Fly 4

20 8 28
                                    

(present time) - The Prologue scene

------

Fate's POV

All this time, siya ang mortal na hinahanap ngayon ng mga magician knights sa lugar namin. Tapos siya pa ang lalaking nag-oorder sakin ngayon. Bakit siya pumunta sa lugar namin? Bakit alam niya ang delivery service namin? Bakit parang ang dami niyang tinatago na hindi ko pa maintindihan ngayon? Para saan itong love potion niya?

Ang daming tanong sa isipan ko ngayon. Kailangan ko siyang dalhin sa mga Magician Knights pero paano kung itatakwil din nila ako dahil may connection din kaming dalawa sa ngayon? At tsaka I disobeyed the laws at nandito ako ngayon sa lugar ng mga mortal.

Isa pa, our delivery service only delivered orders to magicians, not to humans. Kapag malalaman ng mga magician knights na may nag-oorder sakin na isang mortal naku po lagot din ako nito!

“Akin na iyan!” sabay hablot ko sa love potion na hawak niya.

“Sino ba iyong nagpa deliver? Diba ako? May pera naman ako at tsaka cash on delivery 'to diba?" sabay ngisi niya at hinablot ulit sakin. Tinaas niya ang kaniyang kamay upang hindi ko maabot.

Dahil sa inis ay naisipan kong pinakawalan ng mahika na mapalutang ang love potion sa ere. Gulat siyang napatingin dito at tinaas niya ang kaniyang kamay upang abutin ito.

“Pambihirang babae!" His muted murmurs were a secret meant to be kept, yet the echoes of his thoughts resounded loud and clear in my ears.

“A-at para sabihin ko sa iyo ang totoo, hindi naman agad ito epektibo kung gagamitin mo ito sa babaeng naiibigan mo, kailangan mong mapainom ito at matapos ang 5 seconds ay kung sino ang kaniyang unang makikita ay siyang kaniyang mapapamahal. Tsaka epektibo lamang ito ng five months, makakalimutan ka niya agad."

He suddenly looked at me and I stood motionless, my eyes locked in an unblinking stare that dared not flinch.

Dugdugdugdug...

Gosh! B-bakit ang gwapo niya?? E-este... Bakit bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama iyong paningin namin?

"5 months ba iyong sabi mo na magiging effective ito? Well, sapat na iyon sakin," sagot niya habang nakangiti.

Dugdugdugdug...

He slowly approached me and I backed away as I kept my eyes on him. And I suddenly saw his beautiful dimples again and want to touch it.

Ngunit sa hindi inaasahan ay biglang nakalimutan ko iyong potion at na release iyong magic na ipalutang iyong love potion sa kisame kaya bigla itong nahulog.

Napatingin ako sa love potion na para bang nag slow motion at nasira iyong takip nito at nakabukas na pala. Nakita kong nataranta si Primo at sasaluhin na niya sana iyong love potion.

"T-teka--" hindi kona natapos pa ang aking sasabihin.

In the blink of an eye, nainom niya iyong love potion kaya agad ko itong inilayo sa kaniya gamit ang mahika ko na magpalutang ng gamit, nabasag ito sa lupa ngunit huli na ang lahat.

“Tanga ka ba? Bakit ka nakanganga?" tanong ko ngunit hindi siya nagsalita.

Maya-maya lang ay bigla siyang umilaw ng kulay pink at ang sunod na nangyari ay may energy na kusang lumabas sa kaniyang katawan.

Oh no! Effective iyong love potion?

The only rule for love potion is magiging effective ito once magtama ang paningin ng isa't isa.

Sasabihin ko sanang ipikit niya ang kaniyang mata para hindi niya ako makita pero huli na ang lahat dahil nakatayo na siya sa harapan ko at nagtama ang paningin naming dalawa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 17, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fate's Delivery ServiceWhere stories live. Discover now