Prologue

70.3K 1.1K 352
                                    

Growing up I thought being smart was enough. Enough to rise from the mud, enough to support my family. Finishing college and getting a degree, I thought that was enough to make a lot of money. Reality hit me and eventually it crashed what I thought was supposed to happen after, the dream, the goal I thought was easy to land on. It pushed me to mud even more.

"We'll call you back." Ilang beses ko pa ba iyong maririnig. It's always just up to the initial interview, after that no one called me back. Sa daming beses kong narinig iyon, isang buwan na ang nakalipas, ni isa ay wala.

"Hindi mo pa ba balak magtrabaho?" tanong sa akin ni Papa. Napalunok ako, magtratrabaho pero wala pang tumatawag sa akin. Sa isang araw ay ilang kompanya ang in-apply-an para lang hindi masayang ang pagluwas ko sa Maynila. "Iyong anak ni Aling Eva may trabaho na agad."

Mahigpit akong napahawak sa kutsara at tinidor. I tried to swallow the food in my mouth and drunk a glass of water after. Pero tila bumara lamang ito sa lalamunan. I keep swallowing but it's still there or maybe it's because of the tears that are about to fall. Ang hirap pigilan lalo pa kung tila ba may nakadagan sa dibdib mo.

"Abner, iyong anak ni Aling Eva sa sikat na unibersidad sa Maynila iyon nakapagtapos kaya makahahanap talaga agad ng trabaho iyon," singit ni mama sa usapan. She knows what to say at times like this. Ang mga salita niya ay nakapagpapagaan ng aking kalooban tuwing nalulugmok ako.

Nakapagtapos man ako nang may karangalan, Summa Cum Laude sa isang hindi kilalang state university dito sa maliit na probinsiya namin ay wala iyon kumpara sa mga nakapagtapos sa sikat na unibersidad sa Maynila. Sumubok akong lumuwas sa Maynila, nagbabakasakali na makakuha roon ng trabaho na malaki ang sahod. Every time I'll tell every HR of my qualifications and that I graduated with a Latin honor, they'd be amaze not until I say which college I graduated from. Madalas ay napapangiwi sila, as if being a Latin honor from a small state university is something to be ashamed of.

"Bakit pa kasi kailangan mo pang sa Maynila maghanap ng trabaho? Marami naman riyan."

"Makakahanap din po ako, Pa."

"Kailan pa? Halos kalahating taon ka na ngang naghahanap ng trabaho. Bakit hindi mo na lang kunin iyong offer sa'yo sa bayan, sa factory."

"Malayo po kasi iyong job description sa degree na kinuha ko. Gusto ko po sanang makapasok doon sa sikat na hotel sa Maynila, kahit assistant manager lang po sana muna, kaso iyong may experience po iyong mga naha-hire palagi."

Hindi ko pa naman sinubukang mag-apply sa hotel na iyon pero madalas ay tinatanaw ko iyon mula sa malayo kapag nag-a-apply ako sa kalapit na kompanya. Nangangarap na mamakapasok din doon balang araw.

I was always confident when it comes to my initial interview. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang, until I heard about my co-applicant that he passed just because his family knows someone from the company. A pill that's hard to swallow, we need connections in the real world.

"Nag-apply din po ako sa isang furniture company, balita ko po kasi ay sila ang nagsu-supply ng mga furniture roon sa sikat na hotel. Kung matatanggap po ako roon ay pwede ko pong gawing stepping stone iyon para makapasok sa hotel na iyon."

Sinubukan kong ilahad sa kanila ang aking mga plano, na hindi lang ako basta nag-aaksaya ng oras sa Maynila. As much as I wanted to keep my plans to myself I had no choice but to tell them.

"Kailan ka pa nag-apply doon? May balita na ba?"

"Tatawagan na lang daw po ako."

"Kailan ka pa nag-apply doon?"

"May isang buwan na po," lumiit ang boses ko nang sabihin iyon. Napatungo na lang ako, alam ko namang malabong matanggap ako roon pero nagbakasakali pa rin ako. I got enough rejections already that being rejected by that company won't even hurt me a bit.

Gray Walls [Published under Popfiction]Where stories live. Discover now