Chapter 11

16 3 0
                                    

Chapter 11





Rejected.




Hindi ko maintindihan kung paano nyang nagagawang kalmado ang mukha nya kahit nababasa ko ang galit at pagkadismaya sa kanyang mga mata.


"Hinintay kita." Malamig nyang wika. Pumikit ako ng mariin at lumapit pa rin sa kanya.


Walang nagawa ang pamimigil nya saakin at lumapit pa rin sa kanya.


"I-i'm sorry... Niyaya kasi ako ng kaibigan ko and I... I kinda forget about you... Hindi ko rin naman naisip na hihintayin mo ako, eh..." Paliwanag ko. Nagtaas siya ng kilay at muling bumalik ang kunot na kunot nyang mga mata kanina.


Hindi sya sumagot at nag iwas lang saakin ng tingin. Napansin ko ang pag galaw ng adams apple nya, senyales ng paglunok.


"Hayaan mo na, hindi mo namang obligasyon na pumunta rito." He said, coldly. Tinalikuran nya ako at naupo sya sa mahabang kahoy na upuan hindi kalayuan saamin.


Lumapit ako at pinanatili ang distansya naming dalawa. I know galit sya.


"Alam ko naman na... Galit ka. B-babawi ako bukas promise! Pupunta ako dito, promise talaga!" I even raised my palm as a promise sign.


"Wala akong pasok bukas." Mabilis nyang sagot. Kinagat ko ang daliri ko nang maalalang linggo nga pala bukas.


"Edi, mag date na lang tayo..." Mabilis ang naging paglingon nya saakin. Mukhang hindi na sya galit at nakita ko ang multo ng ngiti sa labi nya nang lingunin nya ako matapos ang sinabi.


"Gusto mo bang makulong ako?" He asked. The amusement is evident in his eyes. Napatawa ako. Muling bumalik ang kaninang ekspresyon niya nang marinig akong tumawa. Ngumuso ako.


"Hindi naman halata, eh... Tsaka 2 months na lang debut ko na." I looked at him. Para bang pinag iisipan nya ang sinabi ko. Teka, ilang taon na kaya sya?


"Hindi kita girlfriend. Kaya hindi tayo pwedeng mag date." He said in monotone. Napairap ako. Wala ba talaga siyang alam sa mga ganitong bagay?! Pwedeng mag date kahit hindi mag on!


"Mag di-date tayo kasi nililigawan kita. 'Yon na lang ang isipin mo—" He stopped me with his laughter.


Anong nakakatawa?


"Ano bang meron saakin at nakakaya mo 'yang gawin?"


"Alin?" I cluelessly asked.



"Ligawan ako," he said, casually.



Nag isip ako kunyari. Alangan namang sabihin ko na, kailangan lang kasi sinabi ni Xena kapalit ng pananahimik nya sa sikreto ko.


"Gwapo ka..." He raised his eyebrows. It looks like he's watching me lie and he already knows the truth.


"... mabait ka naman at m-masipag." Patuloy ko. His lips twisted. Pakiramdam ko pinipigilan niya ang matawa.


"Tama na. Parang hindi ako ang pinapaniwala mo kundi ang sarili mo." Umiling siya. I smiled at him, hindi na siya galit. Ang bilis. Kung ibang lalaki ang kasama ko ngayon gaya ng dati, siguradong tatlong araw ang dadaan bago mawala ang pagtatampo saakin.


"Hindi ako pwede bukas. Sa susunod na lang tayo lumabas..." Tumango tango ako sa sinabi nya. I kinda felt relief dahil wala na siyang sama ng loob saakin.


Just like what Zaki said, doon nga ako nag sleep over sa kanila. Ang sabi nya, pumayag naman daw ang parents nya as long as doon kami sa bahay nila. I didn't really have plans on telling my mom about it, pero she insist na magpaalam ako at baka raw mag alala sya.


When Autumn FallsWhere stories live. Discover now