Nang makarating kami ng D.O pagkatapos ng anim na minuto ay tiningnan ko si Ethan na ngayon ay nakatingin din sa akin na may pagtataka. Tinaasan ko siya ng tingin.

“What?” nagtatakang tanong niya sa akin.

Tinuro ko ang pintuan ng D.O. “Pumasok ka na. Dito lang ako maghihintay,” sabi ko.

Ngumunot ang noo niya. “No. Samahan mo ako.” Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Bago pa man ako makapagtanggi ay hinila na niya ako bago binuksan ang pintuan at pumasok. Wala na akong magawa kung hindi magpahila na lamang.

Bumungad sa amin ang mga gamit sa loob. Nakita namin si Dean Mary na nakaupo sa swivel chair niya habang may tina-type sa laptop sa harapan niya. Napaangat lang siya nang tingin nang makapasok kami.

Ngumiti siya sa amin. “Yes? You need something?” tanong niya bago ako tiningnan. “Oh, Miss. President.”

“President?! Sino? Ikaw?!” gulat na tanong ni Ethan habang nakaturo sa akin ang hintuturo. Sobrang laki ng mata niya. Ang OA.

Tinapuan ko siya ng tingin bago tumayo ng tuwid saka tiningnan ang Dean. “Yes, Dean. Uh, my cousin here who enrolled last week wants to get his schedule.” Seryoso kong sabi pero may galang iyon. I know how to respect. Slight nga lang.

Nakita kong nabigla siya. “Ah, yes! Wait…” nataranta niyang kinuha ang schedule ni Ethan sa tabi ng laptop niya. She handed it to him. “Here. All of your schedule are already written on the paper. Welcome to the Academy,” nakangiting sabi niya.

Naglakad si Ethan papalapit sa kaniya bago kinuha ang papel. “Salamat, po,” pagpapasalamat niya.

“Okay. Can we go outside na?” naiinip kong paalam kay Dean.

Narinig kong tumawa ito na tila sanay na sanay sa aking ugali. “Okay. You may now go out.”

Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni Ethan at basta-basta na lamang lumabas. Naghintay ako sa ng isang minuto bago bumukas ulit ang pintuan at lumabas si Ethan doon habang nakangiti. Nakatingin siya sa kaniyang schedule at saka tumingin sa akin.

“SSG President ka pala rito, Lavander. Angas, ah. May awtoridad. So, paano ka naging SSG president, eh, ganiyan ang ugali mo? No offense, ah?” natatawang ani niya dahilang para umirap ako sa kaniya. No offense pala, ah? Eh, offensive iyang sinasabi niya! Ang sarap niyang biwasan.

“Eh, ano naman ngayon? Malay ko bang isinali ako ng kapatid ko sa participants at wala akong nagawa dahil bawal mag-back out. At malay ko bang kinunsinte ng kapatid ko ang halos estudyante rito sa school para i-boto ako. Hindi ko naman gusto itong posisyon ko!” singhal ko sa kaniya.

Mangha niya akong tiningnan. “Ginawa niya iyon? Wow. Ang talino ni Lucas.” At tumawa siya ng malakas.

Inirapan ko siya. “Whatever. Anyways, what building? Course?” tanong ko dahilan para mapahinto siya sa pagtawa.

“Ahehe.” Kumunot ang noo ko nang nahihiya siyang tumingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. “Pareho ng sa iyo. Tourism Management,” sabi niya sabay kamot sa ilong.

“What?!” sigaw ko sa kaniya dahilan sa gulat.

“What? What am I going to choose? Tapos na ako mag-aral at the young age because of my career. Seventeen pa nga ako ay tapos na ako. Business Ad kinuha ko,” natarantang paliwang siya. “At saka kaya lang naman ako nag-aral ulit kasi ang boring sa mansyon niyo at wala akong photoshoot at project for three months kasi on rest ako! And what do you want me to take? Engineering? Pilot? Doctor? No! Since tapos na ako mag-aral, I want to be with you,” pagpatuloy niya nang makita niya akong masama ang tingin sa kaniya. Kung pwede ikamatay iyon at patay na talaga siya.

Unknown Connection (Completed).Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon