Kung Ako Na Lang Sana ☆ Part 6

22 1 0
                                    

Galit na galit ang mother ni Andy sa anak dahil nalaman nitong nagnanakaw ito ng mga alahas niya.
"Papatayin kita gagu ka talaga Andy.Dahil sa gf mo nagnanakaw ka sa jewelry box ng Mommy mo.?"sinuntok at sinipa ni Alfonso ang anak.
"Tito tama na po wag nyo pong saktan si Andy."naabutan iyon nina Miame at Ian ang eksena na iyon.Niyakap agad niya si Andy.
"Anak dito ka kelangan disiplinahin ng Tito mo ang Andy na iyan.Sumosobra na kasi nagnakaw siya ng jewelries sa kwarto ko."hinihila ni Laura si Miame.
"Pero kausapin lang nyo sila ng maayos.Nandito kami ni kuya Ian dahil magpapaalam ako sayo Mommy Rebecca na pumunta ng London.!"good timming iyon para di na saktan ng mga ito si Andy.Kahit papaano may malasakit pa rin si Miame sa binata.
"Ano iiwan mo na ako sweetie.Sasama ako doon sa London.Pwede ko naman iwan ang Daddy Arman mo."natataranta bigla si Rebecca.
"Tita calm down goodnews ang dala namin.Nagkabalikan na ang parents ni Miame.At nasa London na sila Tita Marife ngayon kasama ang dalawang anak niya.Battered wife pala siya sa hubby niya sa Canada.Nirescue daw ni Tito Romero sila.Tapos dinala niya sa London.Si Tito hiwalay na din sa partner niya.Kaya nagkabalikan silang dalawa."summary na lamang ni Ian ang kwento.
"Talaga mas mabait si ate Marife kesa sa live in partner ni kuya Romero kasi.Magbestfriend sila noon kaya may happy ending sila kumbaga.Arman sasama ako kasama naman namin si Ian.Kakamustahin ko lang si ate Marife.Magkakasundo kami talaga noon kasi.Kahit naghiwalay sila ni kuya noon.May kuminikasyon pa rin ako kay ate Marife."excited si Rebecca pumunta ng London.
"Ok be safe na lang mahal.Di kita masasamahan dahil marami kaming trabaho ni kuya Alfonso sa opisina.Ian alagaan mo ang mag ina ko ha."payag agad si Arman para sumaya naman ang misis niya.
"Mga apo sasama kami kukumbinsihin namin si Romero na dito na humanap ng bahay.Kay layo ng London mahihirapan tayong bisitahin sila agad agad.Tanda ngayon pa lang mag impake ka na.Magshopping din ako sa London.Sumasakit ang batok ko sa apo mong si Andy."utos ni Donya Stallion sa mister niya.
"Ok mas mabuti pa nga magbakasyon muna tayo Darling.Laura kayo na bahala muna sa mga alaga kong tanim.Diligan mo dapat araw araw."bilin ng Don sa manugang.
"S-sasama ako lolo sa inyo."biglang saad ni Andy gusto niyang takasan ang parents niya.Baka patayin siya kasi sa mga ito.
"Buntis ang Mommy Marife ko at maselan.At di ka welcome sa family ko Andy.Naawa lang ako sayo kaya pinigilan ko si Tito.Di ibig sabihin pwede mo ng takasan pagnanakaw mo."malamig na saad ni Miame sa dating bff niyang maituturing.
"Mommy bigyan ko na lang ng sapat na allowance si Andy.At ilock mo na ang kwarto ninyo para di ka manakawan.Ito Andy gamitin mo kokontrolin ko ang allowance mo din.Balak mo na sigurong anakan si Shane ano.?Umaasta ka naman Sugar Daddy kahit wala ka pang stable job."inabutan ni Ian ng credit card si Andy.
"Ian iniispoiled mo ang kapatid mo kasi lage kaya namimihasa."napapailing na lang si Alfonso sa ugali ng panganay na anak.
"Nag iisa ko lang siyang kapatid Daddy.Kaya ayoko siyang mamatay na lamang."biro na ni Ian sa ama.
"How about me.?Im your baby sister right kuya Ian.?"sumiksik si Miame sa bandang kilikili ni Ian.
"Ay nagseselos baby girl ko."natatawang gumanti ng yakap si Ian kay Miame.
"M-miame ako lang ang paborito mong kuya diba.?"biglang nagseselos din si Andy sa closeness na nina Ian at Miame ngayon.
"Noon yon pero hindi na ngayon.Nagkabalikan na ang Mommy at Daddy ko madami na akong kapatid wala ka ng space Andy Stallion."malamig na saad ni Miame kay Andy.
"Dahil ba naging gf ko si Shane.?You are so childish talaga Miame."inis na saad ni Andy.
"Magtigil ka na Andy baka ako ang sisipa na sayo.Buntis ang Tita Rebecca mo.Puro ka Shane di naman siya party ng pamilya natin.Lubayan mo ang anak namin pwede ba Andy."galit na si Arman kay Andy.
