Chapter 4
Attentive
"Ice cream ba?" tanong ni Kade bago kami pumasok sa loob ng 7/11. Tumango lang ako sa kaniya bilang sagot.
Naghiwalay kami para kumuha ako ng iba pang snacks ko habang siya ay dumiretso sa ice cream side. Just the usual snacks of mine for later— chocolates, Piattos, Chuckie and some donuts.
"Okay na?" tanong niya sa tabi ko at pinalagay sa isang basket ang mga dala ko. Naglagay pa ng ibang pagkain sa basket. "Manonood ka mamaya? Movie tayo"
"May series akong gustong simulan, tara mamaya" aya ko.
"Ano pa?" tanong niya sa akin. Umiling ako sa kaniya kaya nagtungo na kami sa counter. Nasanay akong hindi nagbabayad kapag siya naman ang may hawak ng mga pagkaing napili ko kaya hindi na ako nagbaka sakaling magbigay ng pera sa kaniya.
He wouldn't let me anyway.
"Street foods?" aniya. Binigay niya sa akin ang isang ice cream, cookies and cream as my favorite.
Pumwesto kami sa gilid na bahagi ng convenience store at doon kumain. Wala ng mga tables kaya naman parehas kaming nakatayo sa tapat ng shelf ng mga chocolates. Hapon na kaya wala na rin masyadong pumapasok na mga tao.
Binuksan ko ang akin at nagsimula na kaming kainin iyon.
"Bakit Hershey ang favorite mo?" tanong niya.
Nagkibit balikat ako. "Gusto ko lang"
"Sus. Pakigaya ka lang e, porket 'yan ang binigay ko sayong chocolate noong una tayong nagkita" biro niya pero ayon naman talaga ang totoo.
When my father died, he was there. Offering me a pack of Hershey chocolate to lighten up my mood and it did. His young version is my comfort place.
"Ano naman?"
"The audacity" aniya.
"I will be busy for the the following months" panimula ko matapos ang ilang minutong puro pagkain lang sa ice cream ang inatupag namin.
"Mission?" hula niya agad. Kilalang kilala niya ang bawat galaw ko, mas kilala niya nga yata ako kesa sa sarili ko.
Tumango ako sa kaniya bago nagpatuloy. "This will be a serious one.. I need to attend trainings again and meetings while practicing for the dance troupe"
"Kailan ang simula niyan at kailan ka babalik?" tanong niya bago muling kumain sa ice cream niya. Napatingin ako sa ice cream kong malapit na ring maubos.
"Last week of November as our target will move to France and have a Christmas vacation there... I will be back by the end of December" sagot ko. Katahimikan muli ang namutawi sa pagitan naming dalawa habang nagtutuloy kami sa pagkain.
"Basta hindi ka babalik muling umiiyak dahil nasaktan ka... ayon lang, Quintana"
Habang palubog ang araw ay mas lalo kaming nagtatagal dahil sa kung ano anong pagkain ang binibili namin sa bawat madaraanan. Kwek-kwek, fishball, isaw, at kung ano ano pa.
"Umuwi na tayo!" aya ko kay Kade. Kanina pa kasi siya tumusok nang tumusok ng kung ano anong pagkain sa tabi tabi. Napaka gastusero!
"Wow! Kung makakain akala mo may trabaho" puna ko.
"Hep-hep! Nagtrabaho kaya ako kay Daddy noong bakasyon. Hindi mo lang alam kasi nasa abroad ka, gala ka kasi nang gala" pagbabalik niya sa akin.
YOU ARE READING
Sour Luck of Sexene (Sour Series 4)
RomanceTo get even with her ex-boyfriend, Sexene offered a deal with her bestfriend, Kade. Everything is going smoothly until wind blows differently from the usual.
