"Klay..."

Napalunok ako sa seryosong boses ni Papa. "Pa?" Sana naman pumayag siya. Siya na lang kasi ang nakikita kong pag-asa para magkaroon na ng maayos ng tirahan sina Sasha.

Mula sa seryoso ay lumitaw ang ngiti sa mga labi niya. "Sure, anak. Walang problema."

Halos wala nang mapagsidlan ng saya ang puso ko sa narinig. "T-Talaga po, Pa?"

"Yes. Nasaan ba sila? Ngayon din puwede na sila ditong tumira. Besides, may mga bakanteng kuwarto rin naman diyan. Ipapaayos ko para sa kanila."

Mangiyak-ngiyak akong tumayo para yakapin siya. "Salamat, Pa. Salamat po talaga."

"You're welcome, anak. Anything na magpapasaya sa 'yo, ibibigay ko," wika niya nang yakapin niya ako pabalik.

***

Magkahalong excitement at tuwa ang nararamdaman ko ngayon habang nasa biyahe para puntahan at sunduin sina Sasha. Van ang sinakyan namin para magkasaya kaming lahat, lalo na at sumama rin sina Kuya, Kalvin, at Mama. Excited na akong makita ang mga reaction nila kapag nalaman nilang puwede na silang mag-stay sa bahay. Paniguradong matutuwa sila.

Mayamaya lang ay huminto na ang sasakyan at ako ang unang lumabas dala ng excitement ko. Sumunod naman sa akin sina Mama, Papa, at Kuya. Iniwan namin si Kalvin sa loob ng sasakyan kasama ang driver.

"Sasha! Gio! Gia! Ayan!" natutuwang sigaw ko sa mga pangalan nila habang palinga-linga sa madilim na paligid.

"Sure ka bang nandito sila?" tanong ni Kuya sa akin.

"Oo. Dito ko lang naman sila pinupuntahan, eh. Paniguradong nandiyan lang 'yan sila," nakangiting sagot ko. "Gia! Gio! Sasha! Ayan!" patuloy kong sigaw sa kanila.

Nasaan na naman ba kaya sila? Sana naman hindi sila umalis at lumipat ng lugar. Lalo na ngayon na may magandang balita ako para sa kanila.

Nakasunod lang sa akin sina Mama habang patuloy ko pa ring isinisigaw ang mga pangalan nila. Halos ilang minuto na rin kaming naghahanap pero hindi pa rin sila nagpapakita.

"You know what? Maghiwa-hiwalay tayo para mas madali natin silang makita," suhestiyon ni Papa. "Ano bang mga hitsura nila Klay?"

"Apat po sila. Mga ka-edad lang po sila ni Kalvin. Dalawang babae at dalawang lalaki. Magkahawig po 'yong isang batang babae at isang batang lalaki dahil magkapatid po sila. Sina Gio at Gia. Tapos si Ayan at si Sasha naman po iyong dalawa."

"Sige. Susubukan namin ng mama mo na hanapin sila. Darwin, samahan mo ang kapatid mo."

"I will, Dad."

"Ingat kayo. Inform us kapag nahanap n'yo na sila, okay?" Tumango kami sa kaniya. "Let's go, Bernice."

Sa ibang direksiyon nagpunta sina Mama at Papa. Kami naman ni Kuya ay dumiretso lang kami at patuloy na naghahanap.

"Sure ka bang nandito pa sila?" tanong ni Kuya nang sandali kaming huminto.

"Hindi naman kasi sila aalis. Baka naglaro lang sila o hindi kaya may pinuntahan. Hindi sila puwedeng umalis," sagot ko sa kaniya habang ang loob ko ay puno ng kaba.

Ayokong isipin na umalis sila. Pero nasaan sila? Bakit nawawala sila? Imposibleng umalis sila dahil hindi nila ako iiwan. May nangyari kayang masama sa kanila? 'Wag naman sana.

"Let's go. Maghanap pa tayo," yaya ni Kuya at pinangunahan ang paghahanap.

Inabot na kami ng halos dalawang oras sa paghahanap ngunit hindi pa rin namin sila nakita. Pinuntahan na namin iyong mga lugar na posible nilang puntahan subalit wala pa rin. Hindi ko na alam ang gagawin. Nag-aalala ako kung ano na ang nangyari sa kanila. Pero paano kung umalis na sila? Paano kung iniwan na nila ako?... Hindi. Imposible 'yon.

"Klay, 'wag ka nang masyadong mag-alala. Ipapahanap ko sila, okay?"

Tumango lang ako kay Papa bilang tugon. Pauwi na kami ngayon dahil masyado na raw late. Ipagpapabukas na lang daw ni Papa ang paghahanap. Siya na raw ang bahala.

Ngunit, kung ako lang? Hahanapin ko pa rin sila. Masyado akong nag-aalala para kina Sasha. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko.

Isinandal ko ang ulo ko sa bintana at hindi ko man lang namayalan na tumulo na pala ang mga luha ko.

Ayokong mag-isip ng masama. Ayoko ring isipin na umalis sila at iniwan nila ako. Gusto kong isipin na nandoon lang sila...

Ayoko na ulit maiwan. Masyado na silang naging mahalaga sa akin para mawala sila. Hindi puwedeng bumalik nga sina Papa sa amin, nawala naman ang mga batang minsan ay nagbibigay sa akin ng pag-asa at saya.

"Klay, sabihin mo. Ang mga batang tinutukoy mo ba ang dahilan kung bakit gusto mong lumipat tayo ng bahay?" kalmadong tanong ni Mama pagdating namin sa bahay.

Tumingin naman sa akin sina Kuya at Papa na tila ba hinihintay ang magiging sagot ko.

I sighed. "Aaminin ko po, isa po sila sa dahilan kung bakit nag-decide po ako na lumipat na po tayo ng bahay. Gusto ko na po kasi talaga silang kunin do'n, e. Gusto ko silang magkaroon ng maayos at matinong tirahan. Naging mahalaga na rin sila sa akin. Niligtas nila noon ang buhay ko... Pero gusto ko rin po kasing magkakasama na po tayo at mabuo kaya naisip ko rin pong lumipat na lang po tayo ng bahay..." sagot ko kay Mama.

Bahagya naman akong nagulat nang lumapit sa akin si Papa at niyakap ako. "I'm so proud of you, anak. Natutuwa ako na may mabuti kang puso katulad ng mama mo. Masaya ako na kahit wala ako sa tabi ninyo sa matagal na panahon ay napalaki ka pa rin niya nang maayos. 'Wag kang mag-alala. Hahanapin natin sila." Hinagod niya ang likod ko kaya hindi ko na naman napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

***

- CheerlessAngel

My Red Flag EnemyWhere stories live. Discover now