Chapter 1

18.6K 142 30
                                    

Jeff.

Ang ingay, sobrang ingay. Nagkakasiyahan ang lahat na para bang wala ng darating na bukas.

Nandito lang ako sa isang sulok nag-iinom mag-isa. Ayokong makihalubilo sa mga tropa ko, masyadong malakas ang trip nung mga 'yon eh. Nandito kasi ako ngayon sa isang 'stag party' ng tropa ko.

Tinignan ko silang lahat. Sumasayaw silang lahat sa ilalim ng isang maliit na bola na maraming ilaw. Ang bawat isa ay may kanya-kanyang partner maliban sa'kin, may fiance na kasi ako.

Habang abala ako sa pag-inom ay biglang lumapit sa'kin si Jerome, isa sa mga tropa ko, "P're makisaya ka naman sa'min dun. Napaka-KJ mo talaga kahit kailan." Sabi niya sa'kin. Umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako.

"Alam mo p're, okay lang naman magsaya paminsan-minsan eh. Wala namang mawawala kahit na anong gawin mo dito ngayong gabi. Hindi naman malalaman ni Kathy na sumama ka sa'min kasi ang alam niya ay may midnight meeting ka ngayon." Pabulong niyang sabi sa'kin.

Nagulat ako at nanlaki ang mata ko nang marinig ko 'yon. "Bakit niyo naman sinabi 'yun kay Kathy? Pagmumukhain niyo pang tanga ang fiance ko eh. Tsk." Binaling ko ang tingin ko sa lamesa at kumuha ng isang bote ng alak sabay tinungga ito.

"Eh, ayun ang sabi nila Kris sa'kin eh. Tsaka, okay lang naman siguro 'yun pare. Ngayong gabi lang naman eh." Pagdepensa pa niya.

Hindi na 'ko sumagot at nag-inom na lang. Ano pa bang magagawa ko? Nandito na eh. I-enjoy ko na lang.

Tumayo ako at inayos ang sarili ko. "Ano pang hinihintay mo diyan? Tara na't mag party!" Sigaw ko kay Jerome sabay hinatak na siya papuntang dance floor.

Pagkarating namin ay sumayaw lang kami ng sumayaw hanggang sa mapagod kaming lahat, "Tara mga p're, upo muna tayo." Pag-aya sa'min ni Renzo habang hawak-hawak sa bewang ang kasama niyang babae.

Umupo kaming lahat ng sabay-sabay. "Oy, bakit si Jeff, walang partner?" Tanong ni Ace kila Jerome. Si Ace pala ang ikakasal na dito, para sakanya 'tong stag party na 'to.

Actually, ako rin, malapit ng ikasal. Pero sinabi ko na lang sa kanila na ayokong magkaroon ng stag party para sa'kin.

"Nako, pare, alam mo namang 'yang si Jeff, good boy as always." Sagot ni Jerome na abala naman sa pagkain ngayon.

"Pass muna 'ko diyan, p're. Okay lang naman ako dito." Sagot ko naman na komportableng komportable sa pagkakaupo.

"Tsk. Sige, sabi mo eh." Sabi niya na may pagtatampo sa boses.

Hindi na 'ko sumagot at pinagpatuloy na lang namin ang pag-iinom.

Kinuha ko ang cellphone ko kasi naramdaman kong nag-vibrate ito. Pag tingin ko, nag text si Kathy.

"Hon, kumain ka na ba diyan, ha? Late na oh. 'Wag kang magpapakapagod masyado ah? Uwi agad pagtapos ng meeting. Ingat sa pagdrive pauwi. I love you."

Napangiti na lang ako pagkabasa ko nun. Ang sweet talaga ng fiance ko kahit kailan. Kaya mahal na mahal ko 'yun, eh.

Nilagay ko na ulit ang cellphone sa bulsa ko. Hindi na 'ko nag reply, baka makahalata pa eh.

"P're, wala pa ba kayong balak magkaanak ni Kathy?" Napatingin ako sa nagsalitang si Zed, "Wala pa p're, ang balak namin ay pagkatapos na ng kasal namin." Sagot ko.

"Ahh.." 'Yan na lang ang nasabi niya. Pagkatapos nun ay wala ng nagsalita pa ulit. Medyo nakainom na rin kasi kaming lahat.

Pinagpatuloy na lang namin ang pagiinom. 'Yung mga babae tuloy lang sa pagsasayaw sa taas ng lamesa na tila akala mo nasa isang bar kami.

Forbidden Lust (Restricted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon