"Welcome to our home!" nakangiting pagwe-welcome ni Papa sa amin.
"Wow! Papa! Bahay po ba natin ito?!" inosenteng manghang tanong ni Kalvin.
"Yes, anak. Bahay natin 'to. Titira tayo rito ng magkakasama at masaya." Hinawakan ni Papa sa ulo si Kalvin at bahagyang ginulo ang buhok. "Anyway, naka-ready na ang mga kuwarto ninyo. Darwin, ikaw na ang bahala na magdala kina Kalvin at Klay sa mga kuwarto nila."
Kuya Darwin nod. "Yes, Dad."
"Bernice, let's go? I'll show you our room?" yaya niya kay Mama at inutos niya sa mga maid na dalhin ang mga gamit namin bago sila magkahawak-kamay na umakyat ng hagdan.
"Let's go?" yaya naman ni Kuya sa amin ni Kalvin kaya sumunod kami sa kaniya.
Nang makita ko ang kuwarto ko ay totoong nakaayos na nga ito. Malinis at malawak. May balcony rin, may sofa at may malaking TV screen. May iilan pang mga luxury items na makikita sa paligid. Kahit ang bathroom ay malaki. Feeling ko tuloy ngayon isa na talaga akong prinsesa.
Humiga ako sa kama kong sobrang lambot at sobrang laki nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko namang sinagot ang tawag nang mabasa ko ang pangalan ni Fidel.
Me: Hello?
Fidel: Nasaan ka?
Me: Sa bahay, bakit?
Fidel: Nandito ako sa bahay ninyo, pero walang tao.
Agad akong napabangon nang mapagtanto kong lumipat na nga pala kami ng bahay.
Me: Ahh, wala na kami riyan. Lumipat na kami ng bahay. Dito na kami nakatira sa bahay ni Papa.
Fidel: Is that so? Saka na lang kita pupuntahan diyan. May kailangan pa kasi akong puntahan, e.
Me: S-Sige.
Fidel: I love you.
Pakiramdam ko nanindig ang mga balahibo ko nang marinig ko sa kaniya ang tatlong salita na iyon.
Me: S-Sige, Fidel. Ingat ka.
Ako na ang unang nagbaba ng tawag at sandaling natulala sa kawalan. Alam kong iisipin ng iba na ang arte ko o pakipot ako. Pero kasi, sadyang hindi ko pa masyadong kilala si Fidel. Pakiramdam ko may mga bagay pa akong hindi alam sa kaniya na dapat kong malaman.
SABAY-SABAY kaming kumakain sa malaki at mahabang mesa nang matigilan ako. Nakakapanibago ang ganito, nasa malaking bahay na kami nakatira habang kasama namin ang half brother at ang tatay ko. Siguro kailangan ko nang masanay sa ganito.
"Klay? May problema ba?" tanong ni Mama sa akin kaya napatingin ako sa kaniya.
"Wala naman po, Ma." Tipid akong ngumiti sa kaniya at bumalik na ulit ako sa pagkain ko.
Sa totoo lang, nag-aalinlangan talaga ako ngayon. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanila, lalo na kay Papa ang talagang nasa isip ko kanina pa.
"Klay, you look bothered. Is there something you want to tell me?" tanong naman ni Papa na ngayon ay nagpupunas ng tissue sa kaniyang bibig. "C'mon, anak. Tell me," turan pa niya.
I sighed. "Ahh, Pa. M-May favor po sana ako. K-Kung okay lang po?" I started with hesitation.
"Favor? What kind of favor is that? Tell me, anak. Kahit ano pa 'yan. Sabihin mo lang."
I cleared my throat. "Pa... May mga bata po kasi sana akong gustong kunin at patirahin po rito. Ayos lang po ba?"
Lahat sila ay natigilan at napunta sa akin ang atensiyon. Kinakabahan ako sa totoo lang, hindi ko kasi alam kung papayag ba sila o hindi.
"Mga bata? Sinong mga bata?" usisa ni Papa.
"Mga batang lansangan po. Apat po sila. Noon ko pa po gusto silang patirahin sa bahay kaya lang lagi kong nakakalimutan na sabihin kay Mama. Isa pa po, hindi naman po gano'n kalakihan ang bahay namin at hindi naman po kami mayaman o mapera. Kung ayos lang po, Pa? Puwede po bang dito na lang po natin sila patirahin? Naaawa po kasi ako sa kanila, e. Tutal, malaki naman po itong bahay. Puwede rin pong doon na lang po sila sa kuwarto ko mag-stay," pangungumbinsi ko sa kaniya.
YOU ARE READING
My Red Flag Enemy
RomanceLove Enemy Series #1 Isang pangyayari ang sasalubong kay Klay dahilan upang maipit siya sa pagitan ng limang sikat na basketball players sa kanilang unibersidad. Dahil sa masamang karanasang dinanas niya kay Fidel Alexander Tan -- na siyang pinakasi...
CHAPTER 70
Start from the beginning
