“I know that you know me. Stop asking,” masungit kong ani na ikinatigil niya saglit. Ang kaniyang kasama ay nanlaki ang mata habang nakatingin sa akin.

Malakas na tumawa si Tito at sumabay si Tita sa kaniya. Tinapik-tapik niya ang balikat ng babae na tila ba’y close na close sila. “Told you. Sinabi ko naman sa ‘yong ganito ang kaniyang ugali.” naguluhan ako sa sinabi niya. What? He told them about me? How?!

Biglang nagbago ang expression ng babae. Mangha niya akong tiningnan. “Wow. Akala ko’y bad mood lang siya noong gabing iyon, nagkakamali pala ako. She really is like… that.” Tumawa siya nang tinaasan ko siya ng kilay. “Nagmana rin sa kaniya. He has this kind of attitude. What a great combination we have here.”

Then suddenly, I remembered something. Sila pala iyong dalawa sa apat na taong pinakilala ni Tito noong gabing iyon. ‘Yong gabing birthday ni Fiara. Kaya pala sobrang pamilyar sila sa akin pati na rin ang mga pangalan.

“Can you just please, stop comparing me to someone? You don’t know me,” malamig ko ani na ikinatawa nila ng mahina. Mas lalong nag-init ang aking ulo dahil sa sinasabi nila. Ramdam kong hinawakan ni Yeron ang aking kamay dahilan para huminahon ako. Tila napansin naman nila iyon kaya lahat sila ay napatingin sa aming kamay.

“Oh my…” napatakip ulit ng bibig ang babae saka tiningnan si Yeron na nasa tabi ko, tila ngayon lang nila napansin. “D-Don’t tell me…”

“Yes, he is Craven and Crizel’s son, Yeron,” nakangiting tuloy ni Tita sa sinasabi niya habang nakakapit sa braso ng asawa.

Nakita ko kung paano napaubo ang dalawa at may takot na tiningnan si Yeron. Napansin naman iyon ni Tito kaya humagalpak siya ng tawa na tila ba’y may nakakatawa talaga. Kalaunan ay nawala ang takot sa kanilang mga mata at napalitan iyon ng mapanlarong tingin habang pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa ni Yeron. Kumunot ang aking noo dahil nagtataka ako kung bakit sila nag-aapiran.

“I knew it! Sinasabi ko na bang tama ang hinala ko, eh!” sigaw ng babae habang hinahampas-hampas ang hari na ngayon ay ngisi-ngising nakatingi pa rin sa amin.

“Bata pa talaga ang mga ‘yan ay may hinala na ako. Hindi ko lang ini-expect na sila talaga,” natatawang sabi ng lalaki.

“Well, wala naman siyang ibang makakapares, eh. Ang ibang lalaki ay puro pinsan niya sure na talagang ang anak ni Craven ang kapareha,” natatawa ring sang-ayon ni Tita Shantelle.

“Sandali nga! Kanina pa kayo nag-uusap diyan, eh, wala kaming naiintindihan!” napatingin ang lahat sa akin. “Ano? ‘Yan lang ba ang sasabihin niyo kung bakit niyo kami pinapaupo rito? It’s nonsense, Tito. Mas mabuti pang umakyat na lamang ako sa kwarto ko.” tatayo na sana ako nang mabilis na hinila ulit ako ni Yeron paupo dahilan para samaan ko siya ng tingin. He just looked at me directly through my eyes. Tila nalulunod na naman ako.

Hindi ko alam kung bakit. I suddenly feel that I want to kiss him. Tila wala na akong pakialam sa aking paligid, sa mga taong nakatingin sa amin. Hindi ko alam kung ilang minuto kami nagtitigan. Akmang hahalikan ko siya nang biglang may sumigaw.

“Who are you?!” napalingon ako kay Grave. Nakita ko siyang nakatayo mula sa kinauupuan niya habang galit na nakatingin sa dalawang bampirang magkayakap na ngayon. Umiiyak ang babae habang ang lalaki ay  inaalo ito. Si Tito at Tita ay nakatayo na rin sa kani-kanilang upuan habang ang mga kasama namin ay gulat na nakatingin kay Grave. Nagtataka at naguguluhan akong nagmasid sa kanila.

Anong nangyari? Bakit nagkaganito? Eh, nagkatitigan lang naman kasi kami ni Yeron… sinamaan ko ng tingin itong lalaking katabi ko na inosente akong tiningnan. Bw*sit. Nilinlang ako ng lalaking ito. I was about to shout at him when Grave shouted first making me to look at him again.

Unknown Connection (Completed).Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon