Chapter 19: Pork Barrel

Comincia dall'inizio
                                    

"Hindi ko pa rin maintindihan, sir. Paano po naging pork barrel ang vouchers na ibinigay niya sa amin, eh hindi naman iyon pork? Baboy ba siya, sir?" Inosenteng tanong ko.

Natawa sila sa nasabi ko.

Napailing na lang si Sir Elaugos.

"Sa kawalan niyo ng kaalaman sa larangan ng politika, iyan ang magpapahirap sa inyo."

__(=_=)__

IN-EXPLAIN nang mabuti ni sir iyon sa amin.

"Ang salitang Pork ay ginagamit na termino patungkol sa pera sa politika dahil ito ay hango sa laman ng karne na may asin na ibinibigay sa mga alipin bilang pambayad ng kinauukulan."

Masinsinang nakikinig ang buong klase dahil may kinalaman pala ito sa aming kinaganapang suliranin sa scholarship.

"Sa aspeto ng politika, ang Pork Barrel ay ang paggamit ng mga politiko sa kaban ng mga mamamayan upang magamit sa mga aspetong pangangailangan. Isa itong alkansiya na puwedeng basagin kung kinakailangan. Subalit ginawa nila itong malaking pandaraya upang magkaroon sila ng benepisyo sa kanilang panunungkulan at sariling reputasyon."

"Ibig bang sabihin, sir, ginagamit nila ang money natin para maging famous sila at i-vote natin ulit sila sa next na halalan kahit na kinukupitan na tayo nang palihim at in-a-abuse sa mga walang kuwentang pamamalakad nila?" Tanong ni Yshie.

"Correct. They used our money for their political agenda for them to maintain their status. Karaniwan na mga proyekto na isinasagawa nila ay ang pagsasaayos ng daan kahit na maayos naman, pagtatayo ng mga infrastructure na tinipid sa materyales, at pamimigay na kaunting pera sa mahihirap upang maipakita na may nagagawa silang kabutihan sa atin. Tinatawag iyang pork barrel scam. Iilan lang sa mga politiko ang may malinis na layunin at may malasakit sa kapwa na hindi nabubulag sa pera at marangal na tungkulin."

"Tell me, sir. Paano po naging masama ang ginawang pork barrel scam ni Mayor Mong sa amin? Dapat po ay magpasalamat kami sa kaniya dahil kung wala siya ay hindi kami makakapag-aaral dito." Pangangatuwiran ni Thelmy.

May point siya.

"Oo nga, sir." Pagsang-ayon ko.

"Ang vouchers niyo ay galing sa bulsa ng mga magulang niyo at sa mamamayan. Pagmamay-ari natin ang perang inilulustay ng gobyerno ngunit ginagawa lang nila ito sa mga proyektong sa ikapagpaparangal ng kanilang sarili. Sa kabila ng kabutihang ginawa ni Mayor Mong ay hindi niya inalintana ang inyong ikakapahamak bagkus mas inalala niya ang sarili niyang kapakanan at sa layuning sirain ang pangalan ng unibersidad na ito."

"Bakit kaming mga estudyante ang naisipan niyang i-porkchop, sir?" Tanong ni Ehseng.

"Mayor Mong spent the government money for the project of scholarships in order to show to the public that he was qualified to be a Mayor for taking responsibility to the students welfare. However, he deceived us by using the wrath of the masses to eradicate ZSU and stealing its good credit. In that case, we have to conclude that his pretentious hands only perceived to adorn his name."

Natahimik kami for imagining what he just said.

"Isa iyan sa maruruming taktika na isinasagawa ng mga politiko na hindi makitaan nang masama ng mga taong katulad ninyo na walang alam sa politika."


__(=_=)__


NI-LOCK ko ang pintuan namin na walang ka-locker-locker. Nilagyan ko lang ito ng upuan sa loob pang-alalay para sumara ito. This is my duty bilang class president kapag uwian na.

K-12 War Series #1: Academic SeasonDove le storie prendono vita. Scoprilo ora