VRG 15

3.9K 120 11
                                    

Laly's POV:

Maayos ang naging takbo ng relasyon namin ni Elliott sa mga nagdaan na araw. Malapit narin ang first monthsary namin, ilang araw na lang.

Sobrang bilis ng oras, parang kailan lang noong pumunta siya sa classroom namin para bigyan ako ng pagkain. ngayon ito siya at girlfriend ko na. Sa mga nagdaan na araw wala naman kaming naging problema sa relasyon namin.

Mas naging malapit pa kami ni Elliott. Hindi ko alam na masyado pala siyang clingy. tulad nalang ngayon, nandito kami sa classroom nila dahil kakatapos lang ng subject namin.
Vacant nila at tatlong oras pa bago ang sunod nilang klase.

Kakatapos lang ng subject namin at dahil wala naman si ma'am Hernandez ay dito ko nalang naisipan tumambay. Mamaya pa naman ang next class namin at gusto ko siya makasama.

Wala naman problema sa mga kaibigan at kaklase nya. Halos lahat nga sila ay nakakausap ko na at parang isa narin ako sa kanila dahil palagi akong sinasama ni Elliott sa tuwing may lakad o kapag wala naman klase ay pinapapunta niya ako dito.

"it tickles" nakangiti akong lumingon para sawayin siya sa ginagawa.

Nandito kami sa upuan niya, nasa kandungan niya ako nakaupo habang nakasandal ang aking likod sa dibdib niya. Nakayakap siya sa tiyan ko habang ang mukha niya ay nakasubsob sa leeg ko. Dinidilaan niya yon bago kakagatin gamit ang labi niya.

Wala naman pakialam ang mga kaibigan at kaklase niya kahit panay ang harutan namin dalawa. Siguro ay nasanay narin ang mga ito sa amin dahil ganito naman kami palagi sa tuwing nakakasama namin sila.

"I want to kiss you..."

Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa ibinulong niya.

Gusto ko rin pero hindi pwede. Ayokong may ibang nakakakita sa mga ginagawa namin. Ayoko rin sa ngayon dahil alam ko na parehas namin na hindi mapipigilan ang isa't isa, baka bigla na lang kaming tumakbo papunta sa lumang building.

30 minutes na lang at kailangan ko narin bumalik sa classroom namin para sa sunod na klase.

Hindi naman ako pinipilit ni Elliott kapag sinabi kong wag muna. Isa sa mas nagustuhan ko pa sakanya. she respect me. she respects my decisions.

Hinintay lang namin matapos ang oras bago niya ako ihinatid sa labas ng classroom.

mabilis akong humalik sa pisngi niya at ganun rin ang ginawa niya ng maihatid na ako sa labas ng classroom bago tuluyan nagpaalam. Kakaupo ko palang ng magtext siya at sinabing dito ko nalang daw siya hintayin sa classroom namin mamayang uwian.

Birthday ni Camille ngayon, may pa pool party siya sa resort nila sa Quezon. Halos lahat yata sa buong batch namin ay invited. Saturday bukas kaya dalawang araw kami sa resort nila.

"Sabay kayo ni Elliott mamaya?" Tanong ni Mhica sa tabi ko.

Tumango lang ako habang ang atensyon ko ay nasa nagtuturo sa unahan.

Bumalik din kami nila Carol at Mhica sa dati. Ako na ang unang humingi ng sorry dahil alam ko naman na ako ang may mali.

Mabilis lang ang naging klase. Uwian na ngayon at kaagad nang nag paalam yung tatlo dahil mamimili pa daw sila nang mga damit na dadalhin nila.

Hinihintay ko lang si Elliott dahil sabay na kaming pupunta sa resort. Sa bahay na lang daw siya magbibihis para hindi na siya uuwi.

Ilang beses na nakapunta si Elliott sa bahay. Sa tuwing pumupunta siya ay wala naman ang daddy at si mama, kaya solong solo namin ang bahay at alam nyo na ang nangyayari...

"Hi, lavi. Let's go?"

Nakangiti akong lumingon sakanya ng marinig ko ang tawag niya bago tumango. Dito ko siya hinintay sa labas nang classroom dahil wala ng tao sa loob.

VIRAGOHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin