Chapter 23

4.1K 67 1
                                        

"Wala talaga akong mapili" lungkot na sabi ni Aize habang hawak hawak ang tatlong dress. Nasa mall kami ngayon at naghahanap ng dress niya para sa graduation bukas. Yep! Graduation na namin bukas. Ang bilis no? Parang kailan lang Valentines day pa.

"Ayan kasi rush pa ha?" iling na sambit ni Zea

"Eh busy nga kasi alam niyo na practice ng speech tapos kung sino sino pa nagpapatawag sakin" nakangusong sabi nito. Cum laude kasi siya kaya naging busy nga siya at hindi nakasama samin noong bumili kami ng damit.

"Aize try mo to" inabot sakanya ni Faith ang isang Royal Blue na dress.

"Ay bet ko to!" saka dali daling nagtungo sa fitting room

"Anong oras kaya makakadating sila Daddy bukas?" tanong sakin ni Zea

"Mga 7am siguro? Maaga daw sila aalis doon. Gusto nga sumama nila Lola eh"

"Sus mapapagod lang sila"

"Babes!" napalingon kami kay Aize at wala kaming masabi. Bagay niya iyong damit. Magaling din pumili si Faith

"Gorg!"

"True. Libre mo si Faith siya namili niyan" natatawang sabi ko

"Hahaha oo nga!"

"Fine! Treat ko ngayon"ngiti sabi niya saka pumasok na sa Fitting room para makapagpalit

Sa BonChon namin napiling kumain habang hinihintay ang pagkain ay nag-uusap kami para bukas.

"Grabe kabilis no? Hayy new journey nanaman" ani Aize

"Ano balak niyo after grad?"

"Umm gusto ko magwork na agad" sambit ni Zea

"Apply tayo sa iisang company" suggest ni Aize

"Okay lang sakin"

Kung akala niyo mayaman ang pamilya namin nila Zea , hindi! sakto lang kaya wala din kaming sariling kompanya o kung ano man. Yung condo na ibinigay ni dady nung 18th birthday ko ay ipon nila iyon ni mommy may share din ang ibang aunties at uncles ko saka siguro madali lang kasi only child lang naman ako.Samantalang si Zea naman ay kotse ang regalo sakanya ng pamilya namin.

"By the way anong oras babyahe Mommy mo Aize? Mahaba habang byahe yun" tanong ni Zea. Tiga Baguio kasi si Aize

"Um ewan ko pero mabilis nalang siguro kasi may TPlex na diba?"

Natigil ang usapan ng dumating ang order namin at saka nagsimulang kumain. Alas sais na ng makarating kami sa condo.

"Oh!"

"Hi Ryley! Hi Blair!!" bati ni Aize sakanila na nakatayo sa pinto. Nakita ko naman na binuksan na ni Zea ang pinto ng hindi pinapansin si Blair. Himala? Magkaibigan sila diba? Magkaaway siguro sila?

"Babe" lumapit ako sakanya at hinalikan siya sa pisngi.  "Hi Blair" tumango naman siya sakin

"Kakarating niyo lang pala."

"Yep kanina pa kayo?"

Umiling siya "10 minutes siguro"

"Pasok kayo. Bawal maglandian sa labas" natatawang sabi ni Aize

"Bakit kayo napadaan dito?" tanong ko sakanya ng nasa kwarto kami

"Ayaw mo ba?"

"Hindi naman sa ganu-"

When He ReturnedWhere stories live. Discover now