1

177 8 1
                                        

Miguel

"Kuya, sasama ka ba ngayon sa Santa Cruz?" bungad saakin ni Mateo, isang sa aming novice dito.

"Anong oras daw ba sila aalis?" pag-uusisa ko.

Kumuha sya ng walis at nagsimulang linisan ang loob ng manukan.

"Alas dies po." sagot nya.

Tumango nalang ako at nagpatuloy sa pangongolekta ng mga itlog. Abala naman siya sa pagdakot ng mga dumi at inilagay sa sako para gawing pataba sa lupa. Ganito dito, lahat pinapakinabangan, maliit man o malaki.

Lumabas muna ako saglit para kumuha ng isa pang tray gawa ng puno na iyong dala ko. Panglima na ito.

"Mukhang masisipag yang mga manok mangitlog ngayon ah? Ibang klase talaga kapag ikaw ang nakatoka dito, Kuya." natatawang sabi saakin ni Ted. Mas matanda ako sa kanya ng dalawang taon kaya Kuya ang tawag nya sa'kin, pabor naman atleast naranasan ko man lang maging Kuya. Kasabayan ko itong pumasok dito noon, 5 years ago.

Oo nga pala. Limang taon na ako dito sa kongregasyon. Masaya ba ako? Oo. Napunan ba yung pagkukulang sa buhay ko? Oo, sumobra pa nga. Nung una, sobrang hirap. Hirap na hirap ako sa adjustments, naroon ng miss na miss ko na yung pamilya ko. Yung maiiyak kana lang sa kwarto mo kapag mag isa kana lang. Halos isang taon na ganoon yung pakiramdam ko. Sabi ng aming formator ay normal lang daw iyon at lahat naman halos ay may pakiramdam nuon pero sa una lang naman. Totoo naman. Nung nasa ikalawang taon na ako ng formation ay napalagay na yung loob ko. Ibayong saya yung naramdaman ko.

"Bakit kapag ako yung nagpapakain sa inyo eh di nyo ako binibigyan ng maraming itlog? May paborito kayo ah?" pagkausap ni Ted sa mga manok na nagputol sa pag-iisip ko. Para syang bata. Nakakatuwa.

Nagsiputakan naman ang mga manok, natawa naman kaming dalawa ni Mateo dahilan para sumimangot lalo si Ted.

"Wag mo kasing tipirin sa pagkain, Ted. Dapat lagi silang busog tsaka dapat lagi ding malinis ang tubig." payo ko sa kanya.

"Ganun ba yun?" tanong nya sa'kin habang naglalagay na din ng mga nakolekta nya sa tray na hawak ko. "Aray!" daing nya ng tukain sya noong manok na kinuhanan nya ng nilililiman na itlog. "Bad!" sabay pitik pa sa ulo nito kaya lumipad ito at nagsimulang mag ingay. Napatawa't napailing na lang ako sa ginawa nya.

"Isa pa yan, kaya ayaw kang bigyan ng maraming itlog kasi sinasaktan mo." sabi ko na ikinaguso nya.

"Eh sila ang nauna e." parang bata nyang sumbong.

Humagalpak naman ng tawa si Mateo na sinabayan na din ni Ted. Magkasundong magkasundo tong dalawang ito, palibhasa mag-sing-edad lang.

"Oyy, Teo. Hinaan mo ang pagtawa mo baka marinig ka ng formator mo, pagagalitan ka noon. Sanctum Silentium, remember?" paalala ni Ted kay Mateo tungkol sa holy silence na rules para sa mga novice. Yun kasi ang way para marinig mo kung tinatawag ka ba talaga sa bokasyong ito. Dapat, limatado ang lumabas sa bibig mo. Gaya nung sinabi saamin ng formator namin noong nasa novitiate pa kami. Kailangan, puso ang pinagsasalita hindi bibig. Hindi naman literal na di kana magsasalita. Iyon bang dapat ay pinakiramdaman mo muna sa puso mo yung mga sasabihin mo. Kung tama o mali. Kung may malalabag o wala.

Tumango nalang si Mateo. Nakakatuwa at masyadong masunurin. Napangiti ako. Lumabas na naman ang pagiging big brother ni Ted. Ganyan sya halos sa lahat ng novice dito, laging nagpapaalala. Di na ako magtataka kung dumating yung panahon na maging novice master sya ng kongregasyon.

Pinagpatuloy na namin yung ginagawa namin. Halos magsasampung tray na itlog ang nakolekta namin. Tapos na rin si Mateo sa paglilinis, di naman talaga dito ang assignment nya e. Kaso maaga silang natapos sa paghuhugas ng pinagkainan ng breakfast kaya tumulong na sya sa'kin. Ganoon ang katangian na hinahanap dito. Dapat, kumikilos kahit di inuutusan. Tumutulong ng walang pag-aalinlangan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 18, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Redemption Where stories live. Discover now