one

0 0 0
                                    

Yvaine Reveri Merritt

Kasalukuyan akong nagliligpit nang mga gamit ko para umuwi dahil tapos na ang shift ko. Nagtatrabaho ako dito sa isang coffee shop malapit sa apartment ko para pandagdag gastos nadin para sa'min nang kapatid ko na nag aaral na ngayun as a first year high school.

Nag aaral din ako last year sa college kaya double kayod saka last year nadin naman, kasalukuyan akong kumukuha ng BBA ( Bachelor of Business Administration in Accounting) medyo mahirap pero tiis ganda muna (medyo makapal po mukha ko sorry na agad). Actually B.Sc. Culinary Arts talaga dapat yung gusto ko kaso may three-year 6 semester program pa kaya medyo magasto at mahirap pero ayos nadin naman na saakin yung BAA.

Pagkatapos kong iligpit lahat nang gamit ko ay lumabas na ako ng locker room.

"Ate Marie una na po ako!" sigaw ko kay ate dahil namataan ko siya sa may dulong bahagi ng coffee shop, may kausap ata sa phone nya.

"Sige mag-iingat ka sa daan!" sabi niya ng humarap siya saakin kaya tumango naman ako at nag thumbs-up.

Lumabas na ako at habang nasa daan ay hinahalukay ko ang gamit ko para hanapin ang headset ko para makinig nang music. Nang mahanap ko ito ay agad ko itong isinalpak sa aking tainga at nag simulang maghanap nang kanta.

now playing: River of Tears by Alessia Cara

"What the fvck-"Habang sumsabay ako sa kanta ni Alessia ay di ko namalayan na may nakabangga na pala ako.

"Shit I'm sorry Mr." hingi ko ng paumanhin dito pero umismid lang ito at umalis.

'Sungit!" sigaw ko sa isip ko, syempre baka pagisinigaw ko yun nang malakas bigla nalang akong patayin jusq ayokong mamatay na virgin noh.

Napatingin ulit ako sa nakabanggaan ko kanina at nakita ko patuloy padin ito sa paglalakad hanggang sa mailawan siya ng ilaw sa poste.

'wow likod palang pogi na pa'no pa kaya paghumarap-goshh! bigla naman akong napatalikod nang humarap ito sa'kin at shit mga anteh ang gwapooooooo. Takte ang landi ko haha pero totoo ang pogi niya tapos yung mata kahit malayo kitang-kita padin na ash grey ang kulay neto half siguro 'yun, half tao half robot haha wala kasong emotion e nag titipid ata.

Ampttt. back to reality na nga tama na kakaimagine sa Mr. Robot na' yun. Malapit na pala ako sa apartment na tinutuluyan ko kunting kembot nalang.

Pagkarating ko ay naabutan ko ang kapatid ko na gumagawa ng project niya sa sala namin.

"Lorraine nakapagsaing kana?" tanong ko dito habang hinuhubad ko ang sapatos ko at inilagay sa gilid ng pinto.

Napatingin naman ito sa'kin at ngumiti ng malaki. "tapos na po ate, saka di muna po ako kumain para sabay po tayo." napangiti nalang din ako at nilapitan siya saka ginulo ang buhok niya.

"Tumayo kana dyan at kumuha ng pinggan." sumunod namn ito sa utos ko kaya kinuha ko na ang ecobag na may laman na ulam na pinabili ko kanina sa kasamahan ko sa coffee shop sa may labasan.

Pagkatapos kung ilagay ng maayos ang kanin at ulam sa mesa ay nagdasal muna kami bago kumain.

"by the way Lorraine kamusta klasi mo?" tanong ko dito pagkatapos kong nguyain ang kinakain ko.

"ayos naman na po ate saka nga po pala lumabas na po yung final grades namin sandali po ah!" nagulat ako ng bigla itong tumayo at tumakbo palabas ng kusina. Tatawagin ko pa sana kasi nawala na siya sa paningin ko kaya napailing nalng ako. Hindi nagtagal ay bumalik nadin ito at malapad ang ngiti sakin habang bitbit ang papel na sa palagay ko ay card niya.

"Hayst Lorraine sana mamaya mo nalang iyan pinakita sa'kin at tinapos mo muna ang pagkain mo." sambit ko dito.

"sorry na po ate di na po mauulit." sambit niya habang nakayoko, napailing naman ako at pinaupo na siya sa mesa at pinalagay muna sa isang tabi ang kaniyang card at pinagpatuloy sa pagkain.

Pagkatapos naming kumain ay iniligpit ko na ang mga pinagkainan namin at sinabihan siya na antayin nalang ako sa sala at tataposin ko muna ang hugasin bago tignan ang card niya. Inilagay ko na sa lagayan ang mga nahugasan ko ng mga plato at nag pahid ng kamay para matuyo at pumunta na sa sala. Naabutan ko namn itong inaantay ako habang may malaking ngiti sa labi na nakatingin sa card niya.

"Patingin nga ako, parang mapupunit na ang mga labi mo kakangiti dyan e HAHAHAHA." napasimangot naman ito panandalian at saka inabot sakin ang card niya na may ngiti sa labi.

total average: 97.75

"Wow! ang galing naman ng kapatid ko lika nga hug mo si ate." sambit ko dito habang nakabuka ang mga kamay at inaantay ang yakay ng kapatid ko. Hindi naman ako nabigo dahil patalon na yumakap ito sa'kin.

"So anong gusto mo na gift bunso?" nakangiti kong tanong dito na ikinaningning ng mga mata niya.

"Talaga po?! reregaluhan nyo po ako?" masayang sambit niya kaya tumango naman ako. "wahhh! thank you po ate!"

"so ano na yung gusto mo?"

"gusto ko po sana yung art materials ate yung ginagamit sa pagpipinta kahit mumurahin lang po ayos na po yun." nakangiting tumango namn ako dito, kaya dahil sa subrang tuwa nito ay pinugpog na ako ng halik at nakipagkulitan hanggang sa makatulog ito sa kandungan ko.

Binuhat ko naman ito dahil magaan lang din naman siya at ipinasok sa silid naming dalawa at kinumutan, pinatay ko muna lahat ng ilaw at nahiga nadin sa kaniyang tabi. Hinalikan ko muna ang kaniyang noo at pumikit nadin para matulog.

'Haysttt another hell day nanaman bukas may pasok e'

...........


Ylira Lorraine Merritt

vote & support mydesas <3













Broken SoulOnde histórias criam vida. Descubra agora