Chapter 1

0 0 0
                                    

"Oh! Sige! Akala mo hindi kita papatulan kasi babae ka?" Pinanuod ko si Thea at Loro na magtalo habang si Jill ang nasa gitna nila.

"Kahit pa patulan mo ako, hindi ka makakapalag sa akin."

Tumawa ako doon at patuloy lang sa pagsusulat ng mga susunod na letrang sagot. "Miss Moria Nathalie Asuncion?" Isang 4th year student na lalaki ang tumawag sa akin.

"Yes?"

"You are expected to collect your classmate's answer sheets and deliver them to the faculty."

"Okay." Sabi ko at nginitian ako siya. "Now na ba?" Tumango siya. "Can you wait for me?"

I took all of their attention when I tapped the desk in front. "Pass your sheets already."

"Hindi pa ako tapos!" Sigaw ni Thea. Nginitian ko siya at winagayway ang papel niya. "Bwesit ka talaga."

Finished or not they passed it to me. Pagkalabas ko ay naroon pa rin si Sean na tumawag sa akin.  I smiled at him but he ignores it. "Gwapo kaso masungit." Asar ko sa kanya.

"I know I am not good looking, Nat. Wag ka nang mangbola." Tumawa ako.

"This is the first time you named me but it's not my nickname. Mona."

"Iisipin kong wala lang kilay." Mas natawa ako doon.

Iniwan niya na ako nang makalapit kami sa faculty. "Thank you, Aragon." Sabi ko at lumapit sa mesa ng adviser namin.

Hindi man niya gusto pero I find him cute. Lalo na at sobrang gwapo niya kapag malapitan. Natatakpan ng malaking eyeglasses at naging stereotype na need ang may mga ganitong eyeglasses.

"Wala si Ethan?" Tanong ng Guro.

"I think his mother was rushed to the hospital."

"Nakakapagtaka nga naman na hindi sila magkasama." Sabi ng kabilang teacher habang inaayos ang mga manuals. "Lagi ba kaming magkasama ni Ethan?" Nagkibitbalikat ako at iniwan sa desk ni ma'am yun.

Nagpaalam ako saka naglakad palabas at patungo ng classroom nang makasalubong ko ulit si Sean na ngayon ay may hawak na ng bola at ipinapasa sa kaibigan. "Bakit ba hindi ka maglaro sa varsity?"

"Nahihiya ako." Rinig ko. Nagkatitigan kami. Ngumiti lang ako hanggang sa malagpasa nila ako.

"Mortgage!" Inis na kinuha ni Thea ang kulay niya mula kay Loro. "I am playing!"

Ngumuso ako at "Trade." Sabi ko. "$300." Ngumiti si Thea sa akin.

Deal! Kinuha niya agad ang pera. "Mas malaki ang offer ko doon ah?" Reklamo ni Loro.

"Mas okay ng malugi ako kung ikaw." Umamba si Loro sa kanya at ganoon rin si Thea. Umiling ako at binigay ka Thea ang pekeng pera.

Tinitigan ko ang board at kaunti pa lang ang property ko. In the end ako ang unang nalugi. Natapos na rin ang break time kaya hindi natapos ang laro. Loro and Thea still bickering about what Thea did.

"Kung kailan mo ng tulong doon na dapat sa malaki!"

"I don't want the quantity you offer. I want the quality!" Sabay yakap ni Thea sa braso ko.

"Si Lolo at Lola d'yan nagkatuluyan." Sabi ko pagkatapos at sabay silang nasuka. Obviously they like each other pero defense mechanism ata nilang dalawa ang pangkukutya sa isa't Isa.

Kinabukasan sa gitna ng klase may dumayo na students Council sa amin para magtawag ng representative. Ethan waited for me to stand. "Wala ka kahapon?"

"Oh! Mom did her dialysis, wala si Dad so I went with her." Tumango siya. "Have you heard about Luna?"

You Got Me An Eye Contact LensWhere stories live. Discover now