Paalam
I
Malapit na ang panahon na kailangang lumisan
At tayong dalawa'y sa isa't isa ay magpaaalam
Mga sandaling magkasama kay hirap kalimutan
Sapagkat lihim na umibig sa'yo aking kaibigan
II
Marahil ay walang halaga ang damdamin ko noon
Pinanghawakan nating pagkakaibigan hangad ang pagyabong
Pagtingin ay lumalim at ng di-malaon
Damdamin kong ito sa iyo natuon
III
Hindi kayang sirain itong naumpisahan
Lalo na't ang hangad , magtagal magpakailanman
Pag-ibig kong ito pinilit kang kalimutan
At ang nararamdaman kinailangang talikdan
IV
Namayani ay pagkakaibigan sa ating dalawa
Nagtagumpay na tila itong nasimula
Ngunit pag-ibig lubos nga bang nawala
Natuturuan nga ba ang damdamin sa'yo aking sinta
V
Masayang sandali nitong pagkakaibigan
Ay siyang hinangad , lahat ay iniwan
Tuluyang nilisan aking kalooban
Malugod na sinalubong itong kinabukasan
VI
Ngunit panahon ay siyang nagtakda
Na sa ating pagtatapos tayong dalawa
Lilisan sa isa't-isa hindi na magkikita
Paalam aking minahal , paalam sinta
VII
Pag-ibig kong ito na muling nagbalik
Pintig ng puso , hindi na maririnig
Ako'y lumuluha , pagsisisi ng mga tinig
Sana'y nasabi , bugso ng aking himig