Unang gabi nang ika'y aking nakita
Sa pulong ng ating kagawaran sa iglesia
Nakakabighani ang 'yong mga mata
Napaka gandang mga mata ang aking nakikitaKinabukasan nakita nanaman kita
Nakatayo sa isang tabi tila nahihiya
Ako'y natawa, kasi di alm kung bakit ka nahihiya
Sabi nang aking isipan "Ang gwapong binata bat kaya nahihiya?"Ilang araw ang nagdaan pangalan mo'y di ko parin alam
At ang iyong pangalan patuloy ko parin ina-alam
Ano ba ang pangalan tanong sa 'king isipan
hindi masagot sagot ang aking katanunganPang apat na araw na mula nung ikaw ay nakita sa pulong nang kagawaran
Hinahanap padin ang iyong pangalan
Kung sino sino tinitignan na pwedeng pag tanungan
Ngunit ako'y nahihiya kaya't naghintay nalang
Sa pulong nang kapisananSa pulong ng ating kapisanan ay aking nalaman
Pangalan mong napakaganda pakingan
Pangalang may kahirapang bigkasin
Ngunit paulit ulit binibigkas ng aking isipanNgayong alm ko na ang 'yong pangalan
Marami parin ang gustong alamin
May mga katanungan nanaman sa 'king isipan
Tungkol nanaman sayo ginoong napupusuanTanong ng isipan "ilang taon na kaya ito?"
"Anong baitang na kaya ang ginoong ito?"
"Parehas ba kami ng paaralang pinag aaralan?"
Mga katanungang wala pading kasagutanNapaka hirap itanong sakanya
Bat kasi napaka gwapong binata
Bat ba kasi napakaganda ng mga mata
Bat napaka bait na binataUnang beses ay narinig ko ang kanyang tinig
"okay ka lang ba?" ang aking narinig
Kahit ako'y nasaktan nang nalaglag ang aklat
Sa sobrang ganda ng tinig na aking narinig ako'y kiniligTula ng pag hanga sa ginoong iyon
Tulang maraming katanungan
Tulang hindi alam kung ano ang patutunguan
Tula ko na may gusto sa isang binata na di alam ang pagkakakilanlan