Chapter 16: Taguan ng secrets

239 7 17
                                    

"Okay ka na dito?"

Inilapag ni Brian sa kama ang mga gamit na dala ni Regina kanina sa photoshoot.

"Papasok ka na sa kwarto mo?" Tanong n'ya sabay upo sa kama.  Sobrang napagod s'ya sa ginawa nila.  She's physically,  emotionally and mentally drained. Pwera sa pagod sa photoshoot mas napagod s'ya sa kakaisip kay Narda.

Umupo ito sa tabi n'ya sa kama. "Magpapahinga na rin ako.  Maaga pa tayo bukas. But before that gusto ko lang magsorry at magthank you sa'yo."

"Hmmm... Para saan?" sa ilang taon nilang pagiging loveteam ngayon lang narealize ni Regina na never pala sila nakapag-usap ng ganito.  'Yong seryoso at kalmado. Madalas silang nagbabangayan kapag nagkikita.

"Sorry sa ginawa ko yesterday. Hindi ko nacontrol 'yong temper ko. Muntik na kitang masaktan."

Saka n'ya naalala ang pagtatanggol sa kanya ni Narda... at ang pagtulak nito palayo sa kanya.

"Wala 'yon. Kalimutan nalang natin." ngumiti s'ya dito.

"Alam mo ba? Sobra akong nag-alangan na magsorry sa'yo dahil baka sabihin mong dahil lang sa trabaho kaya ko gagawin 'yon. Ayaw kong isipin mong hindi bukal sa loob ko ang paghingi ng tawad. Thank you for taking the first move. Akala ko talaga 'di na matutuloy itong photoshoot. Akala ko magbaback out ka na."

"Akala ko nga rin. I almost gave up. Ayaw ko na sana magshowbiz.  I did find a reason to quit but s'ya rin ang nagpush sa 'kin para hindi ko na ituloy ang balak ko."

"Si Narda ba?" Nanunudyo ang mga ngiti nito.

"P-paano mo naman nasabi?" Parang biglang nanuyo ang lalamunan n'ya.

"Hmmm. Nahahalata ko lang. The way you stare at each other, talagang iba. I mean normal friends won't look at each other lovingly. 'Yong titigan n'yo laging parang tutunawin n'yo ang isa't isa." Natatawang anito.

Napayuko s'ya para itago ang pamumula.

"Do you think nahahalata din nina Alicia?" Nag-aalalang tanong n'ya.

"I hope they don't. Kaya i'm doing everything I can para hindi madivert ang atensyon nila sa closeness n'yo ni Narda. End na ng team up natin kapag nagkataon. End of my career din maybe. " Huminga ito ng malalim.

"But an end to your drug addiction too which is a good thing."

Nanlaki ang mga matang tinitigan s'ya ni Brian.

"H-how did you know?"

Natawa s'ya.  "Para tayong secret keeper ng isa't isa. Pilit tinatago ang mga sekreto at pinagtatakpan ang isa't isa. I saw something on your bag months ago. A packet which I did confirmed as drugs when I showed it to a friend. Kaya ko laging pinagpasyensyahan ang mga kalokohan at unethical behaviors mo kasi alam kong madalas under the influence ka."

"Bakit hindi mo ako sinusumbong?"

"Why would I? Should I? Hmmm. I think I had been too busy with my own problems. Remember my break up with Noah? I got tempted to ask you for drugs a couple of times though."

"Tinatago mo pala sekreto ko tapos ang harsh ko pa sa'yo." Naiiling na sabi pa nito.

"It's okay. Loveteam tayo 'diba? Ayaw ko naman ilaglag ka. Dapat suportahan lagi tayong dalawa."

"Hmmm...  Sorry kung pinipilit kita dati na totohanin nalang natin itong lahat."

"Alicia knew about your drug addiction right?"

Napatango naman ito.

"Kaya ka n'ya pinipilit na iwan mo ang girlfriend mo at gawing totohanan 'yong sa'tin para isave ang career mo, 'di ba?"

BEHIND the SCENES (DarLentina version)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora