Nang maka labas na kami sa room ni Kylie ay diko maiwasan na mapa ngiti, naa-alala nya ako.
Hinampas ko bigla si Kylie na sya namang kina gulat nya.
"Aray! Ano ba sis, bigla bigla ka namang nangha-hampas dyan! Ansakit ha" sigaw nito saaken.
"Ay sorry." sabay tawa ako.
Diko maiwasan talaga na ngumiti eh, akala ko talaga. Hays thankyou universe kahit pinag layo kami noon hindi nya pa rin ako nakakalimutan.
"Ano ba, ano ba ang nangyayari sayo? Para kang inasinan na hindi malaman eh." sabi nito saaken habang naiinis.
"Eh si Xavier kasi sis, naalala nya ako. Nagulat ako akala ko kasi nakalimutan na nya ako." sagot ko dito.
"O to the M to the G!! As in? Eh teka saan ba kayo nag usap? tanong nito saaken na halata sa mukha nya ang pagka curious.
"Sa rooftop." Sagot ko dito.
"Hoy, don't tell me" tumingin sya saaken na para 'bang may ginawa pa kaming iba ni Xavier, eh nag usap lang naman talaga kami.
"Oh gaga, erase mo 'yang iniisip mo. Nag usap lang kami." alam kona kasi ang nasa isip nitong babae na 'to eh.
"Wala naman akong sinasabi sis" sagot niya sa akin.
"Wag ako sis, kilala kita" sabi ko sakanya.
Habang nasa sasakyan ako ni Kylie nagd-drive kasi sya ihahatid na nya rin ak pauwi. Nakatingin lang ako sa salamin andaming tumatakbo sa isip ko, yung pag yakap nya saaken at pag sabi nya na miss nya ako hindi mawala sa isip ko. Feeling ko nga namumula na ako ngayon eh pero hindi ako kinikilig ha, namumula lang ano dahil sa kaba? emz.
"Sis, see you bukas!" paalam ko kay Kylie.
"Seeyou!" sagot nito sa akin.
Nang makarating ako sa bahay ay naka ngiti pa rin ako, nakita ako ni manang. Bigla ako nitong kina usap.
"Ma'am, ansaya saya po ng araw nyo ah? Mukhang may magandang nangyari." sabi saaken ni manang.
"Ah opo manang, masaya po talaga ako!" naka ngiti ako kay manang habang kinaka usap nya ako.
"Mabuti naman po ma'am, ay naka ready na rin po pala ang pagkain nyo. Tara po at kumain na kayo ng meryenda nyo." sabi nya saaken.
Habang nandito ako sa kusina at kumakain ng meryenda nag facebook muna ako saglit, scroll scroll ganern. Nag message bigla saaken si Kylie.
Kylie sent you a message.
"Sis so ano nga? paano nangyari na nag usap kayo ni Xavier? tanong neto saaken sa chat.
Etong babae na 'to may pagka chismosa talaga. Lahat din naman nalalaman nito kahit hindi mo sabihin sa kanya malalaman at malalaman niya pa rin, kabisado na rin kasi ako ni Kylie. Kaya kahit mag sinungaling ako sa kanya ay mahuhuli at mahuhuli nya ako.
"Bukas ko na kwento, kumakain pa ako. Wag kang magulo dyan." Sagot ko dito.
"Wow sis ha, kumakain ka lang naman ano? Pati pagkain mo magsasalita?" reply nya saaken.
Nakakagigil talaga 'to may pagka pilosopo eh, konti nalang talaga babatukan kona 'to eh.
"Ikaw talaga Kylie, bukas nalang kasi. Bye na" sabi ko dito. Bigla din akong nag offline, ayoko pa kasi mag kwento. Gusto ko if may chika ako sa personal na para with actions din ganern! Para dama baga.
Umakyat na ako sa room ko, naligo muna ako at nag bihis. Pagtapos non ay agad 'kong binuksan ang laptop ko para gumawa ng project na pina assign saamin ni sir. Kung may gusto man ako na mawala sa mundo na 'to ay yun ang aking mga gawain napaka dami kaya, parang dito ata mauubos pasensya ko eh.
YOU ARE READING
Two is Better Than One
RandomThe story "Two Is Better Than One" is about how the protagonist is in love with someone and believes that a relationship between two people is more fulfilling, supportive and powerful than a relationship between one person alone. The idea of two be...
