Prologue

21 13 0
                                        

Madami na'ng taon ang nakalipas simula ng magising ako sa matagal na pagkakahimbing sa isang kuwarto na punong-puno ng katahimikan ang bawat sulok nito.


Nakaupo ako ngayon sa may bench‚ naghihintay ng masasakyan na bus pauwi—at biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Isang pamilyar na lalaki ang umupo sa may tabi ko.

"Miss‚ hindi ka pa ba uuwi?" tanong nito sa akin. Na'ng harapin ko ito ay nagulat ako.

Si Ethan ba 'to? Bakit parang 'di niya ako naaalala?

"So‚ let's go? Malapit na'ng dumating ang susunod na bus" dagdag pa niya at inilahad ang kamay niya sakin.

"Miss‚ tara na?" muling tawag niya sakin.

"Excuse me? But, may i know your name?" tanong ko dito at tumayo ito,

"Ethan, Ethan Nathaniel Salvacion" pakilala nito at iniabot ang kamay nito sakin.

"Nice to meet you, Mr. Valerie Caia Arcenia," nakangiting saad ko at inabot ang kamay niya.

Mula sa kinatatayuan niya kitang-kita ko ang saya mula sa mga labi niya. At hindi ba niya namamalayan na nababasa na ang balikat niya?

"Mr., nababasa ka na" saad ko at itinuro ang balikat niya.

Ngumiti siya sakin at hinawakan ang basang parte ng kasuotan niya.

"Ayos lang, matutuyo din naman 'yan. Dumidilim na din, hindi ka pa ba sasabay sa akin?" paanyaya nito at umiling lamang ako.

"So, it's a goodbye?" he said in whisper.

"Hindi pa naman good bye, let's just say "see you tomorrow " right?" i said and he smiled.

"Take care, Miss Arcenia" he said, he waved his hand and he ran to the rain.

aish, ano ba naisip nun at nagpa-ulan na lang bigla. Naalala ba niya ako? O umiiwas siya kaya ganun?

At habang naglalakad ako sa may gilid ng kalsada, ramdam ko ang ulan na dumadampi sa balat ko at ramdam ko na din na basang-basa na ako. hay naku author, hihimlay ako sa ginagawa mo.

Napatigil ako sa paglalakad ng maramdaman ko na wala nang napatak na ulan sa sahig at sa balat ko, tumingala ako at nakita ko ang isang puti na payong.

Lumingon ako at nakita ko siya, bakit siya na naman? "E-Ethan?" basang-basa siya ng ulan at humahangos pa.

"Valerie, akala ko ba sasakay ka? Pero bakit naglakad ka pa? Alam mo naman na naulan" sermon pa nito sakin.

Lumapit ako sa kaniya para idamay na din siya sa payong na kanina'y hawak niya, "Pero bakit bumalik ka pa?" tanging tanong na lumabas sa mga labi ko.

"Kasi, nag-aalala ako na baka magka-sakit ka dahil alam ko na ang gagawin mo"

Nag-aalala ako na baka magka-sakit ka.

Nag-aalala ako na baka magka-sakit ka.

Nag-aalala ako na baka magka-sakit ka.

Nag-aalala ako na baka magka-sakit ka.

Paulit-ulit na mga salita ang naririnig ko, binabangungut ata ako ah.

Naramdaman ko ang sakit ng ulo ko at may mainit na kamay akong naramdaman sa may leeg ko. Ano 'yun?

Iminulat ko ang mga mata ko at —

"Anong ginawa mo sakin?!" gulat na tanong ko dahil bago pa ako makatingin sa kaniya ramdam ko na wala pala akong suot na kahit ano.

"Wala, i didn't do anything that will harm you" he said in manly voice, why naman need ng ganun? Baka mahimatay na naman ako ah, ha? Mahimatay? Nahimatay ba ako?

"Ano ba ang nangyari kanina?" tanong ko at seryoso pa rin ang mukha niya.

"Walang kanina, Valerie. Kahapon ka nahimatay, kung hindi ka pa nagising baka ireport ka na ng mama mo na missing ka na" sabi niya at napayakap ako sa sarili ko. Bala nga hinahanap na ako ni nanay.

Tumayo siya at lumabas ng kuwarto, ano ba kasi ang nangyari sakin? Bakit ako nahimatay? Malakas naman immune system ko.

Ethan Salvacion, maaaring nakalimutan mo ako pero hinding-hindi kita makakalimutan. Ang taong minsan kong minahal.

Napabalik ako sa huwisyo ng biglang tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa table na nasa gilid ng kama.

"Valerie!" sigaw ng babae sa kabilang linya.

"Mama, ano ba naman? Hindi naman kailangan sumigaw e" saad ko at namura pa ako, hays

"Anong nangyari sayo'ng bata ka? Muntik ka na naming ireport sa mga pulis. Kung saan-saan ka na naman nagsususuot ha" saad nito at biglang bumukas ang pinto, iniluwa nito ang isang matipunong lalaki.

"Valerie, anak? Nakikinig ka ba sakin? Bigla ka'ng natahimik diyan" ay hehe sorry po, ang gwapo niya e.

At napangiti ang lalaki na ngayo'y katabi ko.

"Oo na po, sige po. Uuwi na po ako may dadaanan lang ako" sambit ko at ibinaba ko na ang cellphone ko.

Nakatitig lang sakin ang lalaki na kanina'y kinaiinisan ko,

"Val?" ay —

"Mahal kita!" napalakas ang sigaw ko at napalaglag ako sa kama habang nakabalot sa akin ang kumot.

"Likewise. Here's a new clothes, magpalit ka na at ihahatid na kita sa inyo" he said and suddenly left the room.

"Ay ganun na lang 'yun? Matapos akong gulatin, mapasigaw at malaglag, iniwan ba naman ako? Iba din talaga" saad ko sa sarili ko at dali-dali na akong nagpalit.

Nang makalabas ako ng kuwarto ay nakarinig ako nang sumisigaw sa labas kaya napatakbo ako —

Aray! Gsgi ano ba naman 'to nauntog pa nga sa —

"Why are you running? Ihahatid kita, hindi mo kailangang tumakbo para maka-alis ka" ay tao pala, pero masakit 'yun ah.

"Sige, ihatid mo na ako. Masakit ah" pabiro ko'ng sambit at tila nagbago ang expression ng mukha niya.

Naglakad lang siya papalayo sa akin at sumakay na sa kotse niya. Ay wow! Ang ganda naman, ano 'to? VAS? Anong initial 'to?

"Sasakay ka ba o lalabas pa ako baka buhatin ka at isakay dito?" seryosong tanong nito at dali-dali akong sumakay, baka masunog 'yung bahay sa sobrang hot e.

Walang umimik samin habang nasa kalagitnaan ng byahe, pero nakakapagtaka alam niya ang daan pauwi sa amin.

"We're here" saad niya, akmang bababa na ako nang higitin niya uli ako papasok at bigla niya akong hinalikan sa noo, bumitaw din naman agad siya at nagpa-alam na ako.

Napatanaw ako sa sasakyang sakay ang lalaking nagnakaw ng halik sakin at bakit sa noo lang? tsk.

Ethan Salvacion‚ my first love. He taught everything for me to recognize the world. At hahanapin kita, nakalimutan ko man lahat pero ang pangalan mo?


— naeexcite ka ba? kasi ako, oo.
keith_ryuinoue, chapter 1 will be up.

Year 2000 (Ongoing)Where stories live. Discover now