"Ayaw mo eh. Tss hindi mo ko namiss?"

Sinapak ko siya "Arte mo eh no?"

"Hahaha pakiss nga" saka niya ako siniil ng halik

Narinig kong bumukas ang kwarto "Ayy SPG!" tinulak ko siya agad

"Ano yuuun?" biglang silip ni Aize

"Wala!"

"Nagkiss sila. Sorry istorbo. Itatanong ko lang naman kung ano iluluto kong ulam nila?" siya talaga tiga luto namin eh. Hindi kasi kami marunong magluto ni Zea samantalang si Aize naman Adobo lang ang alam lutuin specialty niyo yon.

"Calderate Faith nakakatikim ako" sambit ko

"No need Faith uuwi din kami"

"Hala dito na kayo kumain Ryley magluluto ako"

"Babe sige na dito na kayo kumain para matikman niyo luto ni Faith. Sayang sana sinama niyo si Johan" ngising sabi ko at tumingin kay Faith

"O-oy! Ano ba! Ano pinagsasabi mo?"

"Sus pabebe tong si Faith! Eh crush mo naman talaga si Johan"

"Huy magsitigil nga kayo! Magluluto na ko" dali dali siyang lumabas at sinundan naman ni Aize

Hinawakan niya ako sa baywang "Bully"

"Sanay nay un di Faith Hahaha. So ano na? Bakit nga kayo nandito?"

"Oh great I forgot. Nagpasama kasi si Blair dito gusto niya daw makausap si Zea"

Kumunot ang noo ko "Huh? Bakit?"

"Nag-away ata" tumayo siya at hinila ako palabas

"Bakit?"

"Bro ano nakausap mo na?" umupo siya sa tabi ni Blair umupo na din ako. Nakita kong may hawak na san mig light can si Blair. "Saan mo nakuha yang beer?"

"Hindi pa lumalabas ng kwarto eh. Bigay ni Aize"

"May stock kayo ng beer dito?"

"Of course kami pa ba? Uh Blair? Ano ba nangyari?" tanong ko

"Nakalimutan ko kasi kahapon na may lakad kami" lungkot na sabi niya

"W-wait? Ano ba meron sainyo?"

"Magkaibigan kami. She's special" special huh?

Napatingin ako kay Ryley at nakatingin na din siya pero nakangisi "Oh. Hindi lalabas yan maniwala ka sakin kaya mabuti pang pumasok ka nalang sa kwarto niya"

"Great idea babe"

"Pwede ba? Gusto ko kasi magkaayos na kami lalo graduation na bukas"

"Sure no prob wait kunin ko lang"

"Babe pakuha din ng san mig!" pahabol ni Ry.

Pumasok ako sa kwarto at kinuha ang susi ng kwarto ni Zea. Pumunta ako sa kitchen para kumuha ng beer.

Lumapit ako sa naglulutong si Faith "Ang bango! Gutom na tuloy ako"

"Malapit na din ito matapos" ngiting sabi niya

"Huy babes! Bakit nandito sina boyfie?"

Napalingon ako kay Aize na nasa counter  "Nagkatampuhan ata si Blair at Zei. Gusto makausap ni Blair"

"Ay bongga! Sabin a may something na talaga eh. Imagine? Pumunta pa talaga dito si Blair!" kilig na sabi niya. Umiling iling nalang ako at nagtungo na sa sala

When He ReturnedWhere stories live. Discover now