Akmang sasagot ako nang maunahan ako ni Ina. “So, you are telling us right now that my husband also is ugly, Ethan?” lahat kami napatingin sa kaniya. She is now smiling sweetly at Ethan. Nakita ko kung paano napalunok si Ethan kaya muntik akong matawa. “My son looks like my husband. So, is he ugly too?”

Hindi naman napakali si Ethan habang nakatingin sa aking Ina. Gusto ko tawanan ngunit hindi ko na lamang ginawa. “Ah, eh—Tita…”

Tumawa si Ina. “Just kidding,” mabilis akong napatingin ulit kay Ina. “They are both very handsome. Now, take your breakfast, boys.”

Tumingin ako kay Ethan at binilatan siya. Umirap ito saka nagpatuloy sa pagkain. Kaya ngiting tagumpay akong kinuha ang basong may kape. Akala niya, ah.

Habang umiinom ako nang kape ay may narinig akong mga yapak sa living room papunta rito. I immediately looked at the doorwa, same with the others when someone entered. Mabilis kong naibuga ang aking ininom na kape nang makitang si Ate Lavander iyon na malamig na nagpatuloy sa paglalakad. Nakasunod sa kaniya si Ate Lisha na may dalang tray na may lamang breakfast sana nito sa kwarto. Ngisi-ngisi iyo na tila ba’y nagtagumpay.

Umupo si Ate sa head chair habang seryosong nakatingin sa harapan. Hindi man lang kami tinapuan ng tingin. We all are looking at her with wide eyes. Tila hindi lang ako nagulat sa pagpasok niya. Who wouldn't? It's been two weeks after the commotion happened inside her room. It is really shocking that she just come her without us knowing. Ang akala ko’y matagal pa siya bababa. Like after one or how many months. Hindi ko akalain na dadating itong araw na ito. I just want to cry in front of her.

“Eat now, Young Lady,” nakangiting saad ni Ate Lisha nang mailapag niya ang pagkain.

Ate didn’t answer her, instead she started eating. While us, we are watching her every move, still not moved on from her sudden appearance. She was eating silently and peacefully like she is the only one in here. Tila nasaktan naman ako sa inakto niya. Hindi ako nagagalit kung bakit siya nagkakaganito, it's our fault in the first place. So, why blame her right?

“L-Lavander…” Hindi na natapos sa pagsasalita si Ina nang biglang tumayo si Ate at naglakad palabas dahil tapos na siyang kumain. I saw how my Mother expression changed. From being happy to disappointed. Pati rin ako ay disappointed. Ang akala ko’y ayos na si Ate. Na gusto na niyang makipag-usap sa amin. But I was wrong. Masyado akong nag-expect.

“Patawad, ho, sa tinuran ng inyong anak, kamahalan. Wala po siya sa mood ngayon kaya ganoon lang,” panghingi ng paumanhin ni Ate Lisha. “Pupuntahan ko lang muna siya, baka kasi may kailangan. Aalis na po ako.” Nang tumango si Ina at Ama ay mabilis na umalis si Ate Lisha para sundan si Ate.

Tahimik kaming nagpatuloy kumain at nag-kape na para bang may dumaang anghel sa harapan namin. Alam kong lahat ay disappointed sa nangyari. I think we all expected her to talk to us or even glance at us. But she didn’t even do it.

Natapos kaming kumain ng wala man lang nagsasalita. Si Elisha ang nagpresentang maghugas dahil hindi magawa iyon ni Ate Lisha dahil nandoon ito sa taas kasama si Ate. Tinulungan naman siya ni Ethan.

Nandito ako ngayon sa sala habang nakaupo sa sofa katabi si Evianna. Magkayakap kami habang nag-uusap sa mga walang kabuluhang bagay. We are just doing this to kill time and to spent time together. Pero talagang kill joy itong mga kasama ko. Nakangiwi kasi silang nakatingin sa amin at pinalakas ang volume ng TV para hindi kami marinig. Mga bw*sit talaga. Mabuti na lamang ay nagkakarinigan pa rin kami ni Evianna. Hindi na lamang namin pinansin ang mga kasama naming panay reklamo. Inggit lang sila!

Unknown Connection (Completed).Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon