Love Weapon ☆ Part 1

167 2 0
                                    

Nalulong sa sugal si Mr.Miranda kaya nabankrupt ang kabuhayan nila.Pati ang malaking shares nila sa company ay naibenta na niya.Tanging mansion na lamang ang natitira sa kanila ngayon.Nagkautang siya ng malaki kay Liam Delgado ang secret Mafia Lord.Sabi sabi ng nakakarami pumapatay ito ng madaming tao.
"Mr.Miranda kulang pa itong mansion mo sa utang mo sa akin diba.?Ano ba ang pwede mong ibayad sa akin.?"gusto ni Liam na higit pa sa pera ang pambayad ng utang ni Mr.Miranda sa kanya.Since gusto niyang magkaroon ng offspring gusto niya pambayad ng mga ito ang anak nitong babae.
"A-ano ba gusto mo Mr.Delgado ibibigay ko."takot na takot na lumuhod ang mag anak ni Mr.Miranda sa paanan ni Liam ngayon.
"Gusto ko ang anak mo mismo ang pambayad sa utang mo."ani ni Liam na hawak hawak pa isang baril.
"W-willing ako total single naman ako.Buhayin mo lang kami Mr.Delgado."presenta na ni Ruby sa sarili niya.May crush din siya sa lalake kahit pa sobrang nakakatakot ang aura nito.Kaya walang problema iyon sa kanya.
"Hindi ko kelangan ang spoiled brat na kagaya mo.Gusto ko yong isang anak mo Mr.Miranda."ani ni Liam ang tinutukoy ay si Emirald Miranda na nasa ibang bansa ngayon.
"Si Emmie namin Mr.Delgado masyado iyong maldita kumpara kay Ruby.Tiyak di iyon papayag sa gusto mong mangyari.Cardo bakit ka ba utang ng utang.Sa tingin mo ba papayag si Emmie pambayad lang ng utang mo.?"umiiyak si Esmiralda ngayon ayaw niyang masali sa gulo ang panganay nilang anak na naninirahan ngayon sa Spain.
"Mr.Delgado single Mom na si ate Emmie.Ako na lang asawahin mo single pa ako."pamimilit ni Ruby sa sarili.
"Really mas ok iyon may instant na anak na ako."excited si Liam makilala si Emirald ng personal.Information lang nakalap niya single Mom nga ito at may anak na 4 yrs old na lalake.Nakita lang ni Liam sa picture ito at napukaw ang interes niya sa babae.
"Esmeralda kesa mamatay tayo pauwiin mo na si Emmie dito sa Pinas.Tawagan mo ngayon din dali na."nanginginig inabot ni Cardo ang celpon sa asawa.
"Paki loud speaker makikinig ako."naupo si Liam excited makilatis ang ugali ni Emirald Miranda.
"S-sige po Mr.Delgado."nagdial si Esmeralda at sinagot naman agad ni Emirald iyon.
"Mommy bakit kayo umiiyak kelangan na naman ba ng pera ni Daddy.?Mommy  dapat ikaw na lang magtago sa pera na pinapadala ko.Hiwalayan mo na ang panot na iyan wala ng silbi kamo."malditang saad ni Emirald at natawa si Liam dahil tinawag na panot ang sariling ama nito.
"A-anak may malaking utang pa pala ang Daddy mo.At gusto ni Mr.Delgado na  asawahin ka.Yon daw ang gusto niyang pambayad."umiiyak na ani ni Esmeralda.
"What.?Si Ruby available naman bakit ako.?Mommy are you kidding me.?"maang na tanong ni Emirald.
"Nope Im not."hinawakan na ni Liam ang celpon at video call na iyon.
"Daddy Mommy siya ang Daddy ko diba.?"masayang bungad ng isang bata sa screen ng celpon.
"Hoy bulinggit lahat ng mga lalake ba tatawagin mo na Daddy.?Hindi iyan ang Daddy mo bata ka.Mr.Delgado nakita mo na single Mom na ako.Si Ruby Miranda na lang asawahin mo.Para may pakinabang naman sa mundo.Bakit ako pa ha lalake.?"mataray na ani ni Emirald kay Liam.
"Coz I like you."deretsahang saad ni Liam at di niya akalain na mapapangiti siya sa ugali ni Emirald Miranda.Maldita nga ito at matapang na babae.
"I like you too my Daddy soon.Mommy kesa mamatay ang panot kong lolo.Asawahin mo na ang Daddy ko."makulit na ani ng isang bata na uhaw sa kalinga ng isang ama.
"Tse bakit kay daldal mo na bata ka.?Kalalaki mong tao sumasabat ka sa usapan ng matatanda."hinihila ni Emirald ang ilong ng cute na anak.
"Girl lang ba ang pwede maging madaldal Mommy.?Lolo at lola dont worry magbooked na kami ng flight ni Mommy ko now na.Daddy ko wait for us then."kumakaway pa ang batang lalaki kay Liam.
"Eric stop it bakit ka ba nangingialam sa problema ng matatanda."pinipigilan ni Emirald na wag magbooked ng ticket ang matalino niyang anak na 4 yrs old pa lang.
"Mommy since naghahanap ako ng Daddy.Pumayag ka na kesa naman di natin marescue si lolo at lola diba.?Di naman mahirap ang request ng Daddy ko soon right.?"my point si Eric kung tutuusin.
"Mommy uuwi kami baka mamatay na ako sa kunsumisyon pati sa bulinggit na ito.Mana sa lolo niyang stress lang dala sa pamilya natin."suko na si Emirald sa kakulitan ng anak.
"Excuse me Mommy wala akong utang.Di kami magkatulad ni lolo ko."reklamo pa ni Eric na kinatawa nina Liam.
Nakikinita ni Liam na magiging exciting ang buhay niya kung maikasal sila ni Emirald.Sobrang makulit at matalino ang anak nito.At isa pa naghahanap pala ito ng ama.Tulad niya lumaki din walang amang nagisnan.Ang alam niya nasa ibang pugad ang ama niya.Iniwan ang Mama niya sa ere.Kaya sobrang lungkot ng buhay nila.Naging parang bakal ang puso niya dahil sa mga nararanasan nila ng kanyang Ina noon.Ito siya ngayon isang secret Mafia Lord na.Makapangyarihan kumbaga at magagawa niya pati buhay ni Emirald Miranda aangkinin niya.Balita din niya isa itong doktora.Kaya mas may pakinabang ito kesa sa kapatid nitong si Ruby Miranda na asa lang sa magulang until daw now.
"Bosing napatawa ka ng magiging madam namin kanina.Sa tingin namin matutuwa pati si Madam Rosalinda sa magiging misis mo soon.At sobra makulit yong bata.Bosing sana pumayag yong doktora maikasal kayo.Kasi kelangan mo din gumaan ang aura paminsan minsan."ani ng right hand ni Liam na si Carlito.
"Carlito bakit sobrang daldal mo.Timplahan mo ako ng kape para may trabaho ka ngayon."ang totoo excited talaga si Liam makita sa personal si Emirald Miranda.At sisiguraduhin niyang maikakasal sila sa lalong madaling panahon.Gusto din niyang bigyan ng ama ang anak nito.Halatang tulad niya uhaw sa kalinga ng isang ama.Lately nagreach out ama niya sa kanya.Siguro dahil matayog na ang status niya sa buhay ngayon.May nirereto pa ito sa kanya.Pero di iyon gusto ng Mama niya mismo.Liam hoping na magustuhan ng Ina niya si Emirald kahit single Mom na ito.
Walang nagawa si Emirald kundi ang umuwi sa bansang Pinas.Dahil gusto niya isalba lang ang Mommy niya.Wala siyang pakialam sa ama at kapatid niya.Ang Mommy lang niya ang kelangan niyang maisalba ngayon.
"Buti umuwi ka nakakatakot man si Liam Delgado pero gusto ko maging Mrs.Delgado ako.Pipilitin ko siyang ako ang piliin niya kesa sayo ate Emmie."puno ng kompyansang salubong ni Ruby kina Emirald.
"I dont even care sa opinion mo hitad na babae.Isasalba ko lang ang Mommy ko.Mommy pupunta tayo sa Spain.Hayaan mo na ang panot na iyan na mamatay dito.!"inis na yaya ni Emirald sa Ina na tumakas papunta Spain at wag ng bumalik pa sa Pinas.
"Anak di ko maatim na iwan ang Daddy at kapatid mo sa kalagayan natin ngayon.Please Emmie isalba mo ang Daddy mo.Nagmamakaawa ako sayo anak."impit na hagulgol ni Esmeralda sa harapan ng butihing anak niya.
"Di ko lubos maisip kung bakit nagmahal ka Mommy ng isang gagu.Ayan nagpresenta na si Ruby sa sarili niya.Ano pa ba ang hinahanap ng Liam Delgado na iyon.?Di naman baog yata si Ruby kung gusto niya ng anak diba.?"bumuntonghininga na lamang si Emirald at nagpasyang haharapin si Liam Delgado ngayon din.Pumunta siya kasama ng anak niya sa mansion ng mga Delgado.Sumalubong sa kanila yong dalawang malaking aso.
"Oh my god bulinggit takbo na tayo.Baka lapain tayo niyan.!"takot na takot si Emirald sa mga aso ni Liam at patakbong hila hila sana si Eric.Pero dilaan lang sa pisngi ang anak niya.Siya nabunggo sa isang malapad na dibdib.Sa takot lumambitin na si Emirald sa isang lalaki na di niya kilala.
"Hey Mommy di sila bad na dog."himas himas na ni Eric ang dalawang aso.Mahilig ito sa aso may alaga sila kaso yong maliit lang na aso di iyong malaki.
"Come here baka magkarabist ka."nagpakarga na si Emiralad kay Liam mismo.
"You are Emirald right.?So you hate dogs.?"malumanay na tanong ni Liam narerelax siya sa mabangong amoy nito.
"Nope takot lang ako sa malalaking aso.Please wag mo akong ibaba.Ok lang mamatay ako sa utang wag lang ako lapain ng mga aso na iyan."mahigpit na yumakap pa si Emirald sa leeg ni Liam.
"Carlito ilayo mo muna ang mga aso.Takot ang misis ko sa kanila."utos ni Liam sa right hand niya.At kumindat pa ito sa kanya.Marahil magiging exciting ang buhay niya simula ngayon.He like her pa ngayong nayakap niya ito sa first meeting niya.Genuine ang ugali ni Emirald pala taliwas sa mga babaeng nakakasalamuha niya sa alta syudad.Sigurado na siya na si Emirald na ang gusto niyang iharap sa altar.

Love WeaponWhere stories live. Discover now