"Youth Camp"

72 2 0
                                    


Nagsimula po eto noong sinama ako ng pinsan ko sa youth camp nila sa Laguna, sabit lang ako dun kasi di naman ako taga doon sa baranggay nila.

Nagsimula eto noong may pinagawang activity samin. Pinagawa kami ng bahay na gawa lamang sa mga scrap woods and leaves. So ako bida bida putol ng putol ng sanga, I think Balete Tree yung pinutulan ko ng mga sanga.

  2days and 1night pala ang youth camp. Noong nakauwi na ako ng bahay bandang hapon yun. Rekta ako sa kwarto at tulog ako, di na nga ako nakapaglatag ng maayos kasi sobrang pagod, maya maya tinatawag ako ng tita ko, pero hindi ako makakilos, hindi rin ako makasigaw. Parang may napigil saken na isang nilalang. Pumipiglas ako pero hindi ako talaga makagalaw, hanggang sa nagdasal ako ng latin na alam kong dasal. Ayun nakakilos ako rekta bangon sabay takbo sa labas ng kwarto, nagulat yung tita ko kasi pawis na pawis ako tapos hinihingal, sabay sermon saken, baket hindi ako daw nasagot. Sabi ko binabangungot ako. Wala hindi sya umimik.

Kinagabihan na nun. Matutulog na kami. Natulog na ako sa sala at ganun na naman, hindi ako makakilos, but this time nakita ko may nakapaligid na tatlong tao saken. Nagdasal ulet ako ng latin nilalabanan ko sila at  nagising ulet ako at di na ako nakatulog ulet. Naglaro na lang ako ng ML that time.

Kinaumagahan, pagkagising ng tita ko, kinausap nya ako agad. Sinabi nya saken baket pa daw ako nagsama ng iba dto sa bahay, nakita nya daw yung babae na sumama saken, black lady, mukhang tuod. Pati rin sya binangungot...
Andun daw sa uluhan niya yun babae, nakasmile sa mukha nya, ang pangit daw sobra. Mukhang tuod na kulubot yung mukha.
Pati yung pinsan kong babae umiiyak rin daw sabi ng tita ko, binabangungot din daw kasi naungol din daw.

And then suddenly wala na, after that day wala na namang mga sumunod na nangyari...

Kung baguhan  kayo sa lugar na pupuntahan nyo, wag kayo gagalaw ng mga kahit anong bagay

-Loise DC

Summer Scares (Horror Stories Compilation)Where stories live. Discover now