PROLOGUE

15 15 2
                                    

Prologue
Yung unang tingin mo palang sa kanya ay hulog na hulog ka na.
Yung kahit tumabi lang siya sayo, kilig na kilig ka na.
Yung maririnig mo lang boses niya, okay ka na...
Yung araw-araw mo siyang hinahanap.

Yung feeling na hindi ka mapakali kapag hindi mo siya makita.
Yung siya nalang palagi ang laman ng utak mo.
Ay! Teka lang ... Ano pala ... Bakit ikaw yung tinutukoy ko? Ako pala hehe.

Pag-ibig nga ba ito? O sadyang paghanga lamang?

Ako nga pala si Jim. Jimraya Jennih Ikely Miuela Ajero. Labing-anim na taong gulang pa po at ako'y nasa ika-labing isang baitang sa seksyon-Sun. Maharlika University.
Alam kong di niyo tinatanong ngunit gusto ko lang sabihin.

Sa totoo lang, hindi lang ako kundi kaming magkaibigan ang bida dito sa kuwentong ito. Walang kokontra po okey?

Sige simulan natin sa unang araw ng pasukan...

Inlab With Your Insan (Inlove with Your Cousin) 01Where stories live. Discover now