Chapter One: Golden Letter

2K 94 20
                                    

Flame's POV

Luto here, luto there, linis everywhere.
Yan ang mga bagay na ginagawa ko sa araw araw pagkamulat palang ng mata ko.

"Flame! Ang almusal namin?!"-auntie
"Nanjan na po!"

Yung tumawag sa kin Auntie ko yun, sa kanya na ko lumaki. Wala na kasi akong mga magulang, at di rin ako nagkaroon ng pagkakataon na makilala sila.
Matapos nilang kumain niligpit ko na yun at dinala ko yung mga bagahe nila sa kotse. Aalis kasi sila para sa isang business trip.

"Bantayan mong mabuti si Trixie ah? Kapag may nangyaring masama sa kanya malilintikan ka sakin"-aunt
"Opo"

Pagka alis nila pumasok na ulit ako sa bahay.

Kung nagtataka kayo kung bakit ganon ang turing nila sa kin. Di pa ba obvious? Ampon lang ako at isang pabigat lang ang tingin nila sakin, kailanman ay di nila ipinaramdam sakin na parte ako ng pamilya nila. Katulong na nga ang dating ko eh.

"Ate sila mama?"-trixie

Sya si Trixie nag iisang anak nila Auntie. Di gaya nila mabait sya sakin kahit paano, tinuturuan nya ako ng mga leksyon nila sa paaralan; di kasi ako pinag aral, sayang lang daw ang pera. Mabuti nalang talaga at nandyan si Trixie.

"Maaga silang umalis eh. Kain ka na" matapos ay nginitian ko sya
"Sige, ate. Sabay na tayo"-trix

Pagkatapos namin kumain niligpit ko na yon at nag diretso sa maliit na kwarto ko, mag papahinga muna ako bago ipag patuloy ang mga gawaing bahay.

Nakahiga ako sa papag ng may pumasok na ibon mula sa bintana, napaka puti nito at may nakalagay na bagay sa tuka nito.

"Sobre?" nasabi ko paglapit ko sa kanya, ibinaba nya kasi yung sobre; at ang ganda kasi kulay ginto ito

Pinulot ko yun at tiningnan ang likuran para malaman kung para kanino ito.

Sapphire Flame Forrester

"Para sakin?" natanong ko nalang sa sarili

Binuksan ko yun, ng mapansin kong hindi parin umaalis ang ibon. Hindi ko nalang pinansin at tiningnan ang laman ng sobre.

Sulat, isang sulat na nakalagay sa kulay gintong papel. Kakaiba, sino kayang nagpadala nito?

Ms.Forrester,
Greetings, from Sky Academy. We, the teachers together with our head master, is inviting you to enrol to our school and be one of us.
August 2 at exactly 11 pm near the town's forrest. We'll be waiting for your presence.
Sky Academy, School of Magic

"School og Magic? Seryoso?" natanong ko nalang sa sarili ko

Matapos kong mabasa yon lumipad na yung ibon.

"Ate Flame! Tara dito" Tawag sakin ni Trixie mula sa kwarto nya

Agad ko naman binitawan ang sulat nagpunta na dun.

Kasalukuyan akong tinuturuan ni Trixie nang bigla akong mapatulala ng maalala yung sulat. Napansin naman yun ni trixie kaya tinawag nya ko.

"Ate? Anong problema?"
"Alam mo ba kung saan yung Sky Academy?"

Nangunot naman yung noo nya. Dali dali akong nag punta sa kwarto ko para kunin yung sulat at ipinakita ko yun sa kanya.

Lalo lang namang nangunot yung noo nya. Haha ang cute nya lang, kung di nyo naitatanong maganda talaga si Trixie, napaka simple at inosente.

"Di ko alam. May ganun ba?"-trix
"Nakita ko lang yan sa bintana ng kwarto ko. Weird nga, di nalang sa mailbox nilagay"
"Haha baka di alam ang mailbox! Galing kanino?"-trix
"Wala ring nakalagay trix"
"Hmmmm. Pero School of MAGIC? Seriously?"-trix

Binigyang diin nya talaga yung word na Magic, sabagay parang di makatotohanan.

"Pero Ate, come to think of it. Kung nangloloko lang yan, bakit gumo golden letter pa?"-trix
"Gulo ah"
"Pero ate next week na ang August 2"-trix
"Haaay wag na nga lang nating pansinin"

~~~

Hello? May nagbabasa ba nito? xD Paramdam naman kung meron pa para alam ko kung ihihinto or ipagpapatuloy ko pa=]
By the way, next Chapter will be tragic;)

SKY Academy: School Of MagicWhere stories live. Discover now