“Aray, Couz, ah? Hindi mo talaga alam?” umakting na nasasaktan si Fiara. May pahawak-hawak pa siya sa kaniyang dibdib, eh, nakangiti naman.

Kumunot ang noo ko. “Ang alin?” anong ibig niyang sabihin?

Tumawa si Lucas dahilan para mapatingin ako sa kaniya. “Birthday kasi ni Fiara ngayon, Ate. Hindi mo alam?”

Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat. Birthday ni Fiara?! “What?! Today?! No one told me!”

Nakita ko kung paano kinamot ni Lucas ang ulo niya sabay hilaw na ngumiti sa akin. “Nakalimutan ko yatang sabihin sa iyo?” patanong iyon.

Umirap ako saka humalukipkip ulit. Tiningnan ko si Tito. “And what about the humans outside? Bakit sila nandoon? Don't tell me we will going to celebrate it here?” I seriously said.

Nakita ko kung paano siya ngumisi sa akin. That makes me glared at him when I realized what his grin mean. “Kindam” he didn't even budge.

Mas lalong tumalim ang tingin ko sa kaniya. “Tito! Alam kong maraming tao ang pupunta rito. You know that it's too dangerous, right? Kaya nga tayo hindi nagpapasok ng tao, hindi ba? Kaya nga medyo malayo itong mansyon na ito sa mga tao, hindi ba? You know why!” medyo galit kong ani.

Nahihibang na ba siya? What if may mga bampirang—no! Sigurado akong may pupunta na bampira rito. And I am pretty sure that some of them are a threat to the humans. Ayokong magkagulo rito! No! Not again!

“Alam ko, Lavander. I perfectly know. But my decision will not change. Dito mag-b-birthday si Fiara sa ayaw at sa gusto mo.” Natahimik ang lahat. Tumalim lalo ang tingin ko sa kaniya. Bumuntong-hininga siya saka nagsalita ulit. “Lavander, listen. Pinaghihinalaan na itong mansyon na ito ng mga tao. They are making stories about our mansion. Hindi mo iyon naririnig dahil wala ka namang pakealam doon. Lavander, we need to make them believe that we are like them. At saka anong problema kung mag-p-party tayo rito? Dahil ba sa nangyari eight years ago?” napaiwas ako ng tingin sa kaniya. Narinig ko ulit na bumuntong-hininga siya. “Lavander, you need to move on. Walang mangyayari sa iyo kung hindi mo kakalimutan iyong nangyari. And don't worry, alam na alam ko kung anong mangyayari. There is a reason why I chose to celebrate here. Kaya ‘wag kang mag-alala. Everything is under control. Kung may aatake, I’ll make sure that it will be outside,” sabi niya.

”Fine! Do what you want!” tumayo ako. “I lost my appetite. Excuse me.”

Naglakad ako palabas ng dinning area. Narinig ko pang tinawag nila ako ngunit hindi ko sila pinakinggan at nagpatuloy lamang sa paglakad papalabas ng mansyon. Nadaanan ko pa ang mga taong napahinto sa ginagawa at napatingin sa akin at napanganga. I ignored them.

Nang makalabas ay napahinto ako nang maalalang wala pa akong dalang susi para mag-drive. I don’t want to go back inside just to get my keys. Mag-t-taxi nalang ako. Nang makasakay ay humalukipkip ako habang nakatingin sa labas. Kung gusto nilang mag-celebrate roon, edi sige! Kapag nagkagulo ay ‘wag na ‘wag nila akong masali-sali problema nila! Kung hindi, ibabalik ko sila sa nakaraan! Makikita talaga nila!

Biglang kumalam ang tiyan ko dahilan para mapahawak ako roon. Great! Gutom na ako! Tsk! Sa mall nalang siguro ako kakain.

                                 ***

Napahinto ako sa paglalakad nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko sa loob ng bulsa ng aking pantalon. Kakatapos ko lang bumili ng regalo ni Fiara at kumain na rin ng breakfast. It is already quarter to one and it’s lunch, obviously. Hindi ko man lang namalayan ang oras sa kakahanap ko kung ano ang pwedeng iregalo sa pinsan ko. At hindi lang iyon, I bought clothes for myself.

Unknown Connection (Completed).Where stories live. Discover now