"Tumayo po kayo, please," pakiusap ko at inalalayan siyang tumayo. "Nakapag-desisyon na po si Mama. Hindi ka na po niya ipapakulong para sa anak ninyo. Sapat na sa akin na makitang nagsisisi kayo sa ginawa ninyo kay Mama."

Pinahiran niya ang pisngi niya gamit ang palad niya. "Paano ba ako makakabawi sa inyo? I can't believe I did such horrible things sa mga taong katulad ninyo na may mabubuting puso. Thank you..." Bigla niya akong niyakap na siyang nakabigla sa akin. Hindi ko siya niyakap pabalik at sinulyapan ko lang si Hannah na ngayon ay nakangiting nakatingin sa amin.

"Sana lang, nagbago na po talaga kayo," usal ko sa mommy ni Hannah nang kumalas na ito sa yakap.

"Of course, Klay. Because of what happened, I realized a lot of things," nakangiti niyang tugon.

"Sige na, makakaalis na kayo. Nandito pa rin ang galit ko kaya umalis na kayo bago pa man magbago ang naging desisyon ko," malamig namang sabad ni Mama.

"Hindi na kami magtatagal. Maraming salamat ulit. Someday, makakabawi rin kami sa inyo. Thank you," huling salita ng mommy ni Hannah bago umalis.

"Thank you po, Ate Bernice. Thank you, Klay," wika naman ni Hannah na niyakap ako at si Mama bago sumunod sa mommy niyang nauna nang lumabas.

Dumako ang tingin ko kay Mama nang tumayo siya at niyakap ko siya. Niyakap niya naman ako pabalik habang hinahagod ang likod ko.

"What's going on here?"

Naghiwalay kami ni Mama no'ng marinig ko ang boses ni Papa.

"Pa!" nakangiti kong bati sa kaniya at niyakap din siya. "Mabuti at nandito na po kayo."

"Why? May problema ba?" usisa niya.

Dagli naman akong umiling. "Wala po. Pero gusto ko po sana kayong makausap."

"Tungkol saan, anak?"

Lumunok muna ako at ngumiti. Pinag-isipan ko talaga ito nang mabuti at sa tingin ko naman ay wala rin namang masama kung sakali. "Puwede po ba kaming... lumipat nina Mama at Kalvin sa bahay ninyo?"

Sandaling natigilan si Papa pati na rin si Mama at ilang beses pang napakurap. Hindi ba sila makapaniwala sa sinabi ko?

"T-Tama ba ang dinig ko, Klay? Gusto mong lumipat na tayo sa bahay ng papa mo?" tanong ni Mama.

Tumango-tango ako. "Opo, Ma. Naisip ko lang po kasi, pamilya po tayo pero hindi po tayo magkakasama. Wala naman pong problema ro'n 'di ba, Pa?" baling ko kay Papa.

"O-Of course! Actually, kakausapin ka sana namin ng mama mo about diyan. I'm happy na gusto mo na ring makasama kami," nakangiting tugon ni Papa.

"Did I hear it right? Lilipat na kayo sa bahay namin?" biglang sulpot ni Kuya kasama si Kalvin na pawis na pawis. Mukhang kagagaling lang nila sa paglalaro.

"Yes. Lilipat na sila sa bahay namin. Magkakasama na rin tayo sa wakas," nakangiting sagot ni Papa sa kaniya.

"Really? That's great! Finally, hindi na hassle para sa amin ni Dad na makasama kayo. Kalvin and I can also play basketball anytime," malawak ang ngiting turan ni Kuya.

"Talaga po?! Lilipat na po ba tayo sa malaking-malaking bahay katulad kina Kuya Xander?!" excited namang bulalas na Kalvin na siyang tinanguan lang naming lahat. "Yeheeeeeeyy!" Nagtawanan kami nang bigla siyang magtatalon.

Tinapunan ko ng tingin si Mama at mababakas mo rin sa kaniya ang saya. Alam kong masaya at excited sila ni Kalvin, kahit ako ay ganoon din.

***

Halos lumuwa na ang mga mata ko sa pagkamangha habang inililibot ang mga mata ko sa paligid ng bahay. Hindi ko akalain na ganito rin pala kayaman ang tatay ko.

My Red Flag EnemyWhere stories live. Discover now