CHAPTER 1

29 2 0
                                    

CHAPTER 1

Isang oras na ako dito pero wala pa 'rin 'yong kapatid ko! Andami pa namang nakatingin sa akin dito, baka maholdap pa ako. Jusko, wag naman sana.

Lumuwas ako ng manila para magtrabaho pero hindi dito sa syudad kundi sa lugar nang Pangasinan, oo, yes. May nag alok kasi sa akin na doon magtrabaho dahil malaki-laki raw ang sasahodin do'n kaya gomura na ako, sayang opportunity 'no.

“Kanina ka pa ba?” Bumungad sa akin ang mukha ng kapatidkong lalaki na si Ryo (Riyo) at kinuha ang dala ko bagahe.

“Kadugay nimo oy!” (ang tagal niyo naman!) Pagrereklamo ko sa salitang bisaya. “ Ihatid mo nalang ako sa five star terminal,” sabi ko.

Hinintay ko munang sumakay siya sa motor bago ako sumakay. Ilang minuto lang rin ay nakarating na kami sa terminal ng bus.

“Kuya, pakikuhanan mo nga ng litrato 'yong plate number para incase na may mangloloko dito, ipapakita ko lang 'yong plate number,” saad ko na agad namang ginawa ng kapatidko. Siya lang 'yong kapatid ko na nag-tra-trabaho dito sa manila. Pinilit pa nga ako nito na dito nalang ako magtrabaho pero mas gusto ko doon sa pangasinan. Siya nalang ang natitira kong kapatid dahil namatay ang bunso naming kapatid. Maliban nalang doon sa kamag-anak ko sa mindanao, naubod ng sama. Tama na nga 'yong kwento.

Bumili muna ako ng ticket bago sumakay sa bus.

Mukhang mahaba-haba 'tong byahe na 'to, sakto at nasa tapat ako ng bintana matatanaw ko 'yong view. Halos mag ning-ning ang mga mata ko ng umandar na 'yong bus.

Buti nalang at babae 'yong katabi ko hindi lalaki, masasapok ko talaga, nako! Dahil feeling close tayo tinanong ko si ateng kung saan siya bababa.

“ Sa tayug ako bababa ikaw din ba?”  Tanong niya din sa akin pabalik.

“ Oo, hehehe.” Sagot ko nalang. Hindi na kami nag kwentohan pa dahil na-e-enjoy ko 'yong view kahit na puro sasakyan naman ang mga nakikita ko. Ganito talaga sa manila 'no? Mausok madaming sasakyan buti nalang doon mindanao amoy kanal lang.

Habang nag-e-enjoy ako sa view kumakain naman ako ng chichirya inalukan ko din si ateng baka gusto niya sabi niya meron naman daw sa kanya.

“ Ilang oras ba byahe galing manila papuntang pangasinan?” Tanong ko kay ateng, hindi ko kasi alam pangalan niya at wala din akong balak alamin.

“ limang oras or apat depende kung hihinto-hinto itong bus,” sagot niya. Tumango-tango lang 'rin ako bago ibinalik ang tingin sa daan.

Napaka ganda ng tanawin papuntang pangasinan, gusto ko dito ako magtatayo ng magiging bahay ko soon.

Tama nga si ateng limang oras ang byahe papuntang pangasinan, buti nalang at hindi ako masyadong sumuka dalawang beses lang naman. Nag paalam din ako kay ateng bago bumaba nang tuluyan sa bus.

Syempre walang susundo sa akin dito —

“ Arya!!!!” Syempre joke lang!

Agad kong sinalubong si Nics na taga dito lang din sa tayug, siya kasi ang kinausap ko para sunduin ako dito mahirap na pagnaligaw ako.

“ Kumain kana ba? Tara, kain tayo.” Hinila niya ako papunta sa Jollibee, my favorite fast food.

Pagkapasok namin agad akong humanap ng bakanteng upuan at siya naman ay dumeretso sa counter para mag-order. Pinost ko 'yong picture na nasa airport ako at wala pang dalawang minuto madami na ang nag- likes at comment nangungumusta 'yong mga marites naming kapitbahay.

“ Kain na, kumusta naman byahe?”  Bungad ni Nics pagka-upo niya.

Nag-order siya Dalawang Chicken with spaghetti tas burger with fries then coke float tapos meron din water. Kumain muna ako bago ko sinagot ang tanong niya.

“ Kapoy kaayo grabe man diay kainit sa manila,” ( Nakakapagod sobra sobrang init pala doon sa manila) Pagsasalita ko ng bisaya habang kumain. Well, marunong naman magbisaya 'tong si Nics.

“ Gano'n naman talaga haha, sige na kumain kana at ihahatid kita ng San Nicolas.”

Pagkatapos namin kumain pumunta agad kami sa mga naka parking na tricycle.

“ Kuya, diyan nga ho sa bayan ng San Nicolas. ” Ani Nics.

Agad naman kaming sumakay sa tricycle at kinarga naman ni manong sa likod 'yong bagahe ko.

Ilang minuto lang 'rin ang nakalipas ay andito na kami sa bayan ng San Nicolas, Pangasinan. Ang ganda ng tanawin dito.

“ Arya, dito nalang ako hindi na kita mahahatid doon. ” Saad ni Nics, ibinaba na din niya ang bagahe ko.

“ Sige, Nics salamat! Balitaan nalang kita. Bye, ingat!” Kumaway pa ako sa kanya bago tuluyan pinaandar ni manong ang tricycle.

Hays, andito na ko. Asan na kaya 'yong magsusundo sa akin sabi kasi ni Jowanna ay dito lang daw ako maghintay sa bayan nila at susundoin 'rin naman daw ako ng kotse.

Dalawang oras na akong nakaup dito sa gilid ng kalsada pero wala pa din 'yong magsusundo sa akin, madilim pa naman dito banda.Agad kong tiningnan ang cellphone ko kung sakaling may tumawag or ako nalang ang tatawag pero sa kamalas-malasan lowbat 'yong phone ko.

Dalawa't kalahating oras na ako dito at biglang may humintong sa sasakyan sa harap ko agad naman akong nagpanic baka kidnapper 'to. Dali-dali akong tumayo at tatakbo na sana nang tawagin ako sa pangalan ko.

“ Arya, Ikaw na ba 'yan? Aba'y kanina pa ako dito sa bayan hindi man lang kita matawagan sa iyong telepono. ”  Sabi ng matandang lalaki. Nilingon ko ito agad hindi ako pamilyar sa mukha niya.
“ Mabuti nalang at may isenend sa akin iyong kaibigan mo na picture para madali kitang makita, aba'y andito ka lang pala sa gilid ng kalsada, halikana  sumakay kana.”  Dagdag pa niya.

Agad naman akong sumakay sa magarang kotse at umidlip muna.

~

Don't forget to like and comment. I hope you enjoyed this chapter. I hope you will support me. Thank you very much! (⁠。⁠♡⁠‿⁠♡⁠。⁠)

© ROSEYNA

OBSESSED VIDA  (On-going GL Story)Where stories live. Discover now