"Wear that, he will be happy," ngumiti si Topher sa kanya at inabot ang paper bag, mayroon talaga sa ngiti nito na tumutulong mangumbinsi sa kanya, kaparehas  din ng dahilan kung bakit ito ang pinakagusto ni Yuan.

"K" nagpunta siya sa bathroom, tee shirt ang laman niyon, niladlad niya ang kulay putting cotton shirt, binasa niya ang nakasulat doon. Soon to be Mrs. Yuan Uytingco.Napapailing na lamang siya, nakakahiyang isuot iyon, pero kapag naiisip niya na matutuwa ito kapag sinunod niya, she swallow her damn pride.

"akala ko natabunan ka na sa loob eh." Yun ang bungad ni Bono na tumayo mula sa pagkakaupo, hinintay paka sya ng mga ito, kasama pa rin si Topher na nakapamulsa.

"Where are we going? Si Yuan?"

"Kanina ka pa niya hinihintay, baka iniisip niya itinanan ka ni Topher."

"Bakit ako?" agad na depensa ni Topher sabay turo sa sarili.

"Malabo kasi siyang sumama sa akin, buti pa sa'yo magkaugali kayo ni Yuan eh," depensa nito sa sinabi, tinignan naman ni Ran si Topher mula ulo hanggang pa, kinakabahang pinagkrus nito ang mga braso. Tinaasan naman niya ng kilay ang ginawa nito.

"Asa, you're not my type," nilampasan niya na ang mga ito. Sumunod naman ang mga ito sa kanya na tawa ng tawa, inaasar ni Bono si Topher.

"Sungi talaga eh no, nasampulan ka."

"Baliw."

"Buti na lang wala kang gusto sa kanya, kung hindi masakit 'yun."

"Tumigil ka na nga!" mukhang naasar na si Topher sa ingay ni Bono, natanaw naman nya si Yuan sa tabi ng kotse nito, tingin ng tingin sa relo nito.

Dahan dahan siyang lumapit dito...ng maramdaman nito ang pagdating niya ay tumayo ito ng tuwid, nabasa niya na rin ang nakaprint sa damit nito.

THIS GUY IS SO IN LOVE WITH YOU SLEEPYHEADJ

Natawa naman siya doon, katabi rin nito si Jackson na mukhang dahilan din ng iritasyon ni Yuan.

"Uy, nandito na kayo? Sabi ko sa  kanya baka tinanan na siya ni Tophs eh," nakatikim naman  ito ng siko ni Yuan.

"Ako na naman? Tigilan niyo  nga ang paggawa ng isyu sa amin ni Ran. "depensa ni Topher, tumawa naman si Bono na tumabi kay Jackson.

"Ang galing parehas tayo ng iniisip, kambal talaga tayo ng tadhana!" nagyakap pa ang dalawa, napailing na lamang sila, lumapit sa kanya si Yuan, niyakap siya nito at binulungan sa tainga.

"I miss you." Kung makapagsalita ito parang hindi sila magkasama kaninang lunchtime, kulang na nga lang magkapalit sila ng mukha sa halos oras oras na magkasama sila basta free time.

"What are you up to?" kumalas siya dito para suyurin ang mapaglaro nitong mata, hindi siya pasusuutin ng tee-shirt nito ng walang dahilan.

"you will see," bumaling ito sa mga kaibigan saka masayang nagpaalam. "una na kami ng girlfriend ko,"sabi nito sa tonong nang-iinggit pa, alam ni Ran, walang steady girlfriend ang mga ito, puro fling lang, siya lamang kasi ang babae na nakakasama sa table ng mga ito, hindi gaya ng ilan, lalo na ng kanyang kapatid at mga kagrupo nito na may mga babae sa kanilang table, mapa girlfriend o nililigawa lang ng mga kaibigan nito. Yuan's buddy are kind different. Mas masaya at maingan kung sila sila lang, feeling niya nga nagbebehave pa ang mga ito kapag kasama siya.

"Let's go." Hinila na nito ang kamay niya palabas.

":Hindi tayo sasakay sa kotse mo?" takang tanong niya, palbas sila ng university.

"Hindi, iuuwi ni Jackson, nasa kanya yung susi, may date kasi tayo diba?" hindi na siya nagreklamo pa, sandali silang nakatayo sa labas ng ilang minuto lamang may huminto na puting bus.

Naka print sa gilid ng bus ang salitang #YuRan, kulay purple yun at sadyang napakalaki.

"Hindi ba nabanggit mo noon na hindi ka pa nakakasay ng bus?" tumango siya dito, hindi pa nga, masyado daw maiinit doon kaya hindi sila sinasakay ng mommy nila, kahit noong simple pa lamang ang kanilang buhay.

"Get in."

"Seryoso?" takang tanong ni Ran, so much for their first real date, hindi niya ito ineexpect pero kakaiba ang excitement na nararamdaman niya.

"Oo naman, it is a bus specially for us, ito ang unang bus na nabili ko, na ipinangalan ko sa ating dalawa, kaya syempre tayo dapat ang unang sasakay , aside sa driver, kaya tara na?"  umakyat ito at inabot ang kamay sa kanya.

Isa sa mga negosyo ng mga Uytingco ang transportation business, hindi na rin sya nagtataka sa sinabi nito. Dahan siyang umakyat, iisa nga lamang ang tao doon, ang driver na siyang makakasama nila, parang nakita niya na ito.

"Doon tayo sa pinaka likod para walang abala." Ginala nya ang kanyang paningin, two seater ang mga upuan, may television sa pinaka gitna, aircon din ang bus, kulay purple din ang kulay ng mga bangko.

Pinauna siyang umupo ni Yuan, napakaraming bakante pero nagsisiksikan sila sa dulo.

"So what are we going to do next?" tanong niya dito, bahagya itong tumayo para ayusin ang kurtina sa kanyang side, pati ang aircon sa kanyang tapat.

"First , I will make sure that you will feel comfortable, second, we will hold hands o kung may gusto ka pang higit doon okay lang" tinaasan niya ng kilay ay pagngisi nito, "third it was just a joke," tumawa pa ito, fourth we will eat this," naglabas pa ito ng mga popcorn at drinks and fifth we will watch this favorite movie of yours, Beauty and the Beast."  Hindi niya mapigil na matawa ng malakas doon, sineryoso talaga nito ang sinabi niya rito na minsang pinasagot siya nito ng slam book. Gusto daw nitong malaman ang marami pang bagay tungkol sa kanya, pwede naman siyan tanungin nito,  but he chose that gay thing, sabi nga ni Phineas ng mahuli siyang nagsusulat dito, tawa nga iyon ng tawa ng malaman kung sino ang may-ari,  sa pagtawa tuloy nito , nagalit na naman ang kanyang kapatid na galit sa mundo. Ron always said that he don't like Phin, pero ito ang unang dumadating kapang nangangailangan ni Phin ng tulong sa mga mapang abusong tao sa paligid, naïve daw kasi ito, madaling mauto at magtiwala kaya laging naloloko and Ron hates that. Galit daw ito sa katangahan ng kababata.

"Baka ikaw ang may gusto diyan," tukso niya dito, kumuha ito ng popcorn at sinubo, pati ang pagkain nito ay napakagwapo sa kanyang paningin..

"Feeling ko ako yung  Beast eh," magkahawak pa rin ang kanilang kamay, kahit kumakain ito,marahan lamang ang patakbo ng bus,  napatingin siya sa labas, nakikita ang replekyson ni Yuan na nakatingin sa kanya.

"Disappointed ka ban a ganito ang first date natin?'may lungkot sa boses nito, humarap siya dito at hindi nga siya nagkamali, mukha itong bigo. "Sorry ha, marami kasi ang naiisip, pero hindi naman pwede, hindi kita pwede dalhin sa malayo o kung saan hanggat walang go signal mula sa daddy mo, mahirap na..." mukhang may pinaghuhugutan ang sinabi nito at dama niya rin ang respeto nito sa kanyang daddy, lahat talaga ayon sa gutso nito,"Sorry ha, gusto ko sana enggrande at maganda yung mas sweet, yung mas kikiligin ka, hindi yung ganito lamang sa bus, ang tanga ng naisip ko."

Mali ito.

Hindi kasi siya palasabi ng kanyang nararamdaman, kaya hindi nito nalalaman kung gaano siya nasisiyahan, yung effort ni Yuan na ito, malaki ng bagay para sa  kanya. Yes, she loves him, kung anuman ang gawin nito, basta't kasama siya, memorable at talagang masaya. Pinapahalagahan nito kahit ang maliliit na detalye ng kanyang gusto.

"No. Honeslty I really love it, walang asungot," saka nya sinandal ang kanyang ulo sa balikat nito, kahit hindi siya nakatingin , nararamdaman niya ang pagngiti nito, kasi katulad niya, gusto nito na mapagsolo silang dalawa. "Now I feel sleepy, sana paggising ko nandito pa rin tayo, kasama pa rin kita."  Binitawan nito ang kanyang kamay para mayakap siya ng maayos, naramdaman niya rin ang paghalik  nito sa kanyang ulo.

"Sige, tulog ka muna Mrs., paggising mo nandito pa rin tayo,  I love you my beauty.." kaya niya pa naman sumagot kahit tinatalo siya ng antok... gusto niyang ipaalam dito ang kanyang nararamdaman pabalik n asana walang katapusan, na sana ganito lamang kasaya, n asana ganito lamang kasimple.

"I love you too, my beast."

 t

The Princess's  Stalker (completed)Where stories live. Discover now