Poseidon's Pearl

21 3 1
                                    

Kiera's POV

"Noong unang panahon, mga diyos at diyosa ang namumuno sa ating mundo." panimula ng aking lola sa pagkukuwento.

"si Poseidon, Athena at Zeus ang tinaguriang pinakamalakas na diyos, sumunod ay si heides, Aphrodite at diana. Maituturing na yelo ang dalawang diyosa dahil sa katahimikang ipinababatid nila."

"Ano pong ibing nyong sabihin lola?" tanong ko.

"Nagkaroon ng digmaan sa Olympus at silang dalawa ay hindi nakiisa. Marahil iyon na rin ang maging dahilan kung bakit ipinatapon si Aphrodite sa kalawakan at si diana sa kalupaan. Si Aphrodite ay ang diyosa ng buwan at pinamumunuan ang kalawakan, samantalang ang kalikasan naman ang pinamumunuan ni diana na dyosa ng kalikasan. Naatasang mamuno si Poseidon sa pitong karagatan, si Athena na namuno kasama si Zeus na dyos ng mga dyos at dyosa at si hermes na mensahero ng dyos at dyosa. Nailagay naman si heides sa impyerno upang mamuno at magparusa sa mga kaluluwang masasama"

"Sila lang po ba ang mga dyos at dyosa lola?"

"marami pa pero sila ang mga tinaguriang pinakamalalakas. Sa ating mundo, gumawa ng mga alagad ang dyos at dyosa base sa kanilang pinamumunuan. Si Poseidon na gumawa sirena at si diana na gumawa ng diwata pero ang mundo ng mga dyos at dyosa ay may dalawang batas. Una, bawal silang umibig sa mortal, ang pangalawa naman ay bawal silang umibig sa kanilang alipin kaya't pinapanatili nila ang distansya nila mula sa mga mortal at gayun na din sa kanilang alipin."

"pero lola, paano po nila mapapanatili ang distansya nila sa kanilang alipin kung ang tungkulin nila ay ang paglingkuran ang dyos at dyosa?"

"may ginagamit silang mga materyales na may dasal ng babaylan. Katulad na lamang ng bato mula sa buwan na mula sa babaylan ng kalawakan, ibinigay ito ni Arthemis upang hindi mahulog ang loob niya sa kanyang alipin, o di kaya ay ang perlas mula kay Poseidon na may dasal ng babaylan ng karagatan. Ibinigay nya ito sa kanyang alipin dahil sa parehong dahilan."

"pero lola, parang wala naman po iyan sa libro?"

"oo wala iyon sa libro, nakatatak sa puso ko lahat ng aking sinabi.

"Huwag kang mag-alala, darating din ang panahon na mararanasan mo ang naranasan ko noon." sabay ngiti sa akin ni lola.

"Ano pong ibig nyong sabihin lola?" "sa tamang panahon, apo. Sa tamang panahon" sabay tapik sa aking ulo

(KASALUKUYAN)

Ikalabing tatlong taon na ngayon simula noong namatay si lola at ang tanging iniwan nya lamang ay ang singsing na may isang itim na perlas.

"May problema ba kiera anak? Kanina ka pa tulala diyan"

"ina, matagal na akong nagtataka. Pilay ho ba talaga si lola? bakit pati ang mata niya ay kulay asul? isa pa, hindi po ba't mahirap tayo? paano po nagkaroon ng ganitong singsing si lola?"

hindi nakaimik si ina at nakatulala lang sa akin. Nakapagtataka lang talaga kasi ang aking ina ay may kayumangging kulay at ganoon din ang aking mata.

"a-ahm, ang i-iyong lola? ahm..alam mo, huwag ka nang maraming tanong, kumain na lang tayo upang makadalaw na rin sa puntod ng iyong lola"

Tumango na lang ako at nag ayos. Habang nagsasalamin, may napansin ako sa aking mga mata

k-kulay asul ito!

"ina! ina!" sigaw ko ng malakas dahil sa aking pagkataranta.

"Anong problema?!" at pagkaharap ko ay tila ba nabuhusan ng malamig na tubig ang aking ina dahil sa gulat.

"Kailangan na nating mag madali! bilis!" dali dali kaming lumabas at pumara ng sasakyan.
Hindi ko maunawaan ang nangyayari ngunit isa lang ang sigurado ako
.
.
.
.
hindi ako makahinga!

Poseidon's PearlWhere stories live. Discover now