Natakot naman si Andy kaya nanahimik na lang siya.Pero umusbong ang inggit niya sa kuya Ian niya.Ngayon close na ito ni Miame at paborito pa ng lahat.Kinukumpara kasi lage siya sa kuya niya madalas.Pero may tagapagtanggol siya noon.Pero ngayon itsapwera na siya ni Miame.Ayaw niyang hiwalayan si Shane.Pero ayaw din niyang bitiwan si Miame.Naguguluhan si Andy tuloy kung sino pipiliin niya sa dalawang babae.Nasanay kasi siyang siya lage inaalala ni Miame.Ngayon lumayo ito dahil naging gf niya si Shane.Si Andy ang matatawag na selfish.Dahil gusto niya ang atensyon ng lahat ay para lamang sa kanya dapat.Compatible nga sila ni Shane.
Samantalang nagrereklamo si Shane na pati siya di pwede pumunta ng London daw.Naiinggit siya kay Shella dahil doon magbabakasyon ng 1 week daw.
"Magtigil ka na Shane sagot ni Miame ang lahat pati visa at ticket ni Shella.At kasama pati si Tristan doon.Ayaw ka daw isama ni Tristan.At isa pa buntis ang pupuntahan nila doon.Di ka naman close ni Miame diba.?Bagkus inaway mo pa siya Shane Mendoza.!"galit ang lolo nila dahil bussiness tycoon nga ang father ni Miame.Pero inaway daw ni Shane.Dapat daw sana kaibiganin ng apo para mag invest sa maliit na company nila.Ganid sa kapangyarihan ang lolo mismo nina Shane at Shella.
"Anak kausapin mo si Andy baka sasama din siya.Sasagutin ng parents niya ang pagpunta mo doon malamang."payo ng mother ni Shane sa anak.
"Gold digger ka din ano Carla.Buti na lang maengage na sina Tristan at Shella.Ok na sa akin Doctor mapangasaawa ng anak ko."kampante saad ni Cecilia ang mother ni Shella.
"Tama misis ko as long may trabaho si Tristan ok lang.Wag tayo gumaya sa kanila na sobrang ganid.Tulungan mo na lang mag impake ang anak mo doon.Susunduin daw siya ni Tristan ng maaga.Pupunta na ako sa bar natin misis ko."simple lang ang pamumuhay gusto din ng father ni Shella.
"Mayaman din sila Tristan isa sa stockholder ng private ospital parents niya.Di lang kami gold digger Cecilia."galit na ani ni Carla sa asawa ng kapatid ng mister niya.Yong mister niya sugarol at babaero pa.Kaya lumaki si Shane sa magulong pamilya maituturing.Kaya kelangan niyang mangambisyon ng mataas.Ayaw din niyang maghirap sa bandang huli sila ng Mommy Carla niya.
"Whatever Carla.!"tinaasan lang ni Cecilia ng kilay si Carla naman.
"Wag kayong mag away sa harapan ko.Letse Carla pagsabihan mo ang mister mo na di ko tinatae ang pera."nabulyawan ni Miguelito Mendoza ang lolo nina Shane at Stella.Wala siyang apo na lalake.Kaya naman si Tristan na lang daw mamahala sa company.Mas mayaman ang mga Stallion kaya malamang si Andy di din niya maasahan.
"Anak ninyo si Manolo Papa ikaw dapat ang gumawa noon.Makaalis na nga may lakad pa kami ng mga amiga ko.!"galit na nagwalk out na lamang si Carla.
"Mommy what about me.?"napaiyak si Shane dahil di nasunod ang gusto niyang magbakasyon din sa London.Pero kakausapin at lalambingin niya si Andy baka sasama ito kina Miame papunta doon.
"Shane ayaw ni Miame pupunta ako.Grounded pati ako ngayon nalaman ni Mommy na nagnakaw ako.Wala ako sa mood ngayon makapagkita sayo."pinatayan ni Andy ng celpon ang gf niya.
"H-hello Andy.!Damn it talagang kinakalaban nila ako talaga.Kung bakit kasi wala akong kamag anak man lang sa London.Kainis walang silbi pala si Andy.Sana si Ian Stallion nilalandi ko noon.!"gigil na bulalas ni Shane mag isa.Walang pag asang makapunta siya ng London.Dahil kelangan pa kasi ng visa papunta doon.Passport lang ang meron lang naman siya.Si Shella sinagot daw ng Daddy ni Miame.Di siya papayag na makalamang si Shella sa kanya.Siya ang tinaguriang campus queen.Pero di sila makabakasyon pala ni Andy sa London this summer vacation.Naiinis siya sobra sa bf niyang pulpol daw.Unti unti na kasing naging sikat si Miame Ismael sa campus.Dahil nga mas mayaman ito sa kanya.Nang lilibre daw ito ng mga classmate nito kahit sobrang mahal sa isang restaurant.Siya limited lang ang allowance dahil sugarol at gastador ang parents niya.Si Shella naambunan kasi ni Tristan at ni Miame syempre.Ang totoo sa malaanghel na image ni Shane.Nagtatago ang puro inggit sa pagkatao nito.Di ito makontento sa simpleng bagay din daw.Dahil kulang siya sa pagmamahal sa pamilya niya.Si Miame kasi pampered sa pamilya Ismael kahit ito ang panganay.

Kung Ako Na Lang SanaWhere stories live. Discover now