“Anak, ilang votes na? Nangunguna na ba?” Si mommy na galing sa CR ang nagtatanong.

“Kaunting usog nalang mi, malapit na talaga. I swear, dad will win.”

Sumigla naman ang sistema ni Mommy at dali-daling pumwesto dito sa mesa kung nasaan ang aking laptop nakalapag.

“Wow, 50 votes nalang and your Dad will surpass it!”

“Pinapakaba mo naman ako, eh.” Asik ni Daddy at lumapit sa amin ni Mommy. I can see a quite excitement in his face.

We waited for minutes there and after a while...

“Yes! First ka, Chester!” Halos yakapin na ni Mommy si Dad when we saw how One Step at a Time surpass the first spot.

“Oh my gosh! Finally!” Napatakip ako sa aking bibig.

Lumalakas ang tibok ng aking dibdib dahil sa kabang nararamdaman. Natutuwa ako at at the same time, scared that we might not get the spot. I have been rooting for this one since from the beginning. I did all the things I could think in order for my acquaintances to help vote my Dad's story.

Now that Dad finally got the first spot, ayaw ko pa ring magpakampante. The contest wasn't over yet. Mamaya’t-mamaya ay maaaring mabago ang takbo ng mundo.

Ilang minuto akong nanatili doon sa loob at nang nakaramdam ng pangangalay kakaupo, I decided to leave for a minute and stroll to the mall and find for something I can eat. Nagki-crave kasi ako ng pagkain na wala naman sa fridge.

“Dad, sa labas muna ako saglit. Papahangin lang.” Pagpaaalam ko pa.

“Sige nak, balik ka lang din kaagad, ah.” Tumango ako at mismong pagkasara ko sa pintuan ng opisina ay kumuha agad sa aking atensyon ang dalawang pamilyar na tao sa gilid. Parehong tahimik. I didn't expect Ryden and his mom to be here that's why I almost lost my breath when I saw the both of them. Agad din namang narinig ni Ryden ang aking pagsinghap na siyang dahilan kung bakit lumingon ito sa akin.

We locked our eyes with each other for quite a second before I realized what to do. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at umiwas ng tingin.

”R-Ryden...”

“Hija,” Imbes na si Ryden ay ang mama niya ang sumagot sa akin.

I know the last time we have talked weren't good and I know until now she was still thinking about that meeting. Pero ang kaibahan lang ay parang hindi na nakataas ang kaniyang kilay ngayon. Mas kalmado ito tingnan kesa nung dati.

“Magandang tanghali po, ano pong kailangan niyo?” I asked and greet politely.

“Nariyan ba ang daddy mo? Gusto ko lang sana siyang makausap...”

“Importante po ba? Pwede naman pong sa secretary niya mo nalang po ibilin.”

She sighed. “Hija, alam kong hindi naging maganda ang naging huli nating pag-uusap at gusto ko sanang humingi ng pasensya sa iyo. Alam kong biglaan pero gusto ko na rin kasing mawala ang gulong ito pagitan sa atin. Pati sa mga salitang nasabi ko sa mommy mo. Nadala lang talaga ako sa emosyon ko. I'm sorry, hija. Huwag kang mag-alala, nagpaalam na ako sa daddy at mommy mo. So I expect na narito silang dalawa?”

I was lost in words for a bit. Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. I mean, I just thought that they already buried everything and doesn't mind to ask for apology. After all, it's my parents who caused this chaos. Wala na rin naman kasi akong narinig pa na mga salita tungkol sa kanila and I even almost forgot about Ryden's family. And after months, I've got to see him face-to-face this near. Nanayo ang aking balahibo at para bang may humihila sa akin pabalik sa aming nakaraan.

The Living FictionsWhere stories live. Discover now