Kabanata 28 - Last night to remember

Começar do início
                                    

Kung siya ang tatanungin ay ayaw na sana niya ng ganitong celebration pa because its useless din naman. Ang tanging mahalaga lang naman kasi sa kaniya ay maganap ang kasal para mapanatag na siya.

Hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagtango-tango ni Erickson habang pinapakinggan ang kung anong sinasabi ng kaibigan dito.

Dinampot niya ang bote ng Black label na nakapatong sa mesa at nagsalin siya ng alak sa sariling baso. Wala naman siyang planong magpakalasing lalo at bukas na ang kasal.
Paraan na rin marahil ito ng dalawang kaibigan para maka-bonding nila si Erickson na bukod kay Angelzy ay isa rin ito sa may napakalaking naging parte sa bawat detalye ng kasal.

Noong una ay aaminin niyang naging banta talaga sa kaniya si Erickson sa muling pagbabalik nito at pagpasok muli sa buhay ni Angelzy, pero totoo nga ang kasabihan na ang lahat ay may dahilan. Kung bakit ang umaalis ay bumabalik.

Ang kasal bukas ang siyang sagot sa lahat. Hindi niya naiwasang isipin ang dalaga at balikan ang napakasayang bonding moment nila kasama si Shemay. Tiniyak niyang sa bawat sandaling magkakasama silang tatlo ay ganap niyang naipadama sa bata ang pagkakaroon ng buong pamilya rito na siya naman talagang intensiyon niya for the last time.

Alam niya na hindi maglalaon ay matutupad din ng batang si Shemay ang isa sa mga pangarap nito. Ang magkaroon ng buong pamilya na matatawag at tanging si Angelzy lang makakagawa ng ganoon para matupad iyon. Isang ama na magsisisilbing katuwang ng dalaga sa pagpapalaki kay Shemay at magmamahal din rito bilang isang tunay na anak.

Katok buhat sa pinto ang tumawag bigla ng kaniyang atensiyon. Mabilis naman tumayo si Ritchmond para tunguhin iyon.

"Hayan na siguro ang hinihintay natin na magbibigay init sa groom," excited na turan nito sa kanila.

Nang binuksan ni Ritchmond ang pintuan ay bumungad dito ang isang babae.

"Please come in. Kanina pa kami naghihintay sa pagdating mo," anito sa babae.

Isang makahulugang tingin lamang ang ibinigay ng babae kay Ritchmond tsaka bahagyang tumango bago sumunod kay dito sa loob.

"Heto na siya, tsaraaannn!!!"

Pare-parehong natuon ang paningin ni Dylan, Erickson at Aidemiell sa katabing babae ni Ritchmnond.

Sa pagkakatingin ng tatlo, tanging si Aidemiell lamang ang malalim ang pagkakatingin sa babaeng dumating.
Hinagod ni Aidemiell ng tingin ang kabuuang katawan ng babae mula sa sapatos na suot nito na stellietto shoes na may taas na takong na five inchess marahil. Pagdating naman sa pananamit nito ay naka suot ito ng maikling-maikling red mini-skirt na halos kita na ang undwerware na suot. Tinernuhan iyon ng isang tube style na red din sa pang-itaas na tanging ang mga dibdib lang nito ang natatakpan.

Kakapirangot na mga saplot sa katawan na tinitiyak niyang madali lang mahuhubad kung gusgustuhin may ibang maganap. Ang hubog ng katawan nito ay nagsusumigaw sa pagmamalaki dahil sa perpektong kurba niyon.

}Katawang may nagpaalala kay Aidemiell nang gumawi ang kaniyang paningin sa mukha nitong may takip na tela na tanging mata lang ang nakalitaw. At nang magtama ang kanilang paningin agad nitong inalis iyon sa kaniya at ibinaling ang paningin sa katabi nyang si Erickson. Isang bagay ang kaniyang napatunayan.

"Damn it!" mahina niyang nausal.
Naningkit bigla ang mata ni Aidemiell at sa pagpasok ng ediya sa kaniyang isipan ay tila gusto niyang sugurin ng suntok si Ritchmond na may nakalolokong ngiti na nakapaskil sa labi.

Meanwhile, isang pagtataka ang bumalot sa mga mata ng babae ng makita ang isang lalaki na nabibilang sa tatlong pares ng mga matang nakatingin sa kaniyang harapan. Nang salubungin nito ang kaniyang tingin matapos alisin ang tingin kay Aidemiell.

Angelzy, You're Mine Forever - Old Maid Series 3 (COMPLETED) Onde histórias criam vida. Descubra agora