1. JADƎ

17 0 0
                                    

Masasayang mga araw na kasama kita
Paglalambing at kulit mo na hindi nakakasawa
Punong-puno ng ligaya ng ika'y aming nakasama
Na parang wala nang sisira ng lahat

Bakit pa dumating ang oras na ito?
Napakasakit na wala ka na

Hindi ba't sinabi mo hindi mo ko iiwan?
nang mangusap mga mata mo'ng may luha na
Hindi ka pababayaan sayo'ng pagiisa
Hindi ba't sabi ko kasabay ka sa'ming pagtanda?
sambit noon sa'kin loob
Bakit bigla ka na lang nandiyan sa kabilang buhay?

Paano ko pa nga ba sisimulan 'to'ng bukas at ngayon
Kung sinira na ng 'sang kahapon 'to
Ngayon at wala ka na 'sang bakas ka nalang gaya nila sa puso ko
Tila 'sang sakit na dinanas mo na sa'kin wala ng kalunasan 'to
Hindi ko man lang napigilan gaya sa mga pangitain ko
Lumayo na gaya ng pag-asang inaasahan
Sinabi ko't pinangako na sayo'ng paggaling ika'y muli aalagaan
Magmimistula nalang na panahon na kay sakit at ayaw na papagusapan
Biglaan ang 'yong pagtahimik kaya't nagmistula palaisipan 'yun pala 'kay may sakit
Nang mga bagay-bagay kung paano ako sa'yo maglambing at kung paano ka mainis sa akin
Hindi ko nga inaasahan nguni't mas malapit 'yon sa'kin mga pagdaing ang paginam pagbuti na ng 'yong kalagayan
Nguni't sa isang iglap sa isang kisap mata iniwan mo kami
Para ako'ng nasa isang madilim na sulok nagmumukmok sa tabi
Ang tadhana muli sa'kin nagbiro at ikaw ang itinakda ng kapalaran at s'yang nilaro
Na noo'y akala wala ng wakas
At lilisanin mo na nga ito'ng nakasanayan mo'ng landas
At makita'ng lumuluha habang hininga mo'y unti-unti napupugto
'Yun na ang simula at sa huli sayo'y
magwawakas
Gumuho ang mundo ko 'pagkat wala ka'na ikaw ang kasiyahan namin ngayo'y sampu na ng kalungkutan namin
Oo at kahit pusa ka sa'kin sa'min mistula ka'ng anak at kapatid nila 'pagkat ganu'n ka namin minahal
Ngayon wala ka'na
parang lahat ay balewala na
Ni nawalan na rin ako ng gana
Para sa'n pa ang lahat ng 'to
Kinuha ka na sa'min ng Maykapal

Hindi ba't sinabi mo hindi mo ko iiwan?
nang mangusap mga mata mo'ng may luha na
Hindi ka pababayaan sayo'ng pagiisa
Hindi ba't sabi ko kasabay ka saming pagtanda?
sambit noon sa'kin loob
Bakit bigla ka na lang nandiyan sa kabilang buhay?

Kanina pala sa paggising ko tinatawag pa kita hinahanap-hanap ayaw ko maniwala na wala ka'na
Sana nga 'di ito totoo at panaginip 'to
panaginip man bangungot nga sa'kin 'to ayos lang para makasama na sa pamamahinga mo
Nabahiran na ng lungkot ang masaya namin mga mata tila muling nilamon ako ng karimlan na parang nagiisa
Sa sakit na sa kalungkutan saki'y magdadala
Hanggang ngayon 'di ako makapaniwala sa kalooban
ito ang katotohanan na kayhirap matanggap
At ngayon na tinitignan ko'ng mga larawan mo muli't-muli lamang pumapatak ang mga luha ko
Sinasambit paulit-ulit Jade na pangalan mo
Kusang bumabalik sa'kin lahat ng mga ala-ala mo
Nang mga araw na ikaw kayo ay nakita sa daan sa pasilyo mistula inyong tahanan hanggang sa kinupkop ka tinuring kayo isa sa'min welcome tuloy sa'min munting tahanan
Masakit nga lang balikan dahil 'yon ang masakit na katotohanan ni isa na sa inyo wala na sa piling ko sa damdamin kaysakit tanggapin nito
Kung sana pede ibalik kahit na 'sang saglit ito'ng nakaraan
dalangin ko please turn back the hands of time naman
Hindi na panandalian kundi ng 'sang wala ng hangganan
Nguni't at huli na ang lahat wala ng patid ang bawat pagiyak

Hindi ba't sinabi mo hindi mo ko iiwan?
nang mangusap mga mata mo'ng may luha na
Hindi ka pababayaan sayo'ng pagiisa
Hindi ba't sabi ko kasabay ka saming pagtanda?
sambit na noon sa'kin loob
Bakit bigla ka na lang nandiyan sa kabilang buhay?

Wala ng sandali na hindi ka'na maaalala ng hindi umiiyak
Matitigilan pa minsan tila unti-unti sinasaksak 'tong puso't isipan ko'y kasamang pumanaw
Lumisan kasama ng bahaghari
Ang nuo'y yakap-yakap ka't hinahalikan nilalambing ng palo
Sa'kin ala-ala 'yun na lang ang sadyang malinaw
Habang inaalipin ng lungkot at lunggati
Sakbibit sa loob ito'ng mga luha't paghikbi
Damdamin hanggang kailan mapipighati
Hanggang sa pumalahaw na ng pagiyak
Mula ngayon hanggang sa kailanman
'to ang araw ng pagdadalamhati ko
Habang nakatingala pa sa mga langit
Bumuhos ito'ng mga luha tila nagtatanong pa kung bakit

Salamat sa mga ala-ala mo
Paalam na aking mahal.

Hindi ba't sinabi mo hindi mo ko iiwan?
nang mangusap mga mata mo'ng may luha na
Hindi ka pababayaan sayo'ng pagiisa
Hindi ba't sabi ko kasabay ka saming pagtanda?
sambit na noon sa'kin loob
Bakit bigla ka na lang nandiyan sa kabilang buhay?

Hindi ba't sinabi mo hindi mo ko iiwan?
nang mangusap mga mata mo'ng may luha na
Hindi ka pababayaan sayo'ng pagiisa
Hindi ba't sabi ko kasabay ka saming pagtanda?
sambit na noon sa'kin loob
Bakit bigla ka na lang nandiyan sa kabilang buhay?

"Kabilang Buhay"
Performed by:Bandang Lapis
Written by:Mark Jay B. Nieves

"Kabilang Buhay"
Performed by: Bigshockd
Written by

ELAƎY- THE RƎVOLT ( THE LOVE SONG SYNDROME SHOW. IV)Where stories live. Discover now