Kabanata 26 - The wedding dress

Magsimula sa umpisa
                                    

    Kailangan din niyang ipakita sa binata na kaya niyang gawin ang mga nais nito. Alam naman niya kasi na paraan na rin iyon talaga nito na pasakitan siya. Puwes, kung iyon lang ang paraan nito para ipadama sa kaniya ang sakit na naidulot niya dito gagawin niya.

    Pipilitin niyang matapos ang lahat sa lalong madaling panahon para makapag-umpisa na siya ng panibagong buhay na tatahakin kasama si Shemay. Si Shemay na lang ang gagawin niyang mundo wala ng iba.

    Bago pa man tuluyan bumagsak ang luha niya dahil sa bigat na dulot ng mga pangyayari sa kaniyang mga isipin sa loob lang ng ilang araw na mga nagdaan ay hinamig na niya agad ang sarili. Mabilis niyang tinapos ang pagsho-shower. Sinabi ni Aidem na bilisan niya kaya dapat lang na bilisan niya para wala itong maging dahilan pa ng pang-iinis sa kaniya.

    Hinila niya ang bath towel at ipinunas sa basang katawan at pagkatapos ay tsaka ibinalot sa buhok. Hindi na niya ibinalot ang katawan ng bath robe nang magpasiya siya na lumabas ng banyo.

    Dumiretso siya sa kaniyang kabinet at doon ay mabilis na naghagilap ng masusuot. Dinampot niya ang kulay itim na panty at bra pagkatapos isuot iyon ay sunod siyang namili ng susuotin na magiging komportable siya. Pinili niya ang magsuot ng skinny maong pants na hipster style at isang white long sleeve na croptop style.

    Hindi naman sinabi ni Aidem sa kaniya ang kung saan sila pupunta kaya ganoon ang naisip niyang isuot. Na-satisfied naman siya sa kaniyang suot ng mapagmasdan ang kaniyang kabuoan sa whole body mirror.

    Lumabas ang kurba ng maliit niyang waistline na binagayan pa ng perpektong hugis din ng kaniyang pusod.

    Isang pares na  tim na sapatos na may pagka-plat style ang napili naman niya sa kaniyang paa.

    Nagpahid ng cream sa mukha at bahagyang lipstick. Muling bnistahan ang sarili sa harap ng salamin. Hindi siya ma-make up na babae. Mas gusto niya na natural lang lagi ang dating ng mukha niya. Isa pa dahil morena ang kulay niya at natural na gandang Filipina ang taglay niya. Alam niyang maganda siya sa kabila ng kulay na mayroon siya.

    Maliban sa ganda niya ay nagtataglay din siya ng magandang hubog ng katawan na aminado siyang isa sa kinahuhumalingan sa kaniya ng mga kalalakihan. Kaya kahit hindi siya mestisa tulad ng Yvest na iyon, alam niya na hindi siya pahuhuli rito.

    Nang bigla siyang natigilan at napatitig sa sariling repleksiyon. Ngayon lang siya na-consious sa tanang buhay niya pagdating sa pisikal niyang itsura and worse tila kinokompitesiya niya si Yvest sa bagay na iyon.

     Pagtunog ng message alert tone sa kaniyang cellphone ang tumawag sa kaniyang pansin. Dinampot niya ang handbag niya kung saan naroon ang kaniyang phone para basahin.

    Si Aidem ang nagtext at pinaaalalahanan na naroon pa ito at naghihintay. Pagkabasa sa text messagte ay muli niyang ibinalik iyon sa loob ng bag.

    Samantalang si Aidem na naghihintay sa sasakyan na nainip na sa pagbalik ni Angel kaya naisip niyang i-text na ito. Kapag wala pa rin ay susundan na niya ito sa loob. Huwag lang niya talaga malaman na binaliwala nito ang sinabi niyang may lakad sila ulit.

    Nagbilang siya sa sariling isipan. Bibilang lamang siya hanggang limampu. Nasa tatlumpo na siyang bilang ng matanawan na niya itong papalabas ng pinto ng bahay nito. Bahagyang may sumilay na ngiti sa kaniyang labi nang makita na ito.

    Bakit kahit anong suot ni Angel ay tila ang lakas ng dating ng dalaga sa kaniya. Mahina pa siyang napasipol ng makita ang suot nito.  Kung tutuosin ay napakasimple lang naman ng suot ni Angel pero naroon pa rin ang hot ng inpact ng suot nito. Malayong-malayo ang estilo ng pananamit ni Angel kumpara kay Yvest. Magkaiba sila ng level pagdating sa bagay na iyon.

Angelzy, You're Mine Forever - Old Maid Series 3 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon