1

5 1 0
                                    

Madaling araw, habang nakikipagtitigan ako sa kisame ng kwarto at gising pa rin ako. Nakahiga lang ako dahil kakatapos ko lang mag-ayos ng sarili. Iyon na nga lang nagawa ko ngayong araw, mag skincare.

Nakahiga lang ako buong araw. Nalulungkot ako pero maayos naman 'yong pagssocmed ko. Dagdag mo pa nang malaman kong walang pasok isang linggo. Sino ba naman kasing hindi malulungkot?

isang linggo ko siyang hindi makikita, maririnig at makakatabi.

"Nagsisimula nanaman akong maging ganito. Kung kailan fresh pa trauma ko." Walang emosyon kong sinabi. Pero choice ko 'to mag last try sa kaniya kahit may traumatic ex ako. Dahil sobrang iba naman siya.

Hindi ko maiiwasan 'tong deja vu, mag-overthink, at mawala sa mood. 'Yon na nga ang mga imperfections ko.

Grabe pala level ng sensitivity ko. Pero hindi mawawala ang understanding ko, lalo na kay ace.

Unti-unti ko na nalalaman 'yong iba pa niyang side. Isa na do'n ang kababan ng confidence niya.

Dahil do'n, sinabi niya sa 'kin na "No choice ka kasi ako lang 'yong nandito."

"Syempre marami kang choice kung meron pang iba bukod sa 'kin sa room." Sa totoo lang may choices ako kaso, hindi ko na na-explain sa kaniya kung bakit ako 'tong nasaktan marinig 'yon. "Paano kung may iba pang inc 'di ba? tapos mas pogi pa sa 'kin."

Naisip ko naman na malabo pa talaga sa kaniya kasi wala naman kami sa relationship. Okay lang isipin niya 'yon, sa ngayon. 'Wag lang niya sasabihin ulit sa 'king gano'n kapag gf niya na ako..

Gusto kong sabihin sa kaniya na may choices ako kung sarili ko muna at maghanap ng iba soon or itutuloy ko 'yong nararamdaman ko. So meron akong choice, at pinili ko siya.

Nag ii-stay ako sa isang taong katulad niya, sa kabila ng masakit kong mga nakaraan.

I know what he deserves, my worth and how this all works.

Bakit parang ayaw niya pa na nagustuhan ko siya. TvT

Siya naman naunang magustuhan ako 'di ba?

"Saglit ko lang pala siya nakausap kanina. Siya lang talaga 'tong kausap ko palagi kaya  nangungulila ako. Parang ang kulang ko pa 'nong halos hanggang pag tulog, offline pa rin siya at hindi ko nabasa sa kaniya 'yong good night message." Nagbuntong hininga naman ako. Ayos na 'yon, mga gawain lang naman kaagaw ko sa kaniya.

"Idagdag mo pa 'yong paglayo niya sa 'kin sa personal." Nalulungkot na ako to the max bakit naging ganito ako sa kaniya? TvT

Sinabi niya naman sa akin na may sipon siya at ayaw niya lang akong mahawa. "Eh, kasi naman--" Hindi nanaman ako bigla mapakali. "Lumipat pa siya table imbis na magkatabi kami nun, para masundan niya 'yong drawing." Siguro akala niya hindi ko rin alam 'yong gagawin, pero may nagagawa na ako. Gusto ko pa nga siya no'n turuan.

"Hindi ko alam kung dahil may sipon siya o gusto niya ro'n kasi alam nila gagawin? Ako eto lang."

"Sa na-observe ko pa, 'pag katabi niya ako minsan tayo na siya nang tayo, para bang hindi siya mapakali."

TvT

flashback

"Mahal na mahal kita, hindi 'yon magbabago."

-

"Tigilan mo na nga mag-isip." Ngumiti akong bahagya.

Siya lang para sa 'kin. Hindi rin 'yon magbabago as long as 'di siya magaya sa siraulong lason na mga lalaki Narcissist.

Kung nararamdaman ko man itong ganitong pagkalungkot dahil sa kaniya, naniniwala naman akong part talaga 'to. Sabi nga hindi naman laging masaya. Pero sabi niya laging masaya. TvT kimi gets ko naman

Through ups and downs HAHAHAHA
Downs are not cheating, disrespect, abuse: verbal, mental, physical, manipulation, gaslighting.

Sa kamalas malasan, naranasan ko na lahat 'yan

Nabaling naman sa iba ang iniisip ko. "Hindi kami." Hindi nga naman kami pero kakaiba na nararamdaman ko sa kaniya.

"Bakit hindi ko na lang siya sabihan na gusto ko maging kami na?" Tinanong ko pa sa sarili ko kahit alam ko namang tutol ako.

"Gusto ko makita kung talagang ipu-pursue niya ba ako. Ginawa ko na dating itanong 'yon sa maling tao, guess what? Bandang huli siya rin 'tong hindi sigurado sa 'kin at nang iwan."

Sinasabi nanaman ng pride ko na ligawan niya muna ako. Hindi ko naman papatagalin, dahil gusto ko lang talaga malaman na mismo siya sa sarili niya, alam niya kung siguro na siya at ready na ba siya mag commit.

Alam ko naman nag mamatter din sa kaniya itong age namin. "Paano nga kung sa 18 pa lang siya maging ready? 16 naman ako ngayon, paano kung maraming magbago?"

"Hanggang kailan ko iga-gaslight sarili ko na 'wag ako masyado maapektuhan dahil hindi kami katulad ng iba?"

Sa ngayon okay na okay naman ako na huwag muna, pero minsan naguguluhan ako sa ganito. Hindi naman ako 'yong tipo ng babae na puro pag-aaral lang inaatupag at walang oras sa ibang bagay." Mukhang matatagalan ako sa pagkalito.

"Sana worth it naman lahat, kung hindi tapos talaga ang mundo." saad ko.






You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 07, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Back to JanuaryWhere stories live. Discover now