Chapter 3 - Crush

Start from the beginning
                                    

Sobrang busy namin ngayon. Kaliwa't kanan 'yong order na nire-receive ni Glaiza. Iyong ibang order na para sa kanya ay ako na 'yong naglilista. Kahit pangalawang araw ko pa lang sa pagtatrabaho ay madali ko naman agad nakukuha 'yong mga itinuro sa akin ni Glaiza kagabi.

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang malamig at husky na boses na umagaw rin ng pansin ng lahat.

The strands in your eyes that color them wonderful

Stop me and steal my breath

Habang dala ko 'yong notepad na listahan ng mga order ay marahan kong nilingon ang gawi ng stage. Hindi nga ako nagkamali, boses iyon ni Kieran!

And emeralds from mountains thrust towards the sky

Never revealing their depth.

His voice is like an oasis in a desert. It is your refuge from the drought. Iyong kahit anong panget ng araw mo kapag maririnig mo 'yong boses niya parang masasabi mo na ang sarap mabuhay. Sobrang sarap sa pakiramdam.

And I'll be your cryin' shoulder

I'll be love's suicide

And I'll be better when I'm older

I'll be the greatest fan of your life

I used to write fiction stories during my free time at kung magiging character siguro si Kieran sa istoryang sinusulat ko. Siya iyong lead vocalist ng isang banda na pinagkakaguluhan ng mga kababaihan. Sobrang sikat siyang singer at kilala sa buong bansa.

I tried to focus on my work, dahil hindi talaga biro ang dami ng tao ngayong gabi. Hanggang sa mag-alas dose na ay jump pack pa rin ang restobar sa dami ng tao.

Alas dos nang makapagpalit ako ng uniform at maghanda ng umuwi. Naabutan ko sa locker area na busy na nag-uusap sina Stella, Harvey, Kenneth at kasama rin nila ang ka-work mate namin na si Janice.

"Nag-aaway nga!" bulong ni Harvey kay Stella. Pero naging sapat ang lakas ng boses niya para marinig ko iyong sinabi niya.

"Hay! Knowing Kylie Duh! Basta mayaman bibigay 'yan!" si Janice naman sa mataas na tono ng boses.

"Sssh! Hinaan mo nga 'yong boses mo!" pamimigil sa kanya ni Stella. Napansin ko na napalingon silang apat sa akin. Nagkibit-balikat lang ako at abalang binuksan 'yong locker ko.

"Binigay nga raw ni Kylie 'yong number niya roon sa businessman!" si Harvey ulit. Kahit tuloy ayokong makinig sa tsismisan nilang apat ay naging interesante na rin ako sa pinag-uusapan nila. Kung hindi ako nagkakamali ay si Kylie at Kieran 'yong topic nila.

"Alam mo 'yang si Kylie, mataas ang pangarap niyan! Okay nga si Kieran, mabait at sobrang gwapo. Pero may makita lang 'yan na mayaman na kaya siyang iahon sa kahirapan, pustahan tayo! Sa isang pitik lang ng daliri iiwanan niya si Kieran!" utas ni Janice.

"Weh? Baka naman hindi totally iwanan! Pwedeng Spongkey niya lang 'yong businessman, pero kay Kieran pa rin siya uuwi!" si Stella.

"Ayaw n'yo maniwala! Ilang beses na rin siya nahuli ni Kieran noon 'di ba? Sorry na lang talaga si Kieran dahil mahirap lang siya! Mataas ang ambisyon ng girlfriend niya!"

Ilang beses na nag-replay sa utak ko ang sinabing iyon ni Janice. Hindi kasi ako makapaniwala na nagawa na palang lokohin ni Kylie si Kieran noon. Sa tuwing nagpe-perform kasi sila on stage ay mararamdaman mo talaga 'yong kakaibang chemical reaction sa pagitan nilang dalawa. At sa ingay nilang dalawa kagabi sa loob ng unit ni Kylie, for sure na nasa-satisfy nila ang isa't isa sa aspetong pisikal.

Magkasabay kami ni Glaiza na maglakad sa sakayan ng tricycle. Hindi kasi siya sa staff house nakatira. Malapit lang daw rito sa Club DC 'yong bahay ng byenan niya kung saan sila nakatira ng asawa niya. Doon siya sa waiting shed malapit sa terminal sinusundo ng motor ng asawa niya.

Sa di kalayuan ay napansin ko na mag-isang naglalakad si Kieran papuntang sakayan ng tricycle. Nakapagpalit na rin siya ng damit. Nakasuot na siya ngayon ng isang itim na tshirt at dark blue na pantalon. Sumakay siya sa pang-unang tricycle na nakaparada.

"Ingat ka sa pag-uwi, Scarlet!" pagpapaalam sa akin ni Glaiza. Naglakad na siya patungo sa direksyon ng waiting shed.

"Ingat din kayo sa byahe!" tugon ko naman. Dumiretso na ako ng lakad papuntang terminal. Napalingon pa ako sa likuran ko upang makita kung may iba akong makakasabay na pasahero. Biglang lumakas ang pagtambol ng dibdib ko nang makita kong ako lang ang pwedeng sumakay roon sa tricycle kung saan nakaupo si Kieran.

Tig-dalawang tao kasi ang sakay ng tricycle bago ito ipaandar ng driver. Nakaramdam ako ng panlalamig ng katawan nang ma-realize ko na makakasabay ko nga roon sa tricycle si Kieran.

Ilang segundo rin akong nakatayo, nakabalik lang ako sa ulirat ko nang marinig ko ang pagtawag ng driver.

"Hija, sa staff house ka rin ba?" marahang tanong ni Manong. Kaagad akong tumango at kibit-balikat na naupo sa tabi ni Kieran.

Butterflies in my stomach! Nangangatog din ang aking katawan. Jusko ano ba 'tong nararamdaman ko? Makakatabi ko lang naman siya sa loob ng tricycle! Ibig sabihin ba no'n ay crush ko na rin si Kieran?

Meant To BeWhere stories live. Discover now