Makulit na tumatagos sa maliliit na butas ng straw hat ko ang sinag ng araw. Mainit ang halik ng hangin sa katawan kong pilit inaalo ang aking pawis. Ramdam ko na rin ang maliliit na tubig sa likod ng wayfarer ko. It's misting behind my shades.

"Reel..."

I flinched at the sudden call. Nilingon ko ang entrada at nakita si Aliegher na nakatayo ro'n at tila hinihintay na ako.

"Maaga pa para sa lakad," I pointed out.

Pinatay ko na muna ang gripo bago inayos ang hose sa tabi. Muli ko siyang binalingan. Sumilip pa sa likod niya sa baka sakaling kasama niya si Nanay.

"Nasaan si Nanay?"

"Nasa hotel na. Pinasabay ko kay Gabo para hindi na mapagod sa paglalakad."

Marahan akong tumango. "So that means we'll just walk?"

Tumango si Aliegher at sinipat ang relong pambisig.

"Maghahanda ka pa ba?" sabay gapang ulit ng tingin niya sa akin.

Bumaba ang tingin ko sa suot. My long flowy skirt and crochet bralette top complement the setting. I mean, I don't look scandalous for this errand so...

Ibinalik ko ang tingin sa kanya.

"I'm fine with my look. Isasara ko lang ang pinto, then we are off to go."

Tumango ulit si Aliegher. Tahimik lang akong pinanood na gawin ang lahat ng kailangan kong gawin bago ako hinayaang tumabi sa kanya.

"Will this be a long trail?"

Sa kalagitnaan ng lakad, nagtanong na ako. Hindi naman ako sa nagrereklamo. Gusto ko lang malaman kung ilang minuto pa kami rito sa daan.

"Mga limang minuto pa. Pagod ka na ba? O gusto mong tumigil na muna?"

"No, it's fine. Tumuloy nalang tayo sa lakad. Baka naghihintay na rin si Nanay."

Napalingon ako sa malapit na kapatagang nadaanan namin. I can see horses from here. May naalala tuloy ako saglit.

"I just wonder why we didn't get a horse for this," baling ko ulit kay Aliegher.

Nilingon niya ako saglit.

"This trail has the most beautiful view of Primavera's sceneries. You might want to capture some."

"How did you assume that I might be interested in taking pictures?" tanong ko, namamangha.

"Pansin kong madalas kang kumuha ng litrato. Palihim mo pang kinukunan si Nanay," aniya.

Namilog ang mga mata ko. Uminit din ng kaonti ang mga pisngi dahil sa biglang pagpupunto no'n ni Aliegher.

I nodded understandingly. Sa kagustuhan kong makawala sa kaonting hiya, dinala ko ang tingin sa kung saan. When Aliegher said that we got the most beautiful view of Primavera here, I would not want to oppose.

"So you noticed?" balik ko sa usapang ilang sandali ring nabitin sa ere.

Naglabas ako ng cellphone para kumuha ng ilang litrato. Now I regretted a bit that I sold my camera. Maganda naman ang kuha ng cellphone ko pero mas maganda at mas detalyado kung iyong camera ang gamit ko.

"Oo. Para saan ang mga kuha mo kay Nanay?" tanong niya pero may hinala akong alam niya kung para kanino ang mga kuha ko.

I clicked to capture the mini falls along the road. Saglit kong ibinaba ang cellphone para balingan si Aliegher.

"Para kay Lolo," I was honest.

Saglit kaming nagkatinginan. Ako nga lang din ang unang nag-iwas para kumuha ulit ng litrato.

Hold Me Into FadingWhere stories live. Discover now