•~IKASIYAM NA KABANATA~•

3 0 0
                                    

Kiera's POV

Simula noong nakaraan, hindi na ulit kami nakapag usap
ng matino ni Haring Poseidon.

Oo, aaminin ko, nahuhulog na ang loob ko sa kanya ngunit katulad nga ng sinabi nya, hindi siya nababagay sa alipin na katulad ko.

"Kiera, ayos ka lang?"

napatingin ako sa nagsalita.

Si delaila.

"Simula noong dumating kayo ng nahal na hari ay tila ba ikaw ay wala sa sarili mo"

"ayos lang ako delaila, medyo....masama lang ang pakiramdam ko"

ngumiti siya sa akin "Alam kong alam mo na hindi ako kumbinsado sa sinabi mo kiera. Kung kinakailangan mo ng kausap, nandito lang ako ha?"

"oo, salamat"

"o sya, mauuna na muna ako" ngumiti ako at saka tumango.

Umalis na si delaila at naiwan ulit akong mag-isa.

Habang ninanamnam ko ang katahimikan, may narinig akong kaluskos mula sa aking likod.

Kinakabahan man, unti unti akong lumapit.

"Hoyyy!!" biglang sulpot ni haring kupido

"ahhh!" sigaw ko sabay sampal sa kanya

"aray! ang ganda ng pagbati mo ah?! tsk!" daing ni Haring kupido

"bakit ka po kasi nanggugulat? magkakasakit ako sayo sa puso eh!"

"hindi ba't masakit ang puso mo ngayon?"

napatingin ako sa kanyang mga mata.

"h-hindi ko po kayo maunawaan" saad ko sabay iwas.

"Hayy! oo nga pala, may napapansin kaba sa akin?"

"ahmm...wala ka pong pakpak?"

"malamang! paano ako makakalipad sa ilalim ng tubig aber? maliban pa doon!"

"ahmmm...may buntot ka po?"

napahawak na lang siya sa kanyang noo.

"Hindi mo talaga napapansin? Tignan mo! mas lalo akong naging gwapo!" sabay hawi sa buhok nya.

Napatawa ako ng kaunti pero hindi dahil sa sinabi nya ha?

oo, gwapo si Haring kupido pero mas gwapo si ha......si pinunong julious.

"Nakakatawa yun? ang gwapo ko kaya!"

"tsee! oo ngs po pala, anong ginagawa mo dito mahal na hari?"

"naramdaman ko kasing may nadudurog na puso dito, sayo ba yun?"

"h-ho? hi-hindi po"

"wag ako, dyos ako ng pag-ibig alipin!"

"oo na! ako na po yun! masaya ka na?! tsk!"

"ano ba kasing problema? tinatanong kita noong nakaraan, hindi mo naman sinabi."

umupo kami saglit, 

"Na...." saad ko

"na..??"

"nagugustuhan ko na si Haring Poseidon p-pero ano, pipigilan ko naman!"

"wag mong pigilan" saad nya

napatingin ako sa kanya. Halata sa itsura nya ang pagkaseryo.

"H-ho? bawal po yung nararamdaman ko"

"alam ko.....pero hahayaan mo bang magkaroon ka ng pagsisisi? hahayaan mo bang mabuhay ang iyong sarili sa mga 'paano kung...'?? Hindi tama ang pagmamahal na nararamdaman mo tungo sa kanya, oo, pero hindi rin tama na pigilan mo iyan kasi minsan, yan ang nagiging dahilan ng mga pagsisisi at pagkasira ng mga puso" seryosong saad nya.

napaunok nalang ako. tama sya pero.....

"s-sinabihan nya na po ako, bawal talaga eh" saad ko.

"Hindi lahat ng lumalabas sa bibig ay yun din ang nilalaman ng puso. Madalas, ang mga mata ang nakapagsasabi ng nararamdaman mo."

ngumiti siya sa akin.

Hinawakan nya ako sa ulo sabay saad na; "Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan pero maging handa ka sa mga pwede mong maranasan."

(A/N: sorry for super late update, naging busy lang talaga)

Poseidon's PearlWhere stories live. Discover now