Chapter 13.

Depuis le début
                                    

Natatawa akong nagsimulang kumain. She’s cute.

“Oh? Yeron? Bakit nakatayo ka riyan? May sasabihin ka?” lahat kami napatingin sa lalaking nakatayo sa gilid ng aming lamesa.

Kumunot ang noo ko dahil roon. Nakatayo kasi siya roon habang seryoso kaming tinitingnan isa-isa habang nakakunot-noo. Tila may hinahanap siya. Don't tell me si Ate ang hinahanap niya?

“Kulang ho kayo,” magalang na sagot nito habang seryosong nakatingin sa pwesto ni Ate na ngayon ay wala ng nakaupo. Tumaas ang kilay ko. Sinasabi ko na nga ba!

Anong kailangan nito sa Ate ko? Alam kong gwapo siya ngunit mas gwapo ako sa kaniya. Alam kong hindi magkakagusto si Ate sa kaniya. Well, hindi ako sigurado roon. ‘Wag niyang sabihin may gusto siya sa Ate ko kaya niya ito hinahanap? Aba, hindi pwede!

“Ano naman sa ‘yo kung kulang kami? Ano bang pake mo?” matalim na tingin ang binigay ko sa kaniya habang sinasabi iyon dahilan para mapatingin siya sa akin.

“Lucas,” bantang sabi ni Tito ngunit hindi ko siya pinansin at nakipagsukatan ng tingin sa lalaking pakialamero na ‘to.

Nag-iwas siya ng tingin saka nilampas ang table namin habang kinakalas ang apron na suot niya. Itinapon niya iyon kung saan at mabilis na lumabas. Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa makarating siya sa parteng walang mga tao.

“Hoo! Kaaway mo ba iyon, Lucas? You two are staring like you will going to fight.” napatingin ako kay Ethan nang sabihin niya iyon.

“Hindi ko iyon kaaway. May nararamdaman lang akong mali sa lalaking iyon.” Sabi ko kaya napa-oohh siya.

Nagpatuloy ako sa pagkain at hindi na iniisip iyong lalaking iyon.

“No! Don't! I’m a vampire for pete's sak—ah!”

Napatayo ako nang marinig ang boses na iyon. Hindi ako nagkakamali, si Lavander iyon. I know her voice very well.

“Sh*t!” nakita kong napatayo na rin ang mga kasama ko. Alam kong narinig din nila iyon.

Hindi na ako naghintay na may lalabas sa amin dahil tumakbo ako ng mabilis palabas ng restaurant. Hindi ko ginamit ang abilidad ko dahil nasa labas kami. Baka ano pang sabihin ng mga taong napapatingin sa akin ngayon dahil sa bilis ng takbo ko. Hindi ko na sila pinagtuonan ng pansin. Alam kong nakasunod na sa akin ang aking mga kasama. Hindi ko sila nilingon pa at nagpatuloy sa pagtakbo.

Hindi pa man kami nakarating sa pinanggalingan ng boses ni Lavander ay may narinig kaming kumalabog sa isang eskinita at sigaw ng hindi kilalang boses. Sabay-sabay kaming napamura at mabilis na tumakbo papunta roon. Nang makarating ay napahinto ako agad ako sa aking nakita. Muntik pa akong madapa nang napahinto rin ang mga kasama ko sa aking likuran dahil nabunggo nila ako. Gusto kong samaan sila ng tingin ngunit hindi ko maalis ang tingin ko sa aking nakikita ngayon.

May isang lalaking nakatalikod sa amin habang may buhat-buhat na isang babae. May isang babae ring nakahandusay sa semento at nanginginig na tila kinukuryente. Nagulat akong may lumitaw na dalawang bampirang may kakaibang kulay na mata. It’s red with black. Kakaiba ang amoy ng dugo nila. Nasa vampire form sila. Ang kanilang mga bibig ay may sariwang dugo ng tao. Nang ma-realize iyon ay natuod ako sa aking kinatatayuan. T-They… they killed humans.

Ramdam ko ring natuod sa kinatatayuan ang mga kasama ko dahil walang kumilos sa kanila. Narinig ko ang pagmura ni Tito Knox at Tita Shantelle.

Mabilis na sumugod ang dalawa sa lalaki. Ngunit noong makalapit na sila rito ay bigla na lamang silang tumilapon nang may kung anong itim na mahikang tumama sa kanila. Walang ginawa ang lalaki at nanatiling nakatayo. Anong nangyayari?

Unknown Connection (Completed).Où les histoires vivent. Découvrez maintenant