PROLOGUE

116K 2.5K 192
                                    

Napatitig ako sa malaking salamin. Pinasadahan ko ng tingin ang aking kabuuan. Napangiwi pa ako sa iksi ng damit na suot ko. White collar blouse ang pangtaas na ang laylayan ay nakatuck in sa loob ng red pencil cut skirt na hanggang gitna lamang ng aking hita ang haba. May konting slit pa sa magkabilang gilid niyon. May red bow tie pang nakalagay sa pinakagitna ng collar. Ang buhok ko ay nakabun style para walang takas na buhok. Bakit ba kasi ganito kaiksi ang mga suot ng waitress dito? Hindi tuloy ako komportable.

I sighed for the nth time. Napasubo ako ng wala sa oras. You're so stupid, Mirabella Agnes! Paano ka nasuong sa sitwasyon na ito?

Do I really have to do this? Can I really do this?

Katok sa pinto ang napapitlag sa akin. Bumukas iyon at niluwa ang isa kong kasamahan. She's a waitress too. And a beautiful girl, at that.

"Agnes, tawag ka na sa mesa nila Sir. Magdala ka raw ng maiinom." she said at pinaikot ang mata sa aking katawan. "You look stunning."

Bea is my newest friend. In fact, ngayong gabi pa lang kami nagkakilala at magaan na agad ang loob ko sa kanya.

"I don't think it's suits me." ngiwi ko.

"It does, Agnes. Bagay sa'yo. Ingat lang sa mga guests ha. Hindi talaga maiwasang mabastos tayo paminsan-minsan kahit ba prestihiyoso ang bar na ito."

Lumapit ito sa akin at kumuha ng lipstick. "Dagdagan mo. You look very pale. Kalma lang. First timer ka sa ganitong lugar pero rest assured, this is the safest place in the city. Sir James is very good in handling his people."

Pagkabanggit sa pangalan ng lalakeng iyon ay lalong bumusangot ang mukha ko. That man!

Bea laughed. "Don't fall inlove with him. That's the number one rule here. Once he finds out na may employee siyang nagkagusto sa kanya, consider yourself terminated."

Oh! I'd rather be terminated than be in this place! But I don't have a choice!

"Nah, I will not dare." I said, pertaining to her words about falling inlove to that man.

She shrug her shoulders at tumalikod na. "Bilis na. Baka magalit yun. He's very dangerous when he's mad."

Tell me something I did not know. I smirked.

Paglabas ko sa employees' room for girls ay dumeritso na ako sa counter bar. The bartender smiled at me at ngumiti rin ako pabalik.

"Para sa table nila Sir James." sabi ko and he nod. Inihanda nito ang maiinom ng mga iyon at nilagay sa tray. Habang ginagawa niya iyon ay luminga ako sa paligid. Saan nga ba nakapwesto ang mga iyon?

Masyadong malawak ang ClubMix Bar. May second floor pa nga at sa abot ng aking tingin ay puno na rin iyon. Masyado ring malakas ang maharot na tugtugan. I so hate to be in this kind of place!

I'd rather stay at home at makasama na lamang ang aking anak. Oh, I miss my baby already. I hope he's sleeping soundly by now.

"Miss?" the bartender got my attention. "Here." inusog niya ng bahagya ang tray palapit sa akin.

"Thanks. Alam mo kung saan sila James nakaupo?" hindi ko kasi siya mahanap. Masyado pang magulo ang mga ilaw na paikot-ikot. Pakiramdam ko tuloy pati paningin ko ay umiikot na rin.

"James? You mean, Sir James?" his face a little bit surprised.

Oh! My bad. I forgot to add the word "Sir" Jeezz!

"Yeah. Sir James, I mean."

"Sa VIP lounge area sila. Sa pinakadulo nito." sagot naman ng bartender na nakangiti.

The Gentlemen Series 5: James, The RestaurateurTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon