"Oh yung pangalawa kwarto niya. Puntahan mo na." ngiti ko saka inabot sakanya ang susi

"Salamat sister in law!"

Nang makaalis ito ay umupo na ako sa tabi ni Ryley habang nanonood ng basketball. Ipinatong niya ang braso niya saakin at inilapit pa ako sa katawan niya.

"Sila na ba?" nagtatakang tanong ko

"Hindi ko alam eh"

"Bukas after grad papakilala pala kita sa parents ko ha?"

Napatingin siya saakin "T-talaga?"

Ngumiti ako "Oo para alam na din nila"

"Thank you baby" kiniss niya ako sa forehead. Sweetest kiss ever!

"Brie dito na kayo kain na tayo!" sigaw ni Faith

Kumawala ako sa pagkakayakap niya at tumayo kami pareho patungong kusina "Tawagin ko na muna sila Zea"

Papunta na sana ako ng bigla ko silang nakita papunta na din dito kaya bumalik ako. Nakita kong nakangiti na si Zea, kaya pala kanina parang wala siya sa mood hmmm.

"Oh nandito na din pala ang pangalawang couple" lokong sabi ni Aize

"Couple your face! Incest yon Girl!"

"Oh okay na kayo?"

"Yup. Thankyou sister in law!" nakangising sambit ni Blair

"Traitor! Kukunin ko na susi ko sayo Couz!"

"Hahaha parang bata couz!"

"Oh tama  na yan kumain na muna tayo"

Napag-usapan namin ang graduation bukas. At ang mga balak after grad. Kukuha daw ng board exam si Ryley samantalang si Blair ay magtatrabaho na sa banko ng tito nila. Business Ad din kasi siya under Marketing samantalang kami ay FinMan.Napag-usapan din namin sina Kane na mag-eexam din, doctor kasi ang kinukuha nito. Saka si Johan na sadly, papasok na talaga ng kumbento. Philosophy pala ang kurso niya.

"Akalain mo nga naman yun oh! Hindi bagay sakanya maging Doctor. Baka landiin niya lang ang mga babaeng pasyente niya" ani Aize

"Hahaha yun nga eh. Pero kahit ganun yun matino tino din naman yung gagong yun" sambit ni Blair

"Wala na bang pipigil kay Johan?" singit ko

"Wala eh. Gusto niya kasi talaga. Sorry Faith" ngising sabi ni Ryley kay Faith

"Woah there. Gusto mo si Johan?" gulat na tanong ni Blair

"Yeah. Na-crush at first sight siya sa pinsan mo" sagot ni Zea

"OMG namumula si Faithy baby! Hahahaha"

"Aizeee!"

"Seryoso namumula ka nga babes! Hahaha"

"Tigil na nga! Kumakain tayo oh!"

"Yiiieee nagchechange topic! Hahaha"

Pagkatapos kumain ay nagligpit at naghugas ako tinulungan naman ako ni Ryley. Nagpahinga pa sila na kaunti at saka nagpasyang umuwi.

"Seeyou tomr" kiniss niya ako sa labi

"Sure ingat sa pagdrive"

Pumunta ako sa kwarto nila Aize at sinabing sa kwarto ni Zea kami matulog. Alam na nila kung bakit kaya nagshower muna kami saka sabay sabay pumasok sa kwarto ni Zea.

"At ano naman ang ginagawa niyo dito?"

"Dito kami matutulog!" tumakbo si Aize papunta sa kama at saka lumundag

"Aize!!!"

"Hahaha"

"We're just friends okay? At hindi ako pwedeng mainlove sakanya"

Naglakad ako patungo sa kama samantalang si Faith ay sa bean bag dumiretso "Why?" I asked

"Ayaw ko lang. Baka masaktan ko siya. Knowing myself? Hindi ako nagtatagal sa isang relasyon"

"Pero-"

Hindi niya pinatapos si Aize magsalita "Nako tama na nga! Kailangan natin ng beauty rest! Maaga pa tayo bukas for graduation" pilit na ngiting sabi nito.


#####

Pinabilis ko naaa. Hahaha gusto ko na kasing pumunta sa part na *toot* Em so excited! XD 

When He ReturnedWhere stories live. Discover now