Content Warning:
This story is intended for mature audiences and contains sensitive themes. Some scenes may be emotionally triggering. Reader discretion is advised.
This is the first time I wear the red floral dress my boyfriend gifted me on my birthday noong nasa selda pa ako. Tumingin ako sa salamin na halos ibang bersyon na ng sarili ko ang nakikita ko. I cut my hair short to leave behind all the memories that traumatized me.
Paunti-unti ay naiaahon ko na ang sarili ko. The counseling therapy helped me get through each day. Sa tuwing nasa korte ako, maayos ko nang nasasagot ang mga ibinabatong tanong sa akin.
Malapit na rin akong bumalik sa selda, kaya susulitin ko na ang mga sandaling meron ako rito. Kahit magkalayo kami ngayon ni Threvin dahil nasa US siya para samahan si Tita Selena na magpagaling, ramdam ko pa rin na nandito siya. Hindi niya ako tinalikuran, kahit napakalaki ng atraso ko sa pamilya niya. Ako ang dahilan kung bakit naaksidente si Tita Selena.
Kung ako ang nasa lugar ni Tita Selena at mabalitaan kong wala na ang anak ko, gagawin ko rin ang lahat para makarating sa kaniya. Wala nang ibang mahalaga sa sandaling iyon kundi ang makita siya.
Marahil hindi pa niya alam na wala na si Maese, pero sa kaibuturan ng damdamin ko, alam kong isa ako sa mga dahilan kung bakit nangyari ang mga bagay na hindi sana dapat nangyari. She may have forgotten her memories, but she'll eventually remember everything. At kapag nangyari iyon, kamumuhian niya rin ako, kagaya ng mga taong patuloy pa ring kumukutya sa akin sa tuwing lumalabas ako rito.
Sana ay umuwi ngayon si Threvin. Gusto ko ulit humugot ng lakas para magpatuloy, pero alam kong hindi ganoon kadali ang makauwi siya. Umuuwi naman siya rito paminsan-minsan, pero siya na talaga ang tumutustos sa mga gastusin ko rito kaya pinag-iigihan niyang magtrabaho roon.
Nagtatrabaho siya sa US sa kung anumang paraan na maaari niyang pagkakitaan dahil pinagbawalan na siyang magtrabaho ni Tito Brenton sa kompanya niya kapalit ng pagtulong niya sa akin. Wala siyang alam na nakapagpiyansa na ako. Ngunit sa oras na malaman niyang nakalabas na ako, alam kong hahanapin niya ako at hindi siya titigil hangga't hindi niya ako nahahanap.
Mag-isa akong pupunta sa clinic ngayon para sa huling session ng counseling. I was on my way out when I saw Tito Brenton standing outside the door. His stare was filled with grudge and blame, silently chipping away at the fragile peace I was trying to regain.
"Ano, magaling ka na ba? Hindi ka na ba binabagabag ng konsensiya mo sa mga ginawa mo sa pamilya ko? Ang swerte mo naman... buhay ka pa pala."
His words cut deep into me.
Hinihiling niya ba na sa susunod na makita niya ako, nasa loob na ako ng kabaong?
He pushed the door open aggressively, making my heart throb with fear. Pinigilan kong humagulgol. Tinatagan ko ang sarili ko.
Hinawakan niya ang pulsuhan ko nang sobrang higpit na halos mamula na ito sa sakit. He shoved me away, causing me to fall and slam onto the floor.
Hindi ako makatayo sa sarili kong mga paa dahil natatakot na ako sa kanya. I wanted to run away from him, but fear had drained every ounce of strength from my body. I couldn't even stand.
"Tito Brenton... I'm so sorry. Please..." My voice trembled as I crawled toward him, reaching for his hand before dropping to my knees, begging for his forgiveness.
"Sa una pa lang na nalaman kong isa kang Legaspi, dapat pinalayo na kita kay Maese. You must've inherited Harrison's rotten blood. You're just like him! Pare-pareho kayo. Sinira mo ang pamilya ko!"
Tinapik niya palayo ang kamay ko at pumasok sa loob. Isa-isa niyang inilabas ang mga gamit ko ibinato sa akin ng may kalakasan. Sinalo ko na nanginginig ang mga gamit.
I kept whispering my apologies and desperately begging him to stop, but he continued to hurl harsh words at me that tore me apart.
"Lumayas ka at huwag mo nang guluhin ang anak ko. You're destroying his future!" sigaw niya, nanginginig sa galit habang nakatitig sa akin. Bago pa man ako makapagsalita, tumama na sa mukha ko ang mga damit na itinapon niya.
"Magpakalayo ka na at magtago kasama ng mga perang ninakaw ni Harrison sa akin. Magkadugo nga kayo... mga traydor at berdugo! Tumulad ka kay Melissa na bigla na lang naglaho na parang bula, at huwag ka nang magpakita pa sa akin ng buhay! Puro kayo sinungaling..."
Bakit niya kailangang banggitin si Mama?
Hindi niya alam ang lahat ng pinagdaanan ni Mama. She went through so much. Walang kinalaman si mama sa mga pagkakamali ko.
"Sir..." mahina at nanginginig ang boses ko. "Sumbatan mo ako at sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin tungkol sa akin... pero huwag na huwag mong idadamay ang mama ko."
Pinunasan ko ang luha na kusang pumatak sa pisngi ko.
Nagbago ang ekspresyon niya. Unti-unting nawala ang matalim na tingin na kanina lang ay puno ng galit. Ang poot na tila hindi na niya kayang pigilan ay biglang napawi, at napalitan iyon ng isang emosyong hindi ko inaasahan. He stared at me in confusion.
Para siyang natigilan sa sinabi ko.
I could barely breathe. Pakiramdam ko ay sinasakal ako habang pilit kong hinahabol ang hangin.
Nang tuluyan siyang tumigil, nanlumo akong napaupo sa sahig. Hindi ko inasahan ang malakas na suntok niya sa pinto na umalingawngaw sa buong paligid.
Hinawakan niya ang leeg niya habang pilit na nilulunok ang galit na namumuo. Sandali siyang nanatiling nakatayo, tila kinokontrol ang sarili, bago tuluyang tumalikod at umalis.
It was a hard decision to leave this place behind because this was all Threvin's hard work. He earned this with his own hands.
You're destroying his future.
Paulit-ulit iyong umalingawngaw sa utak ko.
Paano kung tama siya?
Hindi ko na namamalayan na habang pinipilit kong manatili, unti-unti ko nang inuubos ang lahat ng mayroon siya.
I couldn't bear the thought of watching him lose everything he had, and worse, lose himself in the process because of me.
The least I could do for him was to walk away from his life.
If my absence meant he could keep his future, then perhaps disappearing was the purest act of love I could give.
Mas mabuti nang ako ang mawala.
