen dahil na rin sa mga ingredients na ginamit namin. Tsaka syempre naglalaro muna kami. nagsasabuyan muna kami ng harina bago kami mag bake. Pagkatapos nun, magkikilitian at magtatawanan.

Pagkatapos naming magbake at kumain ay nanood kami ng no other woman. Idol na idol kasi ni Kim si Anne curtis. Akala ko nga papatayin na ako n Kim. Kasi sa oras daw na may other woman ako. Puputulin nya daw yung ano ko... Yung ano.. Alam nyo na yun hahaha. Beystos na bata yan si Kim eh! Pero sa sinabi nyang yun. Naramdaman ko na ayaw nyang mawala ako sa kanya. Na dapat, kim-andrew ; andrew-kim lang. Hindi pwede yung Jansen-kim at andrew-Barbi. Lalo namang hindi pwede yung Jansen-andrew! Kadiri lang ha!

Pagtingin ko kay Kim, tulog na sya. Kaya naman binuhat ko na sya papunta sa kwarto nya. Tsaka dahan dahan ko syang nilapag at kinumutan. Ang amo amo talaga ng mukha ng asawa ko. Hindi mo aakalaing mabangis eh.

Pagkalapag ko sa kanya eh, tumabi muna ako sa kanya tapos hinaplos haplos ko yuung buhok nya.

"wifey, sana lagi tayong ganito no? Sana wala ng makikigulo pa sa pagsasama natin. Sana parati na lang tayong masaya. Kasi sa totoo lang ayoko na talagang maulit yung dati. Ayoko bumalik yung oras na si Jansen yung kasama mo. Kasi alam mo? Sobrang sakit yung naramdaman ko nun. Pero wifey, gusto sana kitang tanungin kung ano ng nagyari sa inyo ni Jansen. Pero hindi ko magawa kasi baka mamaya nagka amnesia ka lang tapos kapag pinaalala ko eh sumakit ang ulo mo at bigla mo syang maalala. Basta wifey, wag ka ng babalik sa kanya ha? Dito ka na lang sakin. Promise ko naman sayo aalgaan kita eh. At promise ko din sayo na hinding hindi kita sasaktan. Goodnight wifey sweetdreams"

Humalik ako sa noo ni Kim. Alm ko namang hindi nya narinig yung mga sinabi ko kasi tulog na sya. Pero ayos lang atleast nasabi ko pa rin sa kanya yung nararamdaman ko. Habang tumatagal mas lalo akong nahuhulog sa kanya. At habang tumatagal mas lalo ko syang minamahal.

END OF CHAPTER

BABY ON BOARDWhere stories live. Discover now