1: CAMP D-DAY

14 0 0
                                    

Aaaaaaaaa camp party na! Hello ako si Shaine De Vera, im a college student. Ngayon magaganap ang camping ng College's Students. Excited nako for today's camping. Maraming activities ang gagawin. Ngayon ay naghahanda na ako. Nakatira ako dito sa apartment malapit sa university. Madali lang ako makakapunta sa uni dahil lalakarin ko lang iyon ng limang minuto at nandun nako.

"Hoy Shaine, do you think this camping will be fun?" Tanong sakin ni Carol. Nakasalubong ko sya. At nakisabay na sakin

"Oo, bakit naman hindi magiging masaya to? First time to 'no, treat daw sa College Students hahah." Sagot ko. Naging tahimik na kami at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Kanina pako 3:00 naligo dahil 4:30 ay aalis na ako sa apartment  dahil 5:10 ang alis ng university bus. Balak ko na sa bus nalang kumain, nagbaon ako ng sandwich. Sabi ni Maam Hiyas ay sa likod kami ng university mag hihintayan.

Nasa school na ako at pupunta na sa likod ng uni. Natanaw ko si Hasmin. Sya ang class president namin, childhood bff ko.

"Min! Ikaw nauna dito?" Tanong ni Carol. Since magkasabay kaming pumunta dito

"Hindi, madami na tayo, halos kompleto na nga e. Si Dan nalang yung hinihintay. Sabi malayo daw yung cacamping-an kaya maaga, sakto naman maaga tayo kaya sobrang aga tayo aalis, ok na din daw yun para mahanda natin yung tent then maka pagpahinga saglit." Sabi ni Hasmin.

Ganon? Pa V.I.P talaga yung Dan na yon. Dati kong ex si Dan Rivera. O dati pa yun ha! Nakakainis nga at naging kaklase ko pa yun ngayong college. Alam na ng mga classmate na mag ex kami dahil sinabi ng tropa niyang epal!

Ilang minuto lang ay dumating na yung impakto na pa V.I.P pa. Sumakay na kami sa bus at tabi kami ni Hasmin. Nasa duluhan kami at kamalasmalasan ay nasa harap ko si Dan. Malas naman oh!

"Shet nagugutom nako be." Sabi ni Hasmin Gutom na sya.

"Hindi kaba nag breakfast kanina?" Sabi ko. Umiling naman sya. "Oh yan, dalawa naman sandwich yung binaon ko, sayo na tong isa kahit ako di pa nag bbreakfast e haha." Sabi ko at binigay sakanya ang isang sandwich

(Fastforward)

Nakarating na kami sa camping site. Gubat ito. Siguradong madilim pag gabi kaya lagi kaming handa ni Hasmin. Naayos na din ang kanya kanyang tent. Kapitbahay ko si Hasmin. Tapos sa sobrang malas kapitbahay ko din si Dan. Literal na malapit yung tent nya sa tent ko kaya inaasar kami ng mga kaklase namin.

"Ayiee may mag kacomeback siguro after ng camp na to hahahahah."

Masasampal ko to

"Gago dinikit ni Dan yung tent kay Shaine HAHAHAHAHAHAHHAHA."
Ang iisue niyo?

"Naku po, sweet ex lovers."

"Hoy ang issue niyo! Ikaw kasi pwede ba ilayo mo ng onti yang tent mo? Nakakairita ka ha!" Sabi ko kay Dan. Alam ko naman na nag papapansin yan sakin nakakainis yang hayop na yan eh.

"Hey love, chill." Sabi ni Dan. Machill chill ko yang muka nya eh. Eto namang mga kaklase namin pati si Hasmin ay naki hiyaw na din kaya ayan nakatingin yung ibang section. Nga pala, kami ay Section B, not the highest but, high na yon.

"Tanginamo ma love love ka sakin, umayos ka nga. Dalawang taon na tayong wala uy." Sabi ko sakanya at bigla naman silang natahimik. Pumasok nalang ako sa loob ng tent ko. Na offend ko ba siya? Kaso nakakainis siya eh! Kasalanan nya yan. Tumahimik din kasi siya at iniwan ako ng tingin. Na offend siguro siya? Mag sorry ba ko? Or mag bigay ng peace offering? Hmm. Bahala na.

Truth or Dare (SHORT STORY)Where stories live. Discover now