Chapter 13

72 2 1
                                    


Mainit ang pakiramdam ko ng magising ako.pagmulat ko ng mata ay ang loob ng aking kwarto ang bumungad sa akin.dumapo ang paningin ko sa paa ko na ngayon ay may benda na.masakit parin ito at mejo namamaga pa.

Hula korin ay baka lagnatin ako dahil dito.kumunot ang noo ng makita na may mga prutas sa maliit kong study table.biglang tumunog ang tyan ko kaya agad akong kumuha doon ng isang mansanas.

Patuloy ko lang yun kinain hanggang sa pumasok si mama na may dala dalang sopas.

Nakangiti itong lumapit sa akin.

gising ka na pala.kamusta pakiramdam mo?maayos naman ba?”tanong niya.bahagya naman akong tumango.

opo ma.mejo mainit lang po pakiramdam ko,”sagot ko kaya sinipat sipat niya ang noo ko.

“mainit ka ah.teka lang at kukuhanan kita ng paracetamol.”agad nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at mabilis ko si mama pinigilan.shit!

Takot ako sa gamot!tang'na

“ma!wag na po.gagaling rin naman po ako kahit na hindi ako uminom ng gamot 'e,”kinakabahang aniya ko.sinamaan naman niya ako ng tingin.

“hindi uminom ka para makasigurado tayo.”pagpipilit niya parin.

e ma,takot ako sa gamot.”sinabi ko na para hindi na niya ako kulitin pa.pero wrong move dahil mas tumalim ang tingin niya sa akin.

Mama naman e!

aba!Nathalie! hindi ka na bata para matakot sa gamot! 17 ka na at iinom ka ng gamot sa ayaw mo't sa gusto,”galit nitong sermon sa akin na ikinanguso ko na lang.lumabas siyang saglit sa kwarto ko para kumuha ng gamot at tubig na ipaiinom niya sa akin.

Ng makabalik ay pinaubos niya muna sa akin ang sopas bago sapilitang ipalunok yung gamot.halos mangiyak-ngiyak naman ako ng hindi agad tumuloy sa lalamunan ko ito at nalasahan ko agad yung pait.mygoodness!ang pait!

Sinundan ko kaagad iyon ng tubig at mejo pinalobo pa ang magkabilaan kong pisngi bago nilunok at thankfully! I did the great job!chos!

Niligpit na ni mama ang mga pinagkainan ko at pinahiga niya ulit ako.

“congrats pala anak sa pagkapanalo niyo kanina.hayaan mo,sasabihin ko sa papa mo na kumain tayo sa labas para sa celebration, ”aniya ni mama habang haplos haplos nito ang buhok ko.

THE WATSON BROTHERSWo Geschichten leben. Entdecke jetzt