01

7 1 0
                                    

Napahiyaw si Ross sa tabi ko matapos mag-inat. Katatapos lang ng PE subject namin ngayon. Nakaupo lang ako sa sahig ng gym habang masama ang tingin sa kaniya. Pinupunasan ko ang pawis ko sa mukha nang bumaling siya ng tingin sa akin.

"Ano?" sabay ngisi niya dahil alam niya na kung bakit masama ang timpla ko.

"Refill my tumbler, now!" I demanded.

He chuckled like I was joking. Binato ko sa kaniya ang bag niya at agad nanlaki ang mata niya dahil panigurado kung ano-ano na naman ang laman ng bag niya. For sure, there are many gifts inside his bag from his women suitors.

"Bal, naman! Take it easy, chill!"

"What the-"

"No more cursing for you, Ms. Zhang." inirapan ko lang siya. Agad namang naagaw ang atensyon ko ng mga paparating

"Bardagulan?" masayang bati ni Pat nang makalapit sa amin. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Meron ka?" tanong ni Inna habang natatawa.

"Boba, mamamatay na ako sa uhaw. May isang kulugo kasi diyan na inubos 'yong tubig ko!" pagpaparinig ko kay Ross.

Umiling siya bago umakto na para bang nag-iisip ng kung ano. "Shit! kambal naman!" matapos kong ibato sa kaniya iyong tumbler ko. Buti nalang kahit papano ay nasalo niya at hindi nasira. Ha! Serves him right!

"Hey, look around, mukhang marami na namang galit sa'yo." bulong ni Ollie sa akin.

"As if I care,"

Dahil kanina pa nanunuyo ang lalamunan ko ay tumahimik na ako. Mukha namang napansin iyon ni Ross dahil agaran siyang umalis para makuhaan ako ng tubig.

We've been friends for a long time since kindergarten. I met him when I was 5 and up until now, he's still my friend, my best friend, and my not biological twin brother. He's the only man I let into my life aside from my men cousins. Well, he's the only man who is close to me that did not fall in love with me. Hindi ko gusto ang mga ganon, iyong kakaibiganin ako dahil may intensyong iba. Puwede naman silang magsabi na manliligaw hindi iyong dadaanin pa sa pakikipagkaibigan. I don't like that awkward feeling every time I need to turn down a friend's proposal, romantic feelings that I cannot return.

Nang makabalik si Ross ay ininuman ko agad iyong tumbler ko na ni-refill-an niya. Ngayon ay unti-unti ko na siyang nginitian dahil pakiramdam ko nailigtas ako sa dehydration.

"Parang mas gusto ko iyong bad trip ka, bal, nakakakilabot iyang ngiti mo eh," binatukan ko siya agad. "Woh! Bugbog na naman ako," hindi ko na napigilan matawa.

Agad na inabot sa akin ni Ross ang mga gamit ko nang tumayo na ako para magbihis. Hinila ko si Amelie para magpasama at iniwan ang mga kaibigan at pinsan ko roon sa gym. Mukhang nagpaplano na naman sila para pumunta sa court. Mayroon kasi itong school na sariling basketball at volleyball court.

"May laro sila Rohan ngayon?" tanong ni Amelie mula sa labas ng cubicle na pinagbibihisan ko.

"Nope, practice game lang. Manonood ka?" I asked matapos mag-ayos at lumabas na para manalamin.

Napansin ko ang tingin niya sa repleksyon namin sa salamin. Bumaling ako sa kaniya at nag-antay ng sagot.

"Hmm... Kung manonood kayo, edi go na rin ako." tumango nalang ako bilang sagot.

Sabay kaming bumalik sa gym para sa mga naiwan namin nang mapansin si Celine na may kasamang lalaki. My brows creased. Bago pa ako makalapit ay natanaw ko ng lumapit si Ross.

"Stay away from her," malamig na tono ni Ross.

"Sino ka ba?" maangas na tanong noong lalaki na iba ang suot na school uniform. Mukhang taga ibang school na naman ang nabingwit ng kapatid ko ngayon ah.

The Taste of Tomorrow Where stories live. Discover now