Taong 1993, nang maging isa sa pinaka-kilalang eskuwelahan sa bayan ng Aritao ang Aritao National High School, o mas kilala sa pangalan na ANHS. Mayroon itong labin-dalawang silid at mahigit pitong daang estudyante. Isa itong pampublikong paaralan na bukas sa lahat ng mga mamamayan ng Aritao at maging ng ibang bayan.
Nagising si John, isang panibagong estudyante ng ANHS, at bagong lipat sa bayan ng Aritao. Bumangon siya't naghanda para sa kaniyang unang klase sa paaralan ngayong araw ng Huwebes. Nanggaling siya sa isang pribadong paaralan ngunit dahil sa kakulangan sa pinansyal, inilipat siya ng kaniyang mga magulang. Labis niya itong pinaghandaan sapagkat sa kaniyang pananaw, ito na ang tamang pagkakataon upang siya'y makatuklas ng ibat-ibang bagay sa kaniyang sarili, maging sa kaniyang paligid.
Napasulyap siya sa kanilang orasan at halos manlaki ang mga mata nang makitang alas-siyete na pala.
"Late na ako!" tarantang bulalas niya at dali-dali nang nagpaalam sa kaniyang ina bago lumabas.
Sakto namang may dumaang tricycle kaya agad na niya itong pinara.
"Manong, para po!" usal niya at mabilis na bumaba.
Agad siyang tumungo sa isang matarik na daan kung saan may kasabay din siyang kapwa niya estudyante. Nag-angat siya ng tingin at napangiti nang namataan niya ang kaniyang matalik na kaibigan simula pa elementarya na si James.
"Huy James! Kumusta na!" masayang bati niya at nilapitan ito upang yakapin.
"Ayos naman! Grabe! Ilang taon na tayong hindi nagkikita. Ikaw pala ang bagong estudyante rito, lika at ituro ko sa'yo ang ating silid!" naka-ngiting tugon ni James.
Makikita sa mukha ng dalawa ang saya na makitang muli ang isa't-isa. Kung kaya't habang naglalakad ay dikit na dikit sila.
At gaya nga ng sinabi ni James, kaniyang sinamahan si John sa paglilibot sa buong paaralan. Pagkatapos nilang maglibot ay saktong nagsimula na rin ang kanilang klase.
Agad silang pumasok at kaniya na ngang ipinakilala ang kaniyang sarili.
Hindi tumagal ay nagsimula na nga ang kanilang aralin. Masayang-masaya si John na may bagong natututunan kung kaya't ganado siya buong klase. Tumunog na ang kampana kaya dali-dali na nilang inayos ang kanilang mga gamit dahil oras na ng pananghalian.
YOU ARE READING
Ang Tinatagong Bodega Ng ANHS
HorrorAng paglipat ng paaralang malayo sa iyong puso ay mahirap, lalo na kung ibang-iba ang simoy ng kapaligiran nito. Maaaring mapagkukuhanan ng aral, o makakapagtuklas ng hindi inaasahang mga misteryo. -- Ang kwentong ito ay ginawa ng Eridanusians 2022...